Chapter 10: First Things First

137 12 7
                                    

Nakaupo Ako sa higaan at Si Charlotte ay nasa tabi ko, nakayuko at pinaglalaruan ang kanyang mga daliri, habang sila Natallie, Natasha at si Nine ay nakatingin sa aming dalawa. Sa kondisyon na ito, gusto kong sumigaw sa inis. Ang shunga ko talaga sa totoo Lang. Nakalimutan ko na, Si Natasha ay araw-araw akong ginigising pag umaga. Siguro pagpasok niya sa kwarto ko, nakita niya ang manika sa higaan ko at ayun, nag-freak out siguro.

"Kayo ba?" Pagtatanong ni Natasha. Bigla ko naman siyang binigyan ng masamang tingin.

"Magsimula ka diyan, papatayin kita seryoso." Bigla naman niyang tinaas ang dalawang kamay niya.

"Joke lang yun, kuya. Chill lang." Ang sabi niya sa akin.

"Paano ako mag-ch-chill kung ganyan lang ang mga sinasabi mo?" Muntik na akong mapasigaw sa tanong ko, pero buti naman pinakalma ko ang sarili ko. "Sabihin niyo na ang gusto niyo at para makapagpahinga na ako."

"Hay nako." Umiling si at Natasha. "Oh, sige na nga." Tumingin siya sa manika at nagtanong muli. "Ba't siya nandito? At sa kwarto mo pa. Ano ba ang totoo?"

Huminga muna akong saglit, sumulyap sa manika bago tignan ng diretso si Natasha. "Kasi ganito yun..." At ayun, sinabi ko ang lahat-lahat nu'ng nangyari; kung paano ko siya nakita, paano siya nakarating dito, yung tungkol sa contract namin at nu'ng nangyari kahapon. Pero, yung tungkol sa nung may nag-control sa akin kahapon at yung sa panaginip kanina, hindi ko na sinali. Wala naman kasing meaning yun eh, pero yung sa panaginip.. Medyo malabo kung sasabihin kong walang meaning yun.

Speaking of panaginip, medyo natawa na naman ako sa pinaggagawa ni Leo. Kung anu-ano kasi ang pinaggagawa niya eh. At dahil nga sa natatawa ako ng walang dahilan at agad-agad na lang, binigyan ako ni Nine ng tingin.

"Uy Pare. Nababaliw ka na naman diyan. May iniisip ka na naman no?" Ngumisi siya sa akin.

"Pag may hiniling kang ikakamatay mo, ako na yun." Pagbabala ko sa kanya. "Gusto mo bang mapatay kita?

Nagbuntong-hinga si Nine, at nilusob ang mga kamay niya sa bulsa niya. "Ano ba yan, Xander. Anong nangyayari sayo? Mukhang inis na inis ka ah."

"Oo, inis na inis ako sa itsura mo." Sarkastiko kong sabi.

"Uy, wag naman ganyan kumpare ko." Lumapit si Nine sa akin at aakmang yayakapin ako nang bigla ko siyang inusog. Sa totoo lang, natawa ako sa ginagawa ni Nine. Sira talaga ito minsan.

"Buti naman tumawa ka na." Ngumisi sa akin si Nine. Napangisi rin ako, nang may maramdaman akong may kumakabit sa akin. Sumulyap ako kay Charlotte na nakakumot ang noo ko.

"Xander, mababait ba ang mga kalahi mo?" Mas lalo pang kumunot ang noo ko. Ano bang klaseng tanong yan?

Sasagot sana ako, nang sagian ako ni Natasha at agad hinawakan ang mga kamay ni Charlotte. Mahuhulog sana ako sa higaan, kung hindi ko lang agad na-balance ang sarili ko. Nang ma-compose ko na ang sarili ko, agad kong binigyan si Natasha ng masamang tingin.

"Aray ko naman Natasha! Kainis ka naman!" Tumayo na ako sa kinauupuan ko at aakmang aalis na sa kwartong maraming tao nang mapatigil sa pangalawa kong apak. Tumalikod ako at sa kinakagulat ko, medyo natutuwa ang manika sa mga sinasabi ni Natasha at ni ate Natallie. Yung kay Nine naman...

Umiling ako at tumalikod ulit. Nakikipaglandian na naman ito at sa manika pa? Ibang klase na ito ah.

Aalis na sana ako, pero bago man yun, binigyan ko muna sila ng babala.

"Wag niyong ilalabas si Charlotte sa labas. Kailangan protektado siya dito at dapat tayu-tayo lang ang makakaalam nito." Huminto ako ng saglit, at sinabi. "Pag lalabas siya, dapat kasama tayo." Pagkatapos nun, lumabas na ako sa kwarto at dumiretso pababa.

Enchanted *Editting* (will make it into Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon