Letters For My Future Partner

12 0 0
                                    

Author's Note: after 2222222222222 222222  years nakapag update din! Nakipag sapalaran ako sa finals namin at sa naputulan ang libreng wifi si Kapitbahay!

COMMENT. 

ENJOY!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

LFMFP:  New Selena Villarama

Pagpasok ko ng school lahat ng estudyante nakatingin sa akin. Kilala nila ako dahil isa ako sa pan laban ng school sa Archery.

 

Nagpagupit lang naman ako,hindi ako nagparetoke ng mukha.  Yan ang gusto ko sabihin sakanila. Dire-diretso ako lumakad , papunta sa Building namin.

“Hoy , kamusta?”

Napalingon ako sa bandang kaliwa ko, Si Jake.

“Okay lang , ikaw?” Balik kong tanung sa kanya

“Okay lang din. New look ah..” sabi nya

Tumango ako at ngumiti sa kanya. “ Punta na ako room, baka ma late ako sa first subject ko” sabi ko sakanya.

“Sige, See you around, Selen!” sabi nya sa akin

Ngumiti ako at nagsimula  nang maglakad, papunta sa building ko kailangan hindi ako ma-late.. may punishment kasi kapag na late ka. Mamimili ka sa punishment na  gagawin mo sa harap ng klase mo..

Ang una:

a. Kakanta ka.

Hindi naman maganda boses ko, baaka bumagyo pa nga kapag kumanta ako.

b. Sasayaw.

Hindi ako marunong sumayaw.

In short, wala akong talent. Pero may isa pa ako pwedeng pagpilian…

c. SPELL BUTT

Yan ang ayaw kong gawin. Nakakahiya para sa akin.

Nang makarating ako sa classroom ay wala pang professor na nagtuturo sa harap. Ibig sabihin hindi ako magagawa ang mga punishment. Pumasok ako ng classroom ramdam ko na sa akin sila nakatingin.

“May bago tayong classmate!” sigaw ni Kuya John

Si Kuya John ang  pinakamatanda sa amin. Nag-stop daw kasi siya noon.

Umupo ako malapit sa bintana. Mas gusto ko ang pwestong yun dahil makikita ko ang langit.

“Hoy alam nyo ba may bago daw tayong classmate! Kasi nakita ko sya last week kausap si Ms. Santos.” sabi ni Tin na class president ng block namin.

“Ano pakialam namin?” sabi naman ni Neriel.Sya  ang bully sa amin mgakakaklase.

Bigla nagtawanan ang mga classmate ko.

Ganyan sila,parang Highschool lang, petiks-petiks. Ako? Tahimik lang ako sa dulo at nakikinig sa mga asaran nila, minsan lang ako makosalamuha sa ibang tao. Inaalala ko ang pinag hirapan ng magulang ko. Kailangan ko kasi mag-aral ng mabuti.

Letter for HIM & Letters for my Future PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon