Chapter Five: My Ultimate Crush

24 1 0
                                    

<Christian POV>

Minaneho ko ang kotse sa lugar na pinagusapan namin ni Daniel.

Kasama si Janilla. Tinungo namin ang playground.

Narating na namin ang playground. Pinarada ko ang kotse sa tapat ng playground saka bumaba.

"Jan ka lang ha." nakangiting sabi ko.

"Saglit lang ako." sabay kindat.

Mukhang kinilig sya, bigla kase syang namula bago ko isarado ang kotse.

"Boy."sigaw ko. Natanaw ko agad sya dahil sa suot nyang damit.

"Nakita ko si-" pasuspense pa na sabi nya.

Bigla akong kinabahan.

"Sino?" tanong ko.

Imbes na sagutin ang tanong, may kung anong bagay syang iniabot saken.

Isang paper bag na may lamang Violet na Teddy Bear at isang couple shirt, walang kasamang kapares.

"Ano to?" napakunot na tanong ko dahil parang nahuhulaan ko na ang sasabihin nito.

"Pinasauli sa akin yan ni-" here we go again, pinasuspense nanaman nya ako.

"Bakit ba ayaw mo akong diretsuhin?" tanong ko na may halong pagkainis.

"Si Rhian. Nakita ko sya nung isang araw, actually hindi ko lang sya nakita, nakausap ko pa sya." litanya ng kaibigan

"Si Rhian? Bakit mo binigay saken tong mga to?" nakakapagtakang tanong ko.

Ang alam ko kase ay binigay ko ang mga gamit na yun nung nililigawan ko pa lang si Rhian.

Pero nung isang araw lang pagkatapos kong ibigay sa kanya yung couple shirt ay bigla na lang syang naglaho.

Nawalan na ako ng koneksyon sa dalaga. Naalala ko pa yung pinakahuling araw bago sya mawala.

Masaya pa kaming naglalaro dito mismo sa playground na to. Then suddenly, she's gone.

"Anong sabi nya?" malungkot na tanong ko habang nakatungo.

"Handa daw syang makipagkita ulit sayo sa huling pagkakataon." sabi ng kaibigan.

Hindi ko na napigilang umiyak sa mga nasabi ng kaibigan. Parang ayoko ng makita ang dalaga dahil sa ginawa nito sa akin. Pero gusto kong alamin kung bakit nya iyon ginawa sa akin.

<Jeanniella POV>

"Antagal naman nya." nakita kong nakatungo si Christian habang kausap ang kaibigan nito. Dahil wala akong magawa.

Binuksan ko ang radyo ng kotse at naghanap ng magandang tugtog.

At hindi pa ako nakuntento, dahil init na init na ako ay nilakasan ko ang aircon. HAYAHAY DIBA.??

Di ko namalayang tapos na pala sila magusap ng kaibigan nya.

Bigla na syang sumakay ng kotse nya.

Napansin kong umiiyak sya. Namumula ang kanyang mukha.

Out of curiosity. Tinanong ko kung bakit sya umiiyak?

"B-bakit ka u-umiiyak?" nanginginig na tanong ko.

Imbes na sagutin ang tanong ko. Nanahimik na lang ang binata.

"Ituro mo saken kung saan ang bahay mo." utos ko.

Wala akong magagawa. Bukod sa sesermonan nanaman ako ni mama dahil antagal ko bago makauwi.

Wala na rin akong dahilan para kiligin  dahil wala na yung matamis nyang ngiti.

~~~

"Pinahatid ko lang sayo ang kapatid mo, lumandi ka na dyan sa labas. Late kana ngang nagising, late ka pa umuwi." Litanya ni ina na wala akong magawa kundi makinig man lang. Sanay na ako sa kanya. Sya kaya, bat hindi pa rin sya nasanay saken?

"Magluto ka na jan at may pasok ka pa." utos ni ina.

Tinatamad pa akong pumasok. Feeling ko ay bitin ako sa bakasyon ko, pero ok lang yun.

~~~

"Ma, alis na po ako." paalam ko kay nanay.

"Oh, sige ingat ka ahh." malambing na sabi ni nanay.

Sa hindi inaasahang pagkakataon...

"Anak ohh..."palabas na sana ako ng bahay ng may iabot sa akin si nanay.

"Baon mo. Tanggapin mo." utos nito sa akin.

"Wag na ma." pagtanggi ko.

"Wag ka na mahiya, KUNWARI KA PA." pangaasar na sabi ni ina.

"Sige na nga, pinilit nyo ako eh.." sabi ko. Sabay tanggap ng pera.

Wow. 500 pesoses.

Akalain mo yun.

"Bigay yan ng tatay mo." sabi ni nanay.

"Ambait talaga ni tatay no ma, answerte nyo sa kanya." sabi ko na may halong ngiti.

"Hoy, anong mabait ka jan? Pang Isang Linggong baon mo yan." nakangiting sabi ni inay.

NYEKK..!!

Biglang nawala yung ngiti sa labi ko.

Kaya naman pala buo binigay ni nanay kase tinatamad na syang pabaunan ako ng isang linggo.

What so ever. Ako na bahala dito kay five hundred.

"Bye ma."muli kong paalam at tuluyan na akong lumiban.

<Christian POV>

Napag-isipan kong maligo ulit.

Magshoshower na lang siguro muna ako.

Para naman mahimasmasan ako kahit papaano.

Matagal na akong nakapag-move on sa pagkawala ni Rhian.

After showering, naguniform na ako.

Susubukan kong pumasok kahit tinatamad ako.

Nagkotse ako papasok.

May nahagip ang mata ko na isang pamilyar na pigura.

Si Janilla.

Dahil nagiisa ako. Isasabay ko na lang sya, dahil napansin kong pareho kami ng suot na uniporme.

PEEP-PEEEEP...! binusina ko ang kotse ko upang makuha ang attensyon ng dalaga. Ngunit hindi man lang ito nagabalang lumingon.

PEEP-PEEP-PEEEEP...!! hinabaan ko na ang busina. Sa wakas at lumingon din ito.

Biglang napakunot ang noo ng dalaga.

Binaba ko ang bintana ng kotse.

"Hi, there." Nakangiting bati ko, sabay baba ng shades na suot ko.

"Sakay ka na dito." utos ko.

Kinilig bigla ang dalaga, IBA TALAGA KAPAG GWAPO KA.

"Wag na, kaya ko namang mamasahe eh." sagot nito sa aken.

Bumaba ako at hinila ang kamay nya at isinakay ko sya sa kotse.

"Sige na nga, pinilit moko eh..." nakangiting sabi nito.

"Sasakay din naman pala.." ismid ko.

A Piece Of Letter..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon