Chapter Four: Fresh Memories

26 1 0
                                    

<Christian POV>

Nakauwi na ako ng condo.

"HAAAAAAAHHHWWW...!"

Bigla akong nakaramdam ng pagod.

Kasabay nito ang pagkulo ng tyan ko.

I decided na kumain muna sandali.

Binuksan ko ang fridge.

"Hmm...sinong masarap sa inyo." nadtnan ko lang ay isang bote ng sprite na may bawas at 3 itlog.

"Hay nako. OK na to!"

Kinuha ko ang itlog at niluto. Gusto kong magluto ng sarili kong version ng itlog.

Kumuha ako ng bowl. Saka ko binasag ang itlog at binate.

Binuksan ko ulit ang fridge.

Hindi ko napansin na may tira pa pala akong ulam. Natakpan kase iyon ng Sprite kanina.

2 1/4 na hotdog, di na rin masama to.

Muli kong narinig ang pagkulo ng tyan ko.

Minadali ko na ang luto. Hinalo ko ang itlog.

Pagkatapos ay sinunod kong nilagay ung hotdog. Hindi ko na hinati sa maliliit ung hotdog dahil ako'y gutom na.

At saka niluto.

KRRIINNNGGG... my phone rings. Hininaan ko ang apoy ng niluluto ko.

Hinagilap ko yung phone ko.

"Hi, Sino to? "tanong ko.

"Si Daniel to. Kita tayo bukas, sa may playground 10 AM sharp. May mahalaga akong sasabihin." sabay baba.

"Aray ko." ansakit sa tenga. Babaan ba naman ako. Ano kayang problema nun?

Hmm...whats that smell?

PATAY...!!

Bigla kong naalala na may niluluto pala ako.

TADAHH...!!

isang espesyal na sunog na itlog with matching tustadong hotdog.

Nakakaasar. Dahil sa sobrang gutom ko, wala na akong magagawa kundi kainin ang ginawa ko.

<Jeanniella POV>

"Oh talaga mare..??" tanong saken ni Shera.

"Oo, at alam mo ba na nagkatitigan pa kami!" di ko maitanggi na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makaget over kay Christian.

Bukod sa pogi sya, sa tingin ko rin ay gentleman sya.

HAY BUHAY...!!

Sayang nga lang at hindi ko pa sya nakasama ng matagal.

"Huy, bat nakatulala ka na dyan?" tanong ni Shera habang pinapaypayan ang mga mata ko.

"Ahh wala." matipid kong sagot.

"Sana makita ko ulit sya!"

napalakas kong sabi, hindi ko inaasahan na lalabas iyon sa sarili kong mga bibig.

"Sana nga ay makita ko rin sya."singit pa nito with matching kilig. Halos ikahulog ko ang pagalog nya sakin, kulang nalang ay bugbugin na nya ako.

"Di malabong magkita ulit kayo, sa tingin ko kase ay magkalapit lang kayo." dagdag pa nito.

"Sa tingin ko ay matatawag mo na syang 'DESTINY' mo!" nakangiting sabi nito.

"Ewan ko, sa tingin ko kase ay di sya taga rito." napansin ko yun dahil mamahalin ang suot nyang damit.

A Piece Of Letter..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon