Trouble Maker King 30

831 24 0
                                    

Jacklin POV

Isa...isang linggo na ang lumipas ng ipag tabuyan ko si Bryle para lumayo sa buhay ko

Kahit na lumipas na ang isang linggo pakiramdam ko kahapon lang ito nangyare ng mawala si Bryle sa buhay ko naging tahimik na ang bahay,walang nangungulit,walang tawa ng tawa,walang buntot ng buntot sakin.  Naninibago ako sa mga nararamdaman ko

Nag simula nanaman ang pagiging anti social ko nag simula nanaman ang pagiging maiinitin ng ulo ko unting pag kakamali lang napapansin ko agad agad

Araw araw sa loob ng isang lingo si Bryle lang ang iniisip ko araw araw iniisip ko
Masaya na ba siya?
Anong ginagawa niya?
Inaalagaan niya ba mga magulang niya?
Namimiss niya ba ako?
Kumakain ba siya?

Kasi ako
Hindi ako masaya ng mawala siya sa buhay ko
Lagi lang akong nasa kwarto nag kukulong ng bahay
Hindi ko na maalagaan ang sarili ko maski nga si Hyuna hindi ko na nabibisita
Namimiss ko na siya gusto ko siyang halikan at yakapin
Hindi ako maka kain kakaisip sa kanya

Araw araw umiiyak ako sa tuwing naaalala ko ang mga masasakit na salitang nabitawan ko sa kanya

Isang araw dumating ako sa point kong mag papakamatay na ako dahil pakiramdam ko mag isa nanaman ako pakiramdam ko walang nag mamahal sa akin.

Kasalukuyan akong naka upo sa gilid ng bintana ko sa kwarto habang pinag mamasdan ko ang litrato namin ni Bryle

Sobrang saya namin nitong araw na ito walang problema walang iniinda

Muli nanaman bumagsak ang mga luha ko habang tinitignan ang litrato namin ni Bryle

Ba...bakit ba lagi nalang ako umiiyak napaka iyakin ko na at napaka sensitive ko na

"Bryle..namimiss na kita"napa pikit ako at sinimulang punasan ang mga luha ko ng tumunog ang cellphone ko dali dali ko itong kinuha sa pag aakalang si Bryle ito pero laking dismaya ko ng makita na unregistered number ang tumatawag

Agad ko itong sinagod

"Yes? Who's this?"

(Ms Liana Jacklin Mitch C Asunshun? Pinsan ng pasyenteng si Hyuna Asunshun?)

Agad akong napatayo sa sinabi niya

"Yes bakit anong nangyare kay Hyuna?"

(Gising na po siya,hinahanap ka niya)
Dali dali kong pinatay ang tawag at nag simulang mag ayus saka dali daling nag punta sa hospital kung nasan si Hyuna

After 3 minutes naka dating na ako sa hospital dali dali akong nag punta sa kwarto ni Hyuna

Ng maka tapat na ako sa pinto ng kwarto ni Hyuna agad ko itong binuksan naabutan ko si Hyuna na naka upo sa hospital bed niya agad akong pumasok at sinugod siya ng yakap

"Insan"tawag ko at niyakap siya

"Insan"masaya niyang wika at niyakap ako agad nanaman akong umiyak ng maramdaman ko ang yakap niya

"Insan na miss mo ba ako kaya ka umiiyak? Tsk ang ganda ko talaga"

"Idiot ang tagal mo magising"sabi ko at kumalas sa yakap saka siya tinignan

"Ughm nakakainis ka kakagising ko palang pero ang drama mo na"sabi niya at pinunasan ang luha ko

Lumingon siya sa paligid na parang may hinahanap

"Nasan si Bry?"tanong niya agad nanamang tumulo ang luha ko sa tanong niya

"Ano ba insan napaka iyakin mo na tinanong ko lang kung nasan si Bry umiyak ka na"sabi niya

Trouble Maker King Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon