Chapter 4: His/Her- Her Custodian (part 1)

213 10 13
                                    

A/N:

Ugh.. *leaning against the wall weakly, with bruises and cuts* this chapter is still in Xander's P.O.V. H-happy reading.. *faints from blood loss*

Luna: Author-chan!

Ivan: Poor her. :)

Rex: Go ahead. Just resume reading, readers. >:D

Luna: By the way po, may cussing po dito, so sorry po Kung di po kayo sanay. *bows* pati din po si miss author Hindi sanay at di mahilig mag-cuss, pero dahil nga po kay Rex, napilitan po siya. *smiles* story Lang naman po 'to eh. ^_^

Thank you~

Picture ni Nine Rivera on the side ---------> (Chikser talaga Si Daniel Padilla~ ^_^) Request Nga pala ng kaibigan ko~ ^^

..~*~..

Napabulong Ako ng mura sa ilalim ng hinihinga ko at binigyan Lang siya ng nakakapatay na Tingin. Bwiset naman kasi 'to si Nine eh. Bad timing pumunta sa kwarto ko.

"Problema mo?" Asar na tanong ko at ginulo ang basa kong buhok, habang umaakting na, Walang tao- manika na buhay pala, sa kwarto ko. Pero imposible naman yun diba? Nasa harapan ko nga siya eh, Kahit di ko siya tinitignan.

Kumunot ang noo niya at tinignan Lang yung pwesto ko Kung saan Ako ngayon nakatayo. Panigurado Akong nakita niya yung bwiset na manika na iyon. At panigurado Akong tatanungin niya Ako Kung bakit siya nandito at handa na Ako sa mga posibleng tatanungin niya, pero yung mga sinabi niya ay ang nagpagulat sa akin.

"Pwede bang wag kang sumigaw ng mag-isa?" Umiling siya sa akin, habang Ako ay mukhang tangang napanganga sa sinabi niya. "Ang ingay mo kaya. Abot sa sala yung boses mo."

"Nine," pag tatawag ko sa kanya, Hindi pinapansin ang mga salitang nilabas niya. "Wala ka bang napansin na kakaiba sa kwarto ko?"

"Kakaiba?" Pagtatakang tanong niya sa akin, yung noo niya ay nakakumot. Nilibot niya yung Tingin niya sa kwarto ko bago nagsalita na may halong sarkastiko. "Well, for starters, ang pinagkaiba dito sa kwarto mo ay-" bigla siyang tumigil sa pagsasalita niya, kaya naman binigyan ko siya ng Tingin.

"Ay?" Pag-uulit ko, habang hinihintay ang mga sasabihin niya. Sinubukan kong hawakan yung kamay ng manika sa harapan ko, para matapon ko siya sa labas ng bintana, pero di ko mahablot ang kamay niya; yung hangin lang. Kaya naman kumuha Ako ng isang tingin sa harapan ko, nang mapansin na, wala na yung manika sa harapan ko.

Bigla naman Akong nagulat, kasi kanina Lang, andito siya sa harapan ko eh. Ba't bigla na Lang siyang Nawala? Baka nga naghahallucinate ako.

"Ang pinagkaiba dito ay," ngumisi siya sa akin at mukhang siyang nagpipigil tumawa, "y-yung nakatwalya ka pa at malapit ka pa sa bintana. Mamaya manyakin ka pa ng mga babae sa Labas." At pagkatapos nun, bigla siyang tumawa ng malakas, kaya naman binigyan ko siya ng masamang Tingin.

"G*go ka Rin eh ano?" Pagmamaktol ko at hinila yung curtains na nakatali, para itakpan yung bintana, saka Ako nagsalita muli, "ikaw kaya itapon ko sa Labas. Tignan nga Lang natin Kung may magsasamantalahan sayo. O Baka naman," bigla Akong ngumisi at siya naman ay napatigil sa pagtatawa niya.

"Bakla ka Lang talaga."

Bigla namang nagbago yung itsura niya. Yung parang nandidiri. "Dude, no way. Ako? As in, Ako si Nine Castillo Rivera, isang popular, heartthrob ng Sirius University [1] ang magkakagusto sayo?" Pagkangutya niya at umiling, as if na Mali ang sinabi ko, "please. Baka ikaw pa yun eh."

"Asa ka pa." Pagmamayabang kong sabi at naghanap ng mga damit sa regal kong cabinet. "At isa pa, straight Ako. Kaya wag ka ng umasa." Pagkatapos nun, inayos ko yung cabinet ko, nang makuha ko yung mga damit na isusuot ko.

Tumawa siya sa akin at Ako naman ay nakangisi Lang. Sa totoo Lang, Hindi talaga Ako alone and lonely. May mga kasama Rin Ako dito sa buhay ko. Tulad nito ni Nine. Best bud ko yan, since birth kahit loko yan at ang lakas man trip. Parang katulad Lang din nila Natasha at Natallie. Talagang nasa nature ko Lang ang laging mag-isa.

Ayan si Nine Castillo Rivera, ka-same age ko lang at younger brother ni Natallie. Maitim yung buhok niya na medyo spiky at may earring siya sa kanan ng tenga niya, kaya mukha siyang nakakatakot pag nasa dilim siya. Nag-aaral yan sa Sirius University, ang pinaka popular na University dito sa bansang ito, na di masyadong kalayuan dito.

Isa yang Casanova at pinaka sly na pinsang kilala ko. Yung mga ibang pinsan ko ay mababait pa, kaso may pagkaloko Rin, pero mas malala pa 'to si Nine. Ang dami nang sinaktan niyan eh. Minsan dinadala pa dito yung mga babaeng victim niya. Astig no? Ako binibiktima ko yung mga rivals ko, habang siya ay sa mga babae. Pinsan na pinsan talaga ang dating, pero ba't babae? Lakas Lang ng appeal eh, ano? Pero mas lakas parin yung akin.

"Sure, sure. Di naman Ako umaasa eh." Natatawa ng sabi niya at aakmang aalis na sa kwarto ko nang bigla siyang tumigil at tinignan uli ako. "Ah yung kanina nga pala." Pagkasabi niya yun, bigla Akong napatigil sa pag-aayos ng mga damit ko at tinignan siya.

"Ba't parang nagulat ka sa sinabi ko sa tanong mong 'Kung May kakaiba sa kwarto mo'?" Biglang nagbago yung itsura niya as if na may ginawa Akong masama, "parang di mo ineexpect yung sagot ko.." Tinignan niya ulit yung kwarto; parang iniinvestigate niya, kung may nag-Iba sa kwarto ko.

Binigyan ko naman siya ng poker face at sinabi, "obvious ba? Sa sagot mo ba namang pilosopo?" Umiling Ako at sumandal sa May cabinet ko. "Malamang, di ko ineexpect yun. Hanggang ngayon ganun ka parin. Akala ko may nagbago eh, yun pala ganun ka parin." Ngumisi ako at ginulo yung semi-wet kong kastanyas na buhok ko. "Isang Casanova at loko-lokong pinsan."

Bigla na naman nagbago yung itsura niya; yung mukhang smug and prideful. "Syempre Ako pa. Babago kang Ako pag may minahal na 'kong babae." Aba? Talagang ang yabang Lang eh no?

"As if na mangyayari yun." Bulong ko sa sarili ko at nagsimula na Akong pumunta sa banyo para magbihis. Bigla naman sumigaw si Nine.

"Xander, alis na Ako dito sa kwarto mo. Tinatawag na Ako ni Tita eh."

"Edi umalis ka!" Sigaw ko sa kanya, habang tinutuyo yung buhok ko, "wala namang tumitigil sayo eh!"

"Hahaha! Eto na, eto na!" Pagkatapos nun, bigla Akong nakarinig ng pagsarado ng pintuan at doon na Rin Ako huminga ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Buti marunong Akong umarte na wala talagang problema, Kahit may problema talaga Ako ngayon. Totoo nga bang nandidito yung manikang yun? O Baka naman naghahallucinate Lang talaga Ako?

"Ugh!"

Binuksan ko yung gripo at inilahad ang mga kamay ko sa malamig na tubig at pinuno ito sa mga kamay ko, bago ko inihilamos ito sa mukha ko. Pagkatapos kong maghilamos, sinarado ko ka'gad yung gripo at nilagay ang mga kamay ko sa magkabilang lababo. Tinignan ko yung sarili ko sa may salamin at bumulong.

"Bwiset. Ano nga ba talaga? Panaginip ba o hallucination Lang? Nallilito na talaga ako."

Nagbuntong-hininga Ako at tinignan ulit yung sarili ko bago lumabas ng banyo. Pagkalabas ko, Balak ko sanang kuhanin yung wallet ko sa may lamesa, malapit sa higaan ko, nang makita ko ulit yung manika. This time, nakaupo siya sa higaan ko at tinitignan yung alarm clock sa may tabi ng higaan ko. Bigla na naman Akong nakaramdam ng inis at galit.

"ANAK NG-!" Sisigawan ko sana siya, nang bigla niya Akong tinignan at sinabi,

"You're my custodian."

Ano?!

..~*~..

[1]: Sounds familiar, right MMCH readers? <3

A/N:

Bitin na naman po? Hahaha, sorry na po. Medyo tinamad narin Ako eh. Subukan ko ulit mag UD bukas.

Ja ne~

Enchanted *Editting* (will make it into Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon