Trouble Maker King 18

814 25 1
                                    

Bryle  POV 

Isang linggo na ang lumipas ng mailibing na ang sinasabi ni Mitch na Bryan sobrang lungkot ng mga mata ni Mitch at sobrang namayat siya hindi kasi sya kumakain tapos hindi pa siya makausap ng matino

Ngayun naka tingin lang ako kay Mitch na naka upo sa sofa at naka tulala iba talaga ang impact ng Bryan na yun kay Mitch

Kung ako kay Bryan hindi ko.....

"Mitch san ka pupunta?"tanong ko ng makitang tumayo si Mitch kaya tumayo na din ako

Hindi niya ako sinagot kaya kinabahan ako

"Mitch..."

"Wag kang susunod"sabi niya at humarap sa akin

"Mag pahinga ka na"wika niya

"Dapat ikaw ang mag pahinga Mitch hindi ka pa kumakain..."

"Pwede ba?! Wag kang mange alam! Buhay ko to kaya wala kang magagawa! Sa kung anong desisyon  ko"sigaw niya dahilan para matahimik ako

Simula ng mawala yung Bryan naging mainitin nadin yung ulo niya
Lagi syang galit at nag hahanap ng gulo

"Mitch.."

"Wag mo kong matawag tawag na Mitch dahil hindi ikaw si Bryan"malamig niyang wika saka humakbang papuntang pinto

"Ganyan ba talaga gagawin mo sa buhay? Ang mag rebelde at mag hanap ng gulo? Hindi ka na bata Jacklin hindi ka na teenager para sa mga ganyan pinapake alaman kita dahil concern ako sayo pinapake alaman kita dahil ayokong may mangyareng masama sayo sa tingin mo ba matutuwa si Bryan sa mga pinag gagagawa mo? Sa tingin mo ba magugustuhan niya ang kinikilos mo? Alam ko nasaktan ka sa pag kawala nong Bryan pero Jacklin hindi naman porket nawala siya eh susunod ka na sa kanya may iba pa namang taong nag mamahal sayo ang daming nag mamahal sa isang Jacklin pero anong ginagawa mo? Nag hahanap ka ng dahilan para mamatay ka hindi na kita kilala Jacklin"wika ko at tumalikod

"Sa oras na lumabas ka sa bahay na to asahan mo wala na ako dito hindi kita tinatakot Jacklin sinasabi ko lang ang kung anong mangyayare dahil habang nandito ako sa bahay mo alam kong masasaktan lang ako ng sobra sobra"pag kasabi ko non ay umakyat na ako sa taas

Jacklin POV

"Sa oras na lumabas ka sa bahay na to asahan mo wala na ako dito hindi kita tinatakot Jacklin sinasabi ko lang ang kung anong mangyayare dahil habang nandito ako sa bahay mo alam kong masasaktan lang ako ng sobra sobra"

Naiwan akong tulala sa mga sinabi niya
Ng tawagin niya ang pangalan kong Jacklin na imagine kong siya si Bryan hindi ko alam kung bakit pero napa upo nalang ako sa sahig saka umiyak

Bakit ba ako nag kakaganito? Gusto kong umalis si Bryle sa buhah ko dahil simula ng dumating siya nagulo na ang lahat pero may parte ng katawan ko ang nag sasabing wag ko siyang paalisin dahil mahalaga siya

Sino ka ba kasi Bryle? Bakit ganito nalang ang epekto mo sa akin?

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Yvi

(Yes Black Tiger?)

"Updates"

(For now ang nakukuha ko palang na empormasyon ay yung kay Bryan )

"Yung ....yung kay Bryle?"

(Wala pa Black Tiger )

"Anong tungkol kay Bryan?"

(Can we meet? Napaka importante nito)

"Dito sa bahay pumunta ka dito"

(Okay Black Tiger)

Trouble Maker King Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon