Jacklin POV
A f t e r o n e m o n t h
"Bryan..."
"Bryan.."
"Hmmm?"
"Bryan ano ba?"
"Hmmm mahal naman eh bakit ang aga mo mang-gising?"tanong ni Bryan
"Bryan....gusto ko ng Nachos"sabi ko at niyakap ang braso niya
"Nachos? Mahal madaling araw palang kakain ka na?"inaantok niyang wika
"Bryan naman eh"naiiyak kong wika
Bigla siyang tumingin sa akin kaya nag pout ako"Sigurado ka bang kakain ka?"tanong niya sabay tingin sa orasan
"2:27 AM palang mahal mamaya pa tayo kakain"sabi niya
"Nagugutom ako"sabi ko at hinawakan ang buhok niya
"Ako nalang kainin mo"naka ngisi niyang wika kaya hinampas ko agad ang nuo niya dahilan para mapa bangon siya
"Aray naman eh"sabi niya at tumingin sa akin
"Gusto ko ng nachos"madiin kong wika
"Sure kang ayaw mong ako nalang ang kainin mo? Mas masarap pa ako sa nachos"
"BRYAN!"inis kong wika at tinalikuran siya
"Oo na po bibili na"sabi niya at kumamot sa ulo
"Saan ka bibili?"tanong ko
"Sa tindahan alangan namang sa simbahan diba?"pilosopo niyang wika kaya binato ko siya agad ng unan
"Joke lang boss"sabi niya at nag peace sign
"Gusto ko galing mismo sa Mexico"
0____0
"ANO?!"sigaw niya dahilan para maiyak ako
"Sinisigawan mo na ba ako?"tanong ko at naluluha na
"H-hindi naman sa ganon na-nabigla lang ako"sabi niya at lumapit sa akin
"Mahal nasa Pilipinas po tayo ang layo ng Mexico mahal buti sana kong malakad ko yun"sabi niya at hinalikan ako sa nuo
"So ayaw mo akong ibili ng Nachos? Eh di ako nalang bibili ng Nachos pupunta ako sa Mexico"sabi ko at tinulak siya palayo sakin
"Mahal naman eh ako na bibili baka mapahamak pa kayo ng baby natin"sabi niya at hinila ako palapit sa kanya kaya napa ngiti ako
"Alia na Bryan gusto ko nang kumain"sabi ko
"Sure ka talagang gusto mo galing sa Mexico?"tanong niya
"Mukha ba akong nag bibiro Bryan?"seryoso kong wuka
"Hindi sige na tulog ka na ulit bibili lang ako ng Nachos sa MEXICO" talagang diniinan niya pa yung Mexico kaya tinignan ko siya ng masama
Umiwas lang siya ng tingin saka nag bihis
"Ilan ba gusto mo?"tanong niya
"29"sagot ko
Nanlaki nanaman ang mga mata niya kaya tinaasan ko siya ng kilay
"Mahal alam mo mas masarap ako kesa sa Nachos ako nalang kainin mo"
"Bryan!"sigaw ko kaya dali dali siyang lumabas ng kwarto at iniwan akong naka higa napa ngiti naman ako ng mawala na siya
BINABASA MO ANG
Trouble Maker King
Romance|Complete| TROUBLE SERIES 2 "Its Brent not Bryan" Years past ng matapos ang isang gulo Gulo na nag pabago sa buhay ng isang nilalang Nilalang na nasaktan ng sobra sobra But wait...... NAKITA NIYA DAW SI BRYAN? Si BRYAN na patay na (daw?) Si BRYAN n...