Chapter Three: Worst Day Ever

25 1 0
                                    

<Christian POV>

Tatlong araw na lang at pasukan na.

Halos 'BOREDOM' ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw.

Bukod sa wala akong masyadong ginagawa, inatake din ako ng lagnat.

Tatlong araw na akong nilalagnat. Pakiwari tuloy ay di na ako makakapasok.

I was home alone kaya di ako makaalis dito sa condo.

I started to think a way para makawala na ako sa lagnat na to.

Agad akong nakaisip ng paraan.

I'll contact my friends. Hinanap ko ang cellphone ko at agad na dinial ang number nila.

DAMN!!!

Expire na pala kanina pa yung load ko..

SH-T!!!

Bat ba ang malas ko ngayon?

I reached the telephone.

Then I used the speed dial. And to my suprised, their numbers are currently not available.

NO CHOICE, ako na mismo ang pupunta sa hospital.

Sinubukan kong maglakad, nagbihis ako ng makapal na damit.

Then, paglabas ko ng condo.

Pinagisipan ko kung gagamitin ko ang sarili kong kotse of magtataxi na lang ako.

Napagdesisyunan ko na lang na mag taxi, para naman safe ako kahit papaano.

Paglabas ko nakamdam ako ng kakaiba. I have a strange feeling na baka mamaya ay..NEVERMIND.

Naasar na ako. Nagtungo ako sa sakayan.

Limang minuto na akong kumakaway pero walang huminto para pasakayin ako.

Feeling ko kahit anong oras, hihimatayin ako dito sa daan.

Bahala na si Batman.

Ilang minuto kong nilakad ang daan papuntang Hospital nang mapansing kong isa isang nagsisi-tago ang mga tao.

UMUULAN NA..!!

Bakit ba ang malas ko ngayon? Kinapa ko sa dala kong bag ang payong ko. SH-T.

Pati pala yun, naiwan ko.

Wala na akong magagawa kundi hubarin ang suot na jacket at ipatong sa ulo ko.

I Felt Dizzy. Ang buong paligid ay umiikot sa paningin ko. Sinubukan ko pang humakbang. Ngunit di na kinaya ng katawan ko, at tuluyan na akong bumagsak.

"Kuya..!" isang malambing na tinig ang narinig ko bago pa ako tuluyang mawalan ng malay.

<Jeanniella POV>

"Kuya gising..huy..kuya..!"

Pinipilit kong gisingin si kuya. Ngunit hindi ko magawa. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Tumawag ako ng taxi at nagpatulong na maidali si kuya sa hospital.

"Kuya, pakibilisan po." utos ko sa Taxi Driver.

Hindi naman ito nagatubili na sundin ang utos ko.

Hanggang sa nakarating na kami sa hospital.

"Eto po bayad, Salamat po." pagpapasalamat ko sa driver.

'Di biro ang bigat ng lalaking 'to.

Kahit maliit sya eh siksik naman ang katawan nya.

.

"Dok patulong po." utos ko.

at nagtawag ng ibang staff ang doktor.

At dun ko na lang huling nasilayan si pogi.

~~

"Ok na po ang pasyente." halos magulat ako sa pagsulpot ng doktor na tumingin sa kalagayan ng binata.

"Mababa na po ang temperatura nya." nakangiting dagdag pa neto.

"Mababa? Temperatura? Ano pong ibig nyong sabihin dok?" pagtataka ko.

"Opo ma'am, may lagnat po ang pasyente, siguro mga ilang araw na kaya hindi na nya kinaya." sagit nya.

"But he will be fine." dagdag pa nito.

SH-T, may lagnat lang pala sya. Kala mo naman inatake ng kung ano dyan sa daan. LAGNAT?

Ako nga kapag nilalagnat, nakakagawa pa ng kung ano ano. Pero sya, parang babae.

Tinungo ko ang silid ng binata. Gusto kong alamin ang kanyang pangngalan, bukod kase sa makisig sya, ay gwapo rin ang binata.

"U-Uhh, n-nasan ako-o?" tanong nya saakin habang dahan dahang minumulat ang kanyang mata.

Oh My Gee, Angwapo ni kuya. Brown Eyes. At may dimples pa. San ka pa.

I'm speechless ng magkatitigan kami.

"Huy..nasan ako?"tapik nya saken.

"A-ahh, HI!" sagot ko habang nakangiti, iniiwasan kong kiligan.

"Ang tanong ko, nasan ako?" angil nya.

"Ahh, e-ehh, nasa hospital ka. Hinimatay ka kanina sa daan." sagot ko habang nanginginig.

"Ganun ba, Salamat ha." sabi nya habang nakangiti.

Ano tong nararamdaman ko, bigla tumalon ang puso ko na kahit anong oras, pwedeng umalis sa kinalalagyan nito.

Umiwas ako ng tingin ng ngumiti sya.

"By the way, I'm Christian Ray De Leon." pagpapakilala nya habang iniaabot ang kamay.

Aabutin ko ba o hindi.

Sa sobrang pamumula ko, hindi ko na lang sya pinansin at kunwari hindi ko sya narinig.

"And I'm Jeanniella Bernadez." sagot ko bago pa ako lumabas ng pinto.

BLL--LAGG..!!

may kung ano akong narinig paglabas ko ng pinto. Sinulyapan ko ulit ang binata. And to my surprise. Nasa sahig na ito nakahiga.

Sinarado ko ng dahan dahan ang pinto. Bigla akong napatawa ng malakas.

Isa syang malaking.. T-A-N-G!

<Christian POV>

"Aray ko!" sapu sapo ko ang likod ko.

"Nakakaasar, bakit ba kase ang layo ng mesa. nahulog tuloy ako." reklamo ko.

Balak ko sanang uminom ng tubig. Ipapautos ko na lang sana yun sa babaeng nandito kanina. Kung di ako nagkakamali, Janilla yung pangngalan nya? Ewan ko, yun kase yung narinig ko bago sya tuluyang umalis.

"Ah sir, eto napo ang gamot nyo." nagulat ako sa pagsulpot ng isang nurse.

"Ah, miss napansin mo ba yung babaeng kasama ko kanina?" nagbabakasakaling tanong ko.

"Girlfriend nyo po? Pinabantayan nya po kayo saken eh." sagot nito na may halong kilig.

"Ahh, ganun ba.?" nadismaya tuloy ako dahil saglit ko lang sya nakausap. At higit sa lahat.

DI MAN LANG SYA NAGPAALAM NA UMALIS NA PALA SYA. PINAUBAYA NYA PA AKO SA IBA, SAMANTALANG SYA YUNG NAGHATID SAKEN DITO KANINA. -_-

A Piece Of Letter..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon