Chapter Seven: Chaperone

21 1 0
                                    

<Jeanniella POV>

Naghanda ako ng bonggang bongga. Alam mo yung feeling na ang haba ng hair ko dahil may chaperone ako. At ang matindi.

YUNG CRUSH KO PA...!!

PREETIIEEFULL...

Feeling ko tuloy ay boyfriend ko na sya.

Nagbihis na ako at bumaba.

"I'm done." nakita ko ng napanganga si Christian sa beuty ko.

"A-ahh, L-let's go." nakangiting sabi nito.

Pinuntahan namin ang nakaparada nitong kotse. Nagulat ako dahil bigla nyang kinuha yung gamit ko at inilagay sa backseat ng kotse.

Nagtungo ako sa kabilang side ng kotse upang sumakay, and to my surprise, he runs and open the door. Oh diba.? Ampretty ko.?

"Let's go! " nakangiting sabi nito.

Binaba ko ang bintana ng kotse at inamoy ang hanging dumadampi sa mukha ko, then suddenly.

"ARAY...!!" may naglanding sa muka kong papel.

Natawa ang loko.

"Ba't ka natawa?" tanong ko, bigla tuloy akong sumimangot, okay na eh. Panira lang tong air.

Pagdating namin sa school ay pinababa nya ako.

Nagulat ako ng pagkababa ko, bigla na lang syang umalis.

"Iwan daw ako?" tanong ko sa sarili ko.

"Huy, Ella, halika may ikukuwento ako." nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Jalen.

"Wait lang." angil ko sabay agaw sa kanya ng braso ko.

"Nasan na yun?" tanong ko ulit sa sarili ko.

"Akala ko ba chaperone ko sya?"

"Sino ba hinahanap mo jan?" tanong ni Jalen.

"Halika na nga."muling hatak saken ni Jalen. Wala na akong magawa kundi sumunod.

<Christian POV>

Ipinarada ko ang kotse ko sa isang parking lot malapit sa park. Pinaglalaruan kase ng mga bata ang kotse ko kapag sa tapat ng school ko nilagay.

Muli akong bumalik sa school.

"San na yun?" tanong ko habang naghahanap sa kanya.

"Di ko ba sya nasabihan na sandali lang?" tanong ko sa sarili.

Sa tingin ko ay hindi, wala din akong maalala na may sinabi ako sa kanya.

Nagtungo na lang ako sa room..

"Hey boy." nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Miguel mula sa likod ko.

"Ibaba mo ko." utos ko at agad naman nya akong binaba.

"Musta na kayo?"tanong ko sa kanila.

KRINNGGG..!! the school bell rings.

"Tara na, maya na tayo magusap." sabat ni Joshua sabay hatak kay Miguel.

"Sige maya na lang." sabi ko.

~~~

"Ok class, pwede na kayong umuwi." sabi ng prof namin. Nauna na ako sa pinto nang biglang.....

"EXCEPT DUN SA MGA CLEANERS!" sigaw ni maam.

SH-T...!!

Cleaner nga pala ako ngayon.

Huminto muna ako sandali at hinahantay kong lumabas ang prof namin na nakabantay samin habang naglilinis. Ngunit hindi ako makahanap ng tyempo. Sa halip ay nanermon pa ito.

I have a brilliant idea.

"Ahhh...!!" sigaw ko sabay hawak sa tyan ko.

"What happened Mr. De Leon?" tanong ni ma'am.

"Ansakit po ng tyan ko, wala po kase akong kain kaninang recess." pag akto ko. Sa tingin ko ay tumalab ang kalokohang ginawa ko.

"Ok, you may go now Mr. de Leon." utos ni maam.

YESS..!! BWAHAHAHAHAHA...

agad akong umalis bago pa magbago ang isip ni maam.

Hinanap ko si Janilla. Nagsabi ako sa kanya kaninang recess na dito nya ako hantayin sa tapat ng school.

Pero wala sya doon.

<Jeanniella POV>

Antagal naman nya. Naiinip na ako, kanina pa ako nakatayo sa tabi ng gate sa tapat ng school, halos lamukin na ako dito.

"Hey there, di kita napansin ahh, kala ko umalis ka na." sabi ni Christian habang hinahabol ang hininga. Siguro ay hinanap nya ako sa buong school.

"Let's go." aya nya.

Bigla akong nagtaka dahil mali nanaman ang dinadaanan namin.

"San tayo pupunta?"

"Sa park." matipid nyang sagot at hindi man lang syang nagabalang tignan ako.

"Maglalakad lang tayo pauwi." tanong ko.

"Nope. Doon ko pinarada ang kotse ko." aniya nya.

Kaya naman pala.

Nagulat ako, di ko namalayang may bato palang malaki. At dahil doon muntikan na akong matumba.

"Oops, look at your way." nakangiting sabi nito sa akin..

SHOCKS..!!

Feeling ko huminto ang oras. Ansarap nyang titigan.

"Huy." bigla nya akong tinayo muli.

"Ahh..bilisan na naten, may gagawen pa ako." sabi nito na agad ko namang sinunod.

"Opoh Sir." sabi ko.

~~~

Inihinto nya ang kotse sa tapat ng bahay namin at hindi na nagabalang bumaba para pagbuksan ako ng kotse.

Sa tingin ko ay pagod na sya kaya ako na lang ang kusang bumaba.

"Bye..!" pagpapaalam ko.

Ngumiti lang ito at agad na umalis.

Ano kayang problema nun.?

"Hi ma." walang siglang bati ko kay mama.

"Oh, ano, kumusta, nagkamabutihan na ba kayo." nakikilig na tanong ni mudra.

"Anong tanong yan."

"Ayyiiieee...dalaga na ang anak ko, boto ako sa  kanya, bukod kase sa gwapo at mayaman sya. Sa tingin ko mabait din sya. " kinikilig na sabi ni mama.

"Sira, ano ka ba ma. " patanggi tanggi pa akong nalalaman, gusto ko rin naman.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at nahiga. Himala naman na diretso na akong nakatulog.

~~KINAUMAGAHAN~~

KRRIIINNNGG..the alarm clock rings..

Sh-t, It was already 9:47.

Meron na lang akong 1 hour and 13 minutes para mag asikaso.

I eat and take a bath as fast as I could.

"I'm done." nakangiting sabi ko paglabas ng kwarto pagkatapos magbihis.

"Where is he?" imposibleng malate un. Dahil tuwing 9 ako nun sinusundo.

No Choice. Lumakad ako mag isa papasok.

Hanggang sa pagdating ko ay hindi ko pa rin sya nakita.

A Piece Of Letter..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon