Trouble Maker King 23

748 20 0
                                    

Hyuna POV

Flashback 2

Isang taon na ang lumipas pero comatose parin si Jacklin nasa tabi niya lang lagi si Bryan at ayaw nitong umalis para daw pag gising ni Jacklin siya ang una nitong makita

Sa loob ng isang taon araw araw akong nakaka tanggap ng pananakot mula sa hindi kilalang tao na papatayin nila si Jacklin kapag tulog na ako araw araw sinasabi nila na ibigay ko daw si Bryan sa kanila kapalit ng kaligtasan ni Jacklin

Sa araw araw na yun halos masira na ang ulo ko dahil sa pag may lumalapit na hindi kilalang tao sa room ni Jacklin ay natututukan ko ito ng baril

At ngayun panibagong pananakot nanaman ang ginagawa nila sa akin alam na ito ni Bryan at nababahala din siya sa mga nangyayare

"Hyuna....nakita ko to sa labas" wika ni Bryan habang hawak hawak ang isang kahon

"Pananakot nanaman yan Bryan itapon mo nalang yan "sabi ko sumunod naman siya sa sinabi ko ng matapon niya na ang kahon lumapit siya kay Jacklin at hinawi ang buhok nito saka hinalikan ang kamay ni Jacklin

"Hyuna...natatakot na ako para kay Mitch"sabi ni Bryan at tumingin sa akin

"Kung sundin nalang kaya natin sila"sabi ni Bryan na agad kong tinutulan

"Hoy lalaki gusto mo bang mamatay? Kapag nagising si Jacklin ako ang papatayin niyan kaya manahimik ka"sabi ko at inirapan siya

"Pero pano pag gawin nila ang mga yun?"tanong niya

Trouble Maker King Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon