A/N: Hi guys! Eto na po yung chapter 1 ng Enchanted! Salamat sa pagbasa ng prologue!
Sige tuloy na po kayo! *sabay Labas ng popcorn, out of nowhere*
BTW, picture po ni Xander Andrada on the side ------> (ang gwapo ni Enrique Gil! Sheeeet! <3)
..~*~..
Xander's P.O.V
"Ah! Ano bang problema mo?!"
Napangiti ako ng madilim sa mga salitang lumalabas sa bunganga ng binibiktima ko. Nakaupo lang siya sa semento, habang ako ay nakangisi ng nakakaloko.
Biglang napatingin ako sa mga paligid ko nang may narinig akong bulong sa paligid ko at na mapansin na, lahat na ng mga estudyante ng Quiescere University ay nakapaligid na sa aming dalawa. May iba tumatawa, yung iba naman, nakatingin lang, parang mukhang sympathetic sa kanya- meaning, my victim. Pano ba naman kasi, punung-puno siya ng iba't-ibang kulay sa damit niya, dahil sa 'trap' na pinlano ko nung dalawang araw. At sa pagbiglaan na lang ng pagdating ng mga estudyante, binalak kong pahiyain ko siya sa harapan.
"Oh? Ano na? Iiyak ka na lang diyan sa may semento? Wala ka man lang planong tumayo at ipagtanggol ang sarili mo? Tsk, tsk." Umiling ako, pinapakita sa kanya kung gaano akong disappointed sa mga ginagawa niya. Pero syempre fake lang yun. As if naman maaawa ako sa kanya. Pfft. Asa siya.
Binigyan niya ko ng madilim na tingin at tumayo agad sa kinauupuan niya, habang nakayuko ang ulo niya, kaya di ko Makita ang mga mata niya dahil nakatakip ito ng lamuymoy na kanyang (makulay) kastanyas na bangs na basang-basa dahil sa 'trap' na ginawa ko sa kanya. Kahit mahina ang boses niya pero mapanganib, narinig ko pa rin ang sinabi niya.
"Wag. As in, wag na wag mo akong ipahiya sa harapan ng pangalawa kong bahay at sa pangalawa kong pamilya." Sagitsit niya sa akin, ang mga kamay niya ay nanginginig sa sobrang higpit ng kanyang saradong kamao. Mabagal niyang iniangat ang ulo niya; ang mukha niya ay nakatakip ng mga maliliit na natirang patak ng mga kulay ng pintura sa bangs niya. At sa kinakagulat niya, tumawa ako ng malakas; puno ng asar at tuwa sa mga sinabi niya. Panigurado ako na sinumbong na ako ng mga teachers sa principal, since lahat na ng estudyante ay nakinood na sa eksenang ginawa ko.
"Astig ka pare. Pwede ka nang maging actor sa pinaggagawa mo."
"Sumosobra ka na Andrada." Inis na sabi niya sa'kin, habang ako ay nakangiti lang sa kanya. Ayos. Mas lalong gaganda ang eksena pag di niya na kinayang i-control ang galit niya. Konti na lang, sasabog nayan. Hahaha.
"Syempre naman, Mercado." Nakangisi kong sinabi at ginulo ang asul na bungkos ng buhok ko.
"Ako pa." Pagtatapos ko.
"XANDER ANDRADA!"
Biglang nagbago ang itsura ko, nang marinig ko ang boses ng dalawang tao na ayaw kong marinig sa buong buhay ko.
"Mom, dad." I spat out bitterly as I turned around, plastering the most famous, yet fake sweetest smile, which made me want to vomit and brush my teeth just to remove those two words, "What are you two doing here?"
"Xander," mapangib na sinabi ng tatay ko at lumapit ito sa akin habang yung nanay ko ay kinakausap ang principal at yung school administrator. Napatingin ako sa kanya at inirapan siya, "Ano na naman 'tong kalokohang 'to? Bakit ba mapanlaban mo? Di mo ba alam na, na-re-reflect ito sa mga magulang mo?" Ano? Magulang? Pssh. Wag nga nila akong lokohin.
"Really?" I scoffed, "That's weird, and I forgot to laugh this whole time." Then I started laughing mockingly, in front of my parents, my classmates, to everyone. Dad gave me a threatening glance to stop my incongruity acts, which I decided to not follow.
BINABASA MO ANG
Enchanted *Editting* (will make it into Taglish)
Fantasy*Under process. Un-edited. Has typos. Still editing. You have been warned. But if you want to proceed, then go ahead. Thank you for your consideration! :) ..~*~.. What will you do when you wake up to perceive a dollish girl inside your room and say...