Trouble Maker King 26

737 19 0
                                    

Bryle POV

"Ughm...Mitch? Sino sila?"tanong ko habang naka tingin sa dalawang tao na sa tingin ko ay mag asawa

Ang alam ko ako lang ang inimbita ni Mitch para mag dinner bakit may kasama kami? Pamilya ba to ni Mitch? Ipapakilala niya na ba ako sa mga magulang niya? Whow iba to sa inaasahan ko

"Mga magulang mo ba sila Mitch?"tanong ko

Ngumiti ako sa babae

"Hi po ako po si Bryle grabe ang ganda niyo po kasing ganda niyo po si Mitch"sabi ko sa babae

Napa tingin naman ako sa lalaki

"Ikaw naman po? Tatay ka po ba ni Mitch? Nako napaka gwapo niyo po"sabi ko

Tahimik lang ang paligid kaya napaka awkward nito

"Bryle....i mean Kenneth" tawag ni Mitch kaya kumunot ang nuo ko

Kenneth?

"Huh?"tanong ko

"Kenneth sila yung mga magulang mo"sabi ni Mitch kaya napa tigil ako

Mga magulang ko?
Base sa mga nakikita ko sa panaginip ko iba ang mukha nila

"Huh?"

Kenneth..... Hindi Kenneth ang pangalan ko ang alam ko nag uumpisa ito sa B hindi ko lang matandaan kung ano ang tunay kong pangalan

"Kenneth anak"wika ng babae napa tingin ako kay Mitch na tahimik lang iba ang pakiramdam ko sa dalawang ito hindi ko alam kung bakit

"Sorry po ah pero hindi po kasi Kenneth ang pangalan ko Bryle po "pag kokorek ko

Napa tingin sakin si Mitch

"Kenneth ang tunay mong pangalan Bryle lang ang pinangalan ko sayo dahil sa tatlong letra na binitawan mo bago ka mawalan ng malay"sabi ni Mitch at tumingin sa dalawa

"Pasensya na may meeting pa ako iwan ko muna si Kenneth sa inyo"sabi ni Mitch at tumayo agad kong hinawakan ang kamay niya

"Mag uusap tayo"sabi ko at hinila siya palabas ng restaurant
Ng maka labas na kami agad kong binitawan ang kamay niya at hinarap siya

Jacklin POV

"Ano bang iniisip mo? Mitch hahayaan mo lang ako maiwan sa kanila? Ni hindi ko nga sila kilala"iritang wika ni Bryle

Napa kagat ako sa labi saka napa tingin sa taas para pigilan ang luha ko

"Bry...Kenneth talagang hindi mo sila makikilala dahil nawalan ka ng malay Bry...Kenneth magulang mo sila hinahanap ka nila ...."

"Oo nasa point na tayo na may Amnesia ako pero sigurado ka ba na magulang ko sila?"iritang tanong ni Bryle

"May pinakita silang birth certificate at..."

"Certificate? Ano pa Blood test ka echehan Mitch iba sila saga nakikita ko sa panaginip ko hindi sila yun isang Mayor at..."

"Tama na Kenneth tama na nanjan na sila ilang buwan ka rin nawalay sa kanila Bry...Kenneth kung pwede lang na ipag damot kita gagawin ko pero mga magulang mo sila..."

"Then ipag damot mo ako"seryosong wika ni Bryle napa tingin ako sa mga mata niya

"Hindi pwede"malamig kong wika

"Bakit? Dahil ba sila ang magulang ko? Mitch Hindi pa tayo sigurado hindi pa tayo sigurado kung sila talaga anong malay mo kong ilalayo lang nila ako sayo? Anong malay mo kung kaaway sila?"tanong niya agad akong napa tigil sa sinabi niya

"Papayag ka ba na mawala ako sa tabi mo? Akala ko ba ako lang ang meron ka? Akala ko ba ako lang ang..."hindi ko pinatapos ang sasabibin niya ng bigla ko siyang higitin at halikan sa labi niya hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa

Parang may kung ano na nag utos sa katawan ko na gawin ko ito

Bakas sa mukha niya ang gulat pumikit ako habang mag kalapat ang mga labi namin hindi nag tagal ay tumugon din siya sa aking halik

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko hindi ako mapakali pamilyar tong nararamdan ko una ko itong naramdaman kay Bryan

Humiwalay na ako mula sa kanya saka siya niyakap

"Hindi....hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko.....hindi....hindi ko kayang iwan mo ko...hindi...hindi ko kayang makita kang umalis sa tabi ko...hindi ko kayang mawala ka...ikaw lang ang meron sakin"umiiyak kong wika

"Mas hindi ko kayang mawala ka"sabi nya at hinalikan ang nuo ko napa pikit ako naramdaman ko ang pag halik niya sa mata ko

"Wag ka nang umiyak kahit na sila pa ang magulang ko hindi kita iiwan"sabi niya

Napa tingin ako sa likod ni Bryle ng may makita akong isang lalaking kanina pa naka tingin sa amin nag labas ito ng baril at tinutok sa gawi namin agad kong niyakap ng mahigpit si Bryle at pinag palit ang dereksyon namin

*bang

0___0

Naramdaman ko ang pag baon ng isang metal sa aking likod

"Mitch!"

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

Trouble Maker King Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon