Jacklin POV
Binuksan ko ang aking mga mata at puting kisame ang agad kong nakita
"Insan..."
Napa lingon ako sa gilid ko at mula don nakita ko si Hyuna na naka upo
Agad akong umupo at nilibot ang paningin"Nasan ako?"tanong ko at tinignan siya
"Insan..."
"Hindi ba sinabi ko sayo na wala akong pinsan na ahas?"iritang tanong ko
Nakita kong namuo ang luha niya sa sinabi ko pero inirapan ko lang siya at tumayo
"Lia...saan ka.."
"Kailan ka pa nag karuon ng concern sakin?"tanong ko
"Lia Pinsan kita kaya..."
"Pinsan? Totoo? Psh alam mo kasi simula ng malaman ko ang lahat lahat pinutol ko na ang ugnayan ko sayo alam mo yun? Mahirap na baka kaaway ka ay mali kaaway ka na pala talaga diba?"malamig kong wika at tumalikod
"Lia makinig ka naman sakin..."
"Ano pang pakikinggan ko sayo?!"sigaw ko at humarap sa kanya
"Hyuna pinsan kita oo alam ko paulit ulit nalang na sinasabi mo sakin na Insan alam ko Hyuna alam ko pero parang sating dalawa ikaw ang hindi nakaka alam! Bakit? Kasi Hyuna pinsan kita pero pinag taksilan mo ko alam mo yun? Diba dapat mag kakampi tayo? Pero bakit mo binigay si Bryan sa kanila?! Kahit na alam mo kung anong mang yayare!"sigaw ko at tuluyan nang tumulo ang luha ko
"Lia ginawa ko lang yun para..."
"Para ano?! Ha? Para saktan ako? Pwes Hyuna nagawa mo na! Nasaktan mo na ako!"sigaw ko at napa kapit sa ulo ko
"Nagawa mo na Hyuna nagawa mo na, congrats"pag kasabi ko non ay nag lakad na ako patungo sa pinto akmang bubuksan ko na ang pinto ng mag salita siya
"Buntis ka Lia kaya hindi ka pwedeng sumugod nalang basta basta sa kanila"
.
.
.
.
.
.
.
.
..
.Napa hawak ako sa tyan ko at natahimik
Buntis...ako?
Naramdaman ko si Hyuna na naka tayo malapit sa akin
"Kasalanan mo tong lahat Hyuna, pinag sisisihan kita na naging pinsan pa kita"agad tumulo ang luha ko sa sinabi ko
"Kung hindi mo binigay si Bryan sa kanila sana naalala pa niya, kung hindi mo binigay si Bryan sa kanila sana walang gulo, sana walang away sana masaya kaming dalawa dahil mag kaka baby na kami pero pinag kait mo ang mga pangarap na yun sakin Hyuna "sabi ko at humarap sa kanya
"Pano pa kita bibigyan ng tiwala kong minsan mo na tong sinira?"tanong ko
Agad tumulo ang luha niya sa sinabi ko
"Kung alam mo lang Lia kung anong ginawa ko sa panahong wala kang malay sigurado akong lahat ng sinabi mo ngayun ay pag sisisihan mo wala kang alam Lia ginawa lang namin ang tama ngayun kung bibigyn mo pa ako ng isang pag kakataon hindi ko to sasayangin Lia papatunayan ko na hindi ako nag traydor Lia ako na ang babawi kay Bryan para sayo"sabi niya
Napa iwas ako ng tingin
Hindi ko kaya....hindi ko kayang pabayaan nalang siya mag isang kunin si Bryan"Baliw si Eziel Insa...Lia paiba iba ang takbo ng utak niya Lia ayokong may mangyaring..."
"Tama na Hyuna hindk mo ko madadala sa kadramahan mo alam mo kung pwede lang kitang patayin ngayun gagawin ko dahil galit ako sayo Hyuna galit na galit pero kahit na galit ako sayo hindi kita magawang mapatay dahil pinsan parin kita pinsang minsan na akong tinraydor kaya tama na kung talagang gusto mong bumawi sakin, samahan mo ko sa kuta ng Eziel na yan at pabayaan mo kong kunin si Bryan NG.MAG.ISA"madiin kong wila at tuluyan ng tumalikod
BINABASA MO ANG
Trouble Maker King
Romance|Complete| TROUBLE SERIES 2 "Its Brent not Bryan" Years past ng matapos ang isang gulo Gulo na nag pabago sa buhay ng isang nilalang Nilalang na nasaktan ng sobra sobra But wait...... NAKITA NIYA DAW SI BRYAN? Si BRYAN na patay na (daw?) Si BRYAN n...