Letters For My Future Partner 2

20 3 0
                                    

SELENA POV

Tinatanung ko ang sarili ko kung paano nya nalaman ang panagalan ko, samantalang kahapon lang kami nagkakilala at nag usap.

Nakahiga ako ngayon sa kama ko at iniisip ang mga sinabi nya sa akin. Ano ba ang pakialam nya sa katulad ko, ni hindi man lang nya ako kilala.

“Kung may problema ka, pumunta ka dito sa kinakaupuan natin. Pupunta ako kung sakaling kailangan mo masasabihan ng problema mo”

Dapat ko ba sya pagkatiwalaan?

-

SOMEONE POV

“Alam mo naman kung bakit ko to ginagawa , hindi ba?” sabi ko kay Vince na nasa harapan ko ngayon at nagagalit.

“Na saktan sya?? Kuya , mag isip ka nga, masyado kang makasarili” sabi nya sa akin at nag walk –out.

Alam kong masyado na akong makasarili , ayaw ko syang masaktan kaysa naman ipagpatuloy namin ang nararamdaman namin para sa isa’t – isa.

May girlfriend ako , si Jackie, katulad ko rin isang operator ng isang fictional character. Hindi ko nga alam kung bakit ako sumabak sa giyera ng walang dalang sandata.

Siguro , noong mga panahon na yun naboboring lang ako kaya pumayag ako maging operator.Mga oras na yun naiilang ako sa mga babaeng nag cocomment  sa status o nagchachat sa akin,pero kailangan ko kausapin bilang character ng binabasa nilang kwento.

Napaka –Hopeless romantics nila, masyado silang naniniwala sa mga HAPPY ENDING na wala naman sa totoong buhay ng tao.

Nagbago lahat ng makilala ko sya.

Si Selena.

Isa sya sa mga readers na kumakausap sa akin, hanggang isang araw nagpadala sya ng private message sa akin.. Hanggang sa tumagal ay nag-uusap na kami tungkol sa personal namin mga buhay.

Napansin ko iba sya sa mga readers na nakakausap ko na sa group. Napakasweet nyang babae.

Akala ko nung una kaibigan lang ang turing ko sakanya.

 Hindi pala, kasi habang tumatagal..

Nag- iiba ang nararamdaman ko…

May mga katangian kasi si Selana na wala si Jackie. Alam ko naman na hindi dapat ipagkumpara ang dalawang tao..

Kung ano si Pedro ay si Pedro yun, at si Juan at si Juan.

 

“Anak,okay ka lang ba?” Tanung sa akin ni Mama

“Opo ma,” sabi ko sakanya at napasandal ako sa sofa.

“Sigurado ka?” Paninigurado nya sa akin

Tumango ako kay mama.

Ayoko mag – open sakanila lalo na sa nararamdaman ko para sa dalawang babae.Kailangan ko mag-desisyon para sa sarili ko at kailangan ko rin mamili sa kanilang dalawa.

 -

AUTHOR'S NOTE:

FLASHBACKS PO "YATA" ANG MAGPAPARAMI DITO.DI KO PO SURE :)

Letter for HIM & Letters for my Future PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon