Letters For My Future Partner 2.3

14 1 0
  • Dedicated kay Meiji Garces
                                    

I'm a gangster, and gangsters don't ask questions.

Lil Wayne

-

Ilang sandali pa ay tumigil sila sa pagtawa na ikinataka ko, napatingin ako sa pinto at andun ang Disciplinary Teacher namin na si Sir L.

“Yes, sir?” tanung ng teacher namin na kamukha ni Mr. Bean.

“ Asan si Ms. Villarama?” Tanong ni Sir L sa taecher ko,  napatingin ang mga classmate ko sa akin pati na ang teacher ko.

“Sir” taas ko sa kanang kamay ko.

“Pagkatapos ng klase mo dito, punta ka sa office ko” sabi  nya sa akin

“Yes, sir!” sabi ko naman na amy halong pagka-kaba sa boses ko

Tumingi sya sa teacher namin sa physics at tumango.

Wala naman akong ginawang masama dba?  tanung ko sa isip ko.Inaalala ko lahat nangyari kanina, yung nangyari kaya sa canteen?Yung pagsigaw ko kaya kay Ken The Gangster?

-

Tapos  na ang klase namin ay ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.Tumayo ako sa kinauupuan ko at inayos ko muna ang mga gamit ko.Kanina pa tanung  ng tanung ang seatmate ko kung may nagawa ba daw ako at kung bakit daw ako pinapapunta sa office ni Sir L. Sabi ko, wala. For sure, daig pa nito ay apoy na mabilis kumalat. Sa buhay ng isang tao, hindi mawawala ang mga tsismosa/tsismoso.

Bawat hakbang ko, bumibili naman ang pagtibok ng puso ko.Feeling ko ibibitay ako.

Nnag makarating ako sa harapan ng office ni Sir L, nangagatog ang tuhod ko, ni hindi ko maigalaw ang papa ko para humakbang. Gusto ko ng umaatras.

Kaya mo to! Selen. Wala ka naman ginawa eh!Ay hindi , dba sinigawan mo si KEN!

Napilitan akong kumatok sa pintuan ng opisina ni Sir L. OO, napilitan lang talaga ako.

“PASOK!” Sigaw mula sa loob ng opisina

Teka.. hindi naman boses yun ni Sir L eh! Agad ko pinit ang sedura ng pintuan, bumungad sa akin ang nakangising demonyo na si KEN!

“Si Sir L?” tanung  ko sakanya

“Lumabas, babalik agad yun. Bakit ka pala pumunta dito?” sabi nya habang nakaupong dekwatro sa upuan ni Sir L. Like a boss.

“Pumunta sya sa klase kanina , pumunta daw ako dito pagkatapos ng klase ko.” sabi ko sakanya. Nasa pintuan pa rin ako nakahawak sa sedura,baka kasi pagsinara ko ito ay pagkamalang may ginagawa kaming milagro.

Tumayo sya sa kinauupuan nya at papalapit sa akin. Nang makalapit na sya ay agad nyang hianwaka ang kamay ko palabas.

“Dito tayo mag-usap sa tapat ng opisina, baka pag-isipan tayo ng masama” sabi nya sa akin. Nakasandal ako sa may  pader at sya naman ay nakaharap sa akin. Tinignan ko ang kbuuan ng kanyang mukha. Ngayon ko lang napansin na naka-army cut sya,hindi tulad ng nauna o kadalasan kong nakikita noon na ang mala-koreanong style nyang buhok. Ang mga chinito nyang mata, matangos na ilong, at mapang -akit na labi na labi na mas gugustuhin ko nakikitang nakangiti kaysa sa nakasimangot at nakakarinig ng mga mura.

“Alam kong gwapo ako.” Nakangisi nyang sabi sa akin

“Baka gag*?”  nakangisi kong sabi, ramdam ko ang pag-init ng magkabilaang pisngi ko.

Masama bang titigan sya?

“  Alam ko.” maikling nyang sabi sa akin. Alam ko na nasaktan ko sya sa sinabi ko, kahit gangster , may puso din silang nasasaktan.

Letter for HIM & Letters for my Future PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon