Chapter Thirteen: The Consequence

21 2 0
                                    

<Christian POV>

Nagulat ako ng makita ko si Josh dito sa Restau.

"Hi boy." sabi ko.

"Ui, andito ka pala." sagot nito.

"Oo eh, nakipagkita ako kay Rhian." Tugon ko.

"Sige mauna na ako."

"Oh, sige."

At bigla akong pumihit paalis sa kanila.

Dumiretso ako sa paradahan kung nasaan ang kotse ko.

Agad akong umalis. Pagod na ako. Masakit ang likod ko at medyo sumama pa ang katawan ko ngayon.

Dagdag pa tong biglang pagulan.

Pagdating ko sa condo ay agad akong nahiga.

Naisipan ko sanang gumimik kasama ang mga kaibigan ko pero masama ang pakiramdam ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang paghalik ni Rhian sa mga labi ko.

KRINNGGG... my phone rings.

It's Miguel..

"Hey, boy." bati ko.

"Punta ka bukas sa bahay namin." sabi nito.

"Pass muna ako, masama pa pakiramdam ko." sagot ko. Ayoko muna makipaginuman.

"Boy naman, alam mo namang espesyal para saken tong araw nato diba?" bigla tuloy akong napaisip sa sinabi nya.

Birthday pala nya bukas.

"Sige aasahan kita bukas, wag ka mawawala ahh.."sagot nito sabay baba sa telepono.

Hay, No Choice. I have to go. Magtatampo saken yun kapag hindi ako pumunta.

~~7:30AM~~

Nagcommute ako papunta sa masyon nila Miguel, medyo ok na pakiramdam ko pero, kalog pa rin ang utak ko.

Nakarating na ako sa kanila.

"Happy Birthday Boy." bati ko sabay abot ng regalo.

Isa lang namang Victoria's Secret yun, yung niregalo ni Ninong saken.

"Hi boy.."

Bati saken ni Joshua. Himala naman na hindi nya sinama si Janilla.

"Pakain..?" sabi ko kay Miguel.

Sinadya kong hindi kumain para marami akong makain pagdating dito.

"Oh sige.." sabi ni Miguel.

Mga ilang minuto matapos kumain.

Nakipag inuman naman ako.

"Hi Pogi..!" sabe saken nung isang babaeng lumapit saken. I thought it was Miguel's cousin.

"Hello..." walang ganang bati ko.

"Sali ka Chris, Spin-The-Battle tayo." aya ni Daniel saken.

"Sige." si Daniel na ang nagpaikot ng bote.

Nagulat ako dahil saken tumapat, at dahil si Daniel ang katapat ko. Sya na ang nagtanong.

"Truth or Consequence?"

"Consequence." pili ko.

"Inumin mo tong wine." utos ng loko.

Agad kong ininom ang wine, hindi ko nagustuhan ang lasa.

Nakailang beses na tapat sa aken at puro consequence ang pinili ko.

Hanggang sa abutan ako ng gabe.

"Sige uwi na ako." pagpapaalam ko habang paikaika maglakad.

Nagpara ako ng taxi at naghatid sa Welcome sa may Laguna.

Halos makatulog ako sa loob.

"Sir nandito na po tayo." sabi ng driver.

Agad kong kinuha ang pera at binigay sa driver.

Paikaika ako naglakad. Dinala ako ng mga paa ko sa isang pamilyar na daan.

Sa tingin ko tuloy ay hindi wine ang ininon ko kundi gin. Anghina ko pa naman sa alak.

Nakita ko ang bahay nila Janilla. Nagtataka ako kung paano ako nakarating dito samantalang halos nakapikit na ako maglakad.

Kumatok ako sa kanila.

<Jeanniella POV>

"Anak, may kumakatok!" sigaw ni nanay.

Panira moment naman yon. Nagmumuni-muni ako habang tinititigan ang picture ni Christian na nakasukbit sa I.D. ko.

"Saglet." sabi ko. Pero mukang nangaasar yung kamakatok dahil ayaw pa rin nyang tumigil.

Pagbukas ko ay biglang bumungad si Christian at napahiga sya sa sahig.

"Oh My Gosh. Ma.... Tulong.." bakit kaya sya pumunta dito.

"Sino ba nandyan? Ayy..halika ihiga mo sya dito sa kama." utos ni mama.

Agad ko naman syang inihiga sa KAMA KO..

WAG KA KATABI KO NANAMAN SYANG MATULOG.

sa palagay ko ay lasing sya.

"Hahayaan ko na lang syang matulog."

"Anak ikaw na bahala sa bisita naten ahh." nakangiting sabi ni mama.

Hinihipo ko ang likod ko, sobrang bigat ng lalaking to.

<Christian POV>

~Kinaumagahan~~

Nagulat ako dahil nakadantay ang braso at hita ni Janilla.

Dahan dahan akong umalis para hindi ko sya magising.

"Kain ka na anak..." napahinto bigla ang nanay nya ng makita ako.

"Ahh. Kumain ka na rin May pasok pa kayo." sabi ng nanay ni Janilla.

"Hindi na po ako papasok, ihahatid ko na lang po siya." napangiting sabi ko.

BWAHAHAHAHAHA... ako ang kasabay nya ngayon. Hindi nga lang ako makakapasok. Pero ok lang yon.

A Piece Of Letter..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon