Chapter 7: For Now

155 11 12
                                    

After 20 minutes later, sinara ko na ang librong sinulatan ko at nagbanat. Grabe pala pag gumawa ka ng deal sa isang tao, lalo na pag ang taong yun ay walang kaalam-alam sa mga simpleng bagay dito sa mundo. Nakakastress.

Sumulyap ako sa relo, at sa kinakagulat ko, 1:11 na pala. Grabe lang ha. Mga ilang oras ko rin pala inasikaso 'tong mga problema na 'to.

Ah, yung kay doll nga pala. Wala, patay na, nakahiga lang sa kama ko. Napagod siguro. Pero, in fairness ha, may manners din pala 'tong babaeng 'to. Akala ko wala eh. At ayos ha, natulog pa siya sa Kama ko, Pero pinabayaan ko na Lang. Mabait naman Ako minsan eh.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at sumulyap sa kanya; hindi ba kaya nagugutom ito? Mabigyan ko kaya siya ng pagkain. Kahit gaanong ka-cold ako sa kanya, hindi ko naman kayang patayin siya sa gutom. Lalung-lalo na pag may deal kami at nasa isang malaking laro.

Lumabas na'ko sa kwarto ko at sinara ang pinto ng mahina, bago umalis. Naglakad ako sa mahahabang hallways at lumiko at bumaba sa hagdanan, nang mapatigil sa panglima kong tapak.

"Xander?" Pagtatakang tanong ni Nine, habang inaayos ang tie ng uniform niya at tumingin sa kaliwa't kanan, kung may taong nakakakita sa aming dalawa, paliban sa mga maids, bago tumingin sa akin. "Ba't nandito ka pa? May pasok pa tayo."

Yung sala namin ay- obvious naman, malaki. Yung dalawang hagdanan, yung isa kung nasan ako, ay nasa bawat gilid ng sala at pa-curve ito pababa. Yung sofa ay nasa gitna ng sala at nakaharap ito sa malaki naming TV na nasa may pader. Medyo mahaba-haba rin yung sofa at paikot ito, kaya naman siguro mga 15 tao na pwedeng umupo dito.

Doon naman sa pinakagilid, malapit sa malaking bintana ay kung saan nakalapag yung ivory piano namin. Medyo madumi na ito, kasi hindi namin ito masyado pinapansin kasi.. Diba nga, may conflicts yung family namin. Yun.

Doon sa gitna sa baba ng dalawang hagdanan namin ay may malaking painting na...kakaiba. As if na, parang may meaning siya.

Yung itsura niya ay, nasa kalawakang punung-puno ng bituin at sa gitna ay may isang city na puno ng white marbles. Grabe, sobrang ganda. Para siyang home. Ay, ewan

Ngumisi ako at nagsimula ng bumaba sa hagdanan bago lapitan siya at tinapik ang balikat niya, "Bro, late na kaya. Papasok ka pa?" Umiling ako, "Aba, mabait ka rin pala eh, no? Akala ko, hindi eh."

"'Lul," Sinubukan niya akong batukin, pero umalis na ka'gad ako at tumawa. "Papasok ako na bilang celebrity doon, kasi nandoon si Ynna. Wag kang masyadong assuming. Hindi nga ako mahilig pumasok eh."

Kumunot ang noo ko, "Ganon? May bago kang binibiktima ngayon? Di ka na nagsawa, pare."

Ngumisi siya at lumapit sa may malaking salamin, para ayusin ang spiky niyang buhok doon sa tabi ng hagdanan, "Bro, itong babaeng 'to ay isang one-of-a-hell. Sobrang tapang niya at hindi siya naaakit sa mga looks ko."

"Kaya naman, siya na ngayon ang binibiktima mo?" Pagtatapos ko. Ngumiti siya sa salamin kaya naman umiling na lang ako at umalis, para kumuha ng pagkain para sa manikang yun. Hindi Naman sa, concern Ako ah! Syempre, Dapat yung master ay hindi inahayaan yung slave niya. Dapat may kindness din minsan, kahit hindi naman halata.

Pagkapasok na pasok ko sa kusina, bigla naman lumabas Si Natasha na nakayuko at parang...

"Uy Natasha," pagtatawag ko sa kanya at hinawakan ang braso niya at inikot siya para makita ko ang itsura niya. At sa kinakagulat ko, umiiyak pala siya. Agad-agad naman Akong nagtanong sa kanya. "Bakit ka umiiyak? May nangyari ba sayo?"

"W-wala 'to kuya." Sinubukan niyang punasan ang mga luha niya at ngumiti, Pero hindi niya rin nagawa, dahil bigla na Lang niyang tinapakan ng paulit-ulit ang sahig, na parang naiinis siya sa mga nangyayari. Tumalikod siya sa akin at tinakpan ang mukha niya, gamit and mga kamay niyang nanginginig sa... Lungkot?

Enchanted *Editting* (will make it into Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon