Chapter Twenty Two: The Moment of Truth

21 2 0
                                    

<Joshua POV>

Nasa eroplano na kami ni Ella.

"Josh, inaantok ako." nangangalumatang sabi nya.

"Sige, sandal ka muna sa balikat ko." I give my shoulder to her.

"Thanks." sabay higa nya.

Mga ilang minuto lang ay nakatulog na sya…

<Christian POV>

"Boy...Dalian mo na...!!" sigaw saken ni Anderson habang tinutuktok ang pinto ng kwarto ko.

Kahit kelan talaga. Napakaikli ng pasensya netong lalaking 'to. Habang ako naman sa loob ng kwarto ko ay naghahanap ng maayos ayos na damit na maisusuot.

"This is it!" sabi ko habang hawak ang isang polo shirt na red na may long sleeves at kwelo.

"Hoy ano ba?" this time, si Daniel naman ang sumigaw.

"Saglet na lang 'to!" sagot ko. Ano kayang pwedeng iterno dito?

"Hmm... Gotcha..!!" agad nahagip ng mata ko ang isang maong na may print na 'P.A.R.I.S.' na souvenir ko galing sa France, regalo saken ni Rhian nung niyaya ko syang pumunta doon.

"Halika na...!!" aya ko sa kanila paglabas ko ng kwarto matapos kong magbihis.

~~

"PWEDE BA, HINDI NAMAN NATEN KELANGANG MAGMADALI..!" sigaw ni Daniel kay Anderson na nagdadrive ng kotse habang nakaheadset.

"ANO SABI MO?" tugon ng loko.

"ANG SABI KO, ALISIN MO YANG HEADSET SA TENGA MO...!" pasigaw na sagot ni Daniel kay Anderson.

"Ano ulit yun?" sagot ulit ni Anderson sa malumanay na boses.

"Wag kang magmadali. Nahihilo ako." sagot ni Daniel. Ang history kase nyan. Takot si Daniel sa matataas na lugar. Ano konek? Bumibilis kase ang tibok ng puso nya. Kaya bawal din syang gulatin o takutin. Agad namang sinunod ni Anderson ang sinabi ni Daniel.

"Sandali lang boy ahh..!" sabi ni Anderson at agad nyang ipinara ang kotse sa tapat ng isang restaurant.

"San ka..??" tanong ko.

"BASTA..." sigaw nya. At agad naman syang tumakbo papasok ng restau.

"Ano kayang problema nun?" tanong ni Miguel.

"Naiihi lang yun." paniguradong sagot ni Daniel.

"Nga pala boy." biglang baling saken.

"Oh?" matipid na sagot ko.

"May gusto ka ba kay Ella?" seryosong tanong nya.

"Huh? Bakit mo naman naisip yan? Eh magkaibigan lang naman kami. Tsaka alam mo namang si Rhian ang gusto ko dbah?" sagot ko.

"Eh anong ibig sabihin nung pagtawag mo saken nung isang gabi?"

"Huh? Eh, dbah nga sabi ko, namimiss ko lang yung nanay ko." palusot ko.

"SUS!" biglang singit ni Miguel.

"Paano ka nakasisigurado sa sinasabi mo?" tanong ko.

"Hmm...sa tingin ko, tama ka boy." sabat ni Miguel.

"Sabi ko na nga ba eh! Umamin ka na kase." pangungulit ni Daniel. Bigla ko tuloy naalala na nakakabasa pala ng iniisip si Miguel sa pamamagitan lang ng pagtitig.

"Ang kulit nyo." sabi ko.

"Halika na." nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Anderson.

"San ka galing?" mataray na tanong ni Miguel sabay suntok sa tagiliran ni Anderson.

"Aray...Eto na nga eh.." sapu-sapo ni Anderson ang tagiliran nya sabay abot ng drinks na siguro ay binili nya doon sa restau.

"Yoooooooooon..." hiyaw ni Daniel sabay agaw sa hawak kong rootbeer.

"AKIN YAN HOY." sinubukan kong agawin kay Daniel yung baso pero nailayo nya saken.

No Choice... Akin na lang yung natitira.

ISANG ORANGE SODA..

"Bakit ba kase assorted flavors ang binibili mong mga drinks?" naiinis na tanong ko.

"Malay ko ba kung anong gusto mo!" nakatawang sagot nya.

<Jeanniella POV>

Nagising ako bigla ng may bumunggo sa braso kong isang matabang matandang babae.

"Pasensya na miss." paghihingi ng pasesya nung matanda habang hinihipo ang braso ko.

"Okay lang po yun." sagot ko.

Napapihit ako patagilid. Awtomatikong napangiti ang labi ko ng mahagip ng mata ko ang tulog na si Joshua.

ANG KYOOOOOOT.... >o<

"Sana palagi ka na lang tulog." nakangiting sabi ko habang tinititigan ang mukha nya.

"Oh, gising ka na pala." nagulat ako dahil bigka na lang sya nagsalita. Narinig kaya nya yung sinabi ko?

"A-ahh, actually, kanina pa." sabi ko.

"Kumain ka na?" tanong ko.

"Ahh, hindi pa. Pero hindi pa ako gutom." sagot nito.

"Ok." sagot ko. Gutom na kase ako eh. :)

"Gutom ka na ba?"

"Ahhmmmm...Oo" nahihiyang sagot ko.

"Saglit lang." at agad nyang kinuha yung bagahe at kinalka yung laman nun.

"Eto oh." sabi nya sabay abot ng 'LALA'...Yung 'FISHCRACKER'.

"Thanks." sagot ko.

Narinig ko bigla na nariring yung cellphone nya.

"Oh, bakit?" tanong nito sa kausap sa kabilang linya.

"Ahh..oo sige, sige. Sige, bye!" sabi nya sa kabilang linya.

"Sino 'yun?" tanong ko.

"Ahh..si Anderson lang 'yun. Inaalam nya lang kung malapit na tayo."

"Ahh...ok." matipid na sagot ko.

<Christian POV>

Nasa pusod na kami ng lansangan papuntang airpor. Sa katunayan, naipit kami sa traffic. Mga ilang oras na din.

"ANO BA, UMANDAR KAYO...!" sigaw ni Anderson sa unahang kotse habang bumubusina.

"Huy...nasaan na daw tayo?" sabi ni Miguel habang nirereplayan si Joshua.

"Saan na daw sila?" tanong ko.

"Sabihin mo, malapit na tayo." sigaw ni Daniel.

"Ok, hintayin na lang daw nila tayo. Malapit na din daw sila eh." Sagot ng kaibigan.

Agad akong napangiti. Hindi ko alam kung bakit.

"Oh ngiti ka jan." Sabi saken ni Anderson habang nakatingin saken sa Rear View ng salamin.

"Pake mo..!"

"Kita mong natraffic na tayo. Nakangiti ka pa jan." sagot nya. Mukang banas na sya.

"Panira ka ahh.." nakangiting sagot ko.

Ansarap nyang asarin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Piece Of Letter..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon