Jacklin POV
"Mitch may nag hahanap sayo" napatingin ako kay Bryle at kunot nuong tumayo
Agad akong nag tungo sa pinto at nakita si Bryan sa labas napa ngiti ako ng makita siyang nakatayo at naka sandal sa kotse niya
Lumapit ako papunta sa kanya
"Bakit hindi ka pumasok?" Tanong ko sa kanyaUmayus naman siya agad ng tayo ng makita ako
"Nakakahiya naman kasi sa bisita mo" sabi niya saka tumango
Si Bryle? Psh
"Ahh hindi ko yun bisita tara pasok ka" sabi ko
Umilinh siya at ngumiti"Hindi naman ako mag tatagal eh ano nag punta lang naman ako dito para imbitahan ka sa party namin mamaya sana maka dalo ka ipapakilala narin kita sa Fiance ko" sabi niya
-___-
Agad nag bago ang aura ko ng marinig ang huli niyang sinabi
Pilit akong ngumiti sa kanya
"Baka hindi ako makapunta kasi may gagawin ako" pag sisinungaling koNag pout naman siya at ngumiti
"Okay pero sana maka punta ka parin gusto ka kasing makita ng Fiance ko and i promised to her na ipapakilala kita sa kanya" sabi niya
Tinaasan ko siya ng kilay
"Well I'm sorry busy ako sa pag hahanap kay Bryan" wika ko at tumalikod
"By the way congrats i hope your happy with her" malamig kung wika saka pumasok sa bahay dali dali kong sinara ang pinto at nag uunahang bumuhos ang aking mga luha
Ang pinaka masakit na pang yayare sa aking buhay ay ang imbitahan ka ng lalaking mahal mo sa isang party at ipapakilala ka sa magiging asawa niya
Talaga bang hindi siya si Bryan? Bakit mag kamukha sila? Kasi kung hindi siya si Bryan nag papasalamat ako na hindi siya ang Bryan na minahal ko
"Mitch..... Bakit ka umiiyak" agad akong tumalikod at dali daling pinunasan ang aking mga luha
"Pwede...ba wag mo akong tawaging Mitch...hindi tayo close" naluluha kong sabi saka hinarap siya
Nagulat ako ng bigla niya akong isandal sa pinto at lumapit at kinulong sa pagitan ng kanyang braso at dahan dahang pinunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang daliri"Hindi bagay sayo na umiiyak ka" wika niya at napahinto ng makita ang aking labi agad ko naman siyang tinulak palayo
"Pw..pwede ba wag kang feeling close" mataray kong wika sabay lakad palayo sa kanya
Pero natigilan ako ng marinig ang kanyang mga sinabi
"Ang lalaking yun.... Siya ba ang hinahanap mo?" Malungkot niyang tanong huminga ako ng malalim saka tumingin sa kanya
"Hindi... Hindi siya ang lalaking hinahanap ko" wika ko at napakagat labi
"Hindi siya ang lalaking minahal ko" pag katapos kong sabihin yun ay nag patuloy na ako sa pag lalakad muli akong natigilan ng marinig ko nanaman siyang magsalita
"Narinig ko ang pinag usapan niyo sa labas.... Hindi ka ba pupunta para makilala ang babaeng tinutukoy niya?" Tanong nitp
Galit kong nilingon si Bryle
"Ano bang pake alam mo? Wala kang alam kaya manahimik ka " galit kong wika
"May pake alam ako sayo...kaibigan kita at ayaw kong umiiyak ka dahil sa lalaki" wika niya
Bakit ganon? Bakit mas masakit pa ang sinabi niya kesa sa sinabi ni Bryan? Bakit nasaktan ako ng sabihin niyang KAIBIGAN NIYA AKO? bakit?
"Kung pupuntahan mo siya sa party makikita mo ang babaeng ipinag mamalaki niya at maikukumpara mo na ang sarili mo sa kanya kung mas maganda ba siya kesa sayo? O kung may laban ba siya sayo" wika niya
Nanatili lamang akong naka tingin sa kanyang muka at natawa sa sinabi niya
"Masasaktan lang ako kapag nakita ko silang dalawa" malamig kong wika
"Pero sabi mo hindi siya ang lalaking minahal mo kaya bakit ka masasaktan?" Tanong nito
"Ano ba ang gusto mong sabihin?" Tanong ko
"Ang gusto kong sabihin ay kung may pag mamay ari ka dapat ipaglaban mo at ipag damot mo " sabi niya
"Hindi kita maintindihan kaya wag kang feeling close kong ayaw mong paalisin kita sa bahay ko" wika ko at tinalikuran kita
"Kung talagang mahal mo ang lalaking yun pupunta ka sa party at mag iimbistiga na parang isang detective pupunta ka don para makumpirmang siya ang hinahanap mo" sabi niya
Hindi ko nalamang siya pinansin at umakyat na sa taas at dumiretso sa kwarto ko
"May pake alam ako sayo...kaibigan kita at ayaw kong umiiyak ka dahil sa lalaki"
Bakit ang sakit pakinggan ang sinabi niyang Kaibigan niya ako? Mas masakit pa yun sa mga narinig ko kay Bryan
Sino ba ang Bryle na yun at ganon ang epekto sa akin? Sino ba siya?
Umupo ako sa aking kama at kinuha ang picture namin ni Bryan na mag kasama
Nag uunahang tumulo ang aking mga luha ng maalala ang panahong ito
"Bakit ba kasi nawala ka?" Tanong ko
"Kung pupuntahan mo siya sa party makikita mo ang babaeng ipinag mamalaki niya at maikukumpara mo na ang sarili mo sa kanya kung mas maganda ba siya kesa sayo? O kung may laban ba siya sayo"
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Bryle kaya agad akong napa tigil
Kapag pinuntahan ko ang lintik na party na yun ng mag isa siguradong mag mumuka akong Kawawa dahil sigurado akong sa FIANCE ni Bryan ang focus niya
Napa tayo ako at agad na lumabas at hinanap si Bryle
Nakita ko naman siya sa may Garden na naka upo at mukang may iniisip na malalim habang naka lagay ang kanyang mga kamay sa kanyang ulo at hinahaplos itoAnong drama nanaman ang ginagawa niya?
"Bryle" tawag ko sa kanya pero di niya ako pinansin
"Bryle" tawag ko ulit at lumapit na sa kanya pero di niya ako ulit pinansin
Nag umpisa na akong mainis sa kanya kaya naman lumapit ako sa kanya at umupo sa harap niyaTila natauhan naman siya ng makita ako
"Anong drama nanaman yan?" Tanong ko sa kanya"Mitch...." Wika niya at laking gulat ko nalang ng mawalan siya ng malay
"Hoy Bryle..." Tawag ko sa kanya at tinapik
Agad na sumikip ang aking dibdib ng makita siyang walang malay
"Shit what happened to you?"
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure
BINABASA MO ANG
Trouble Maker King
Romance|Complete| TROUBLE SERIES 2 "Its Brent not Bryan" Years past ng matapos ang isang gulo Gulo na nag pabago sa buhay ng isang nilalang Nilalang na nasaktan ng sobra sobra But wait...... NAKITA NIYA DAW SI BRYAN? Si BRYAN na patay na (daw?) Si BRYAN n...