Chapter 5: The Great Trios

172 13 6
                                    

Kanina pa akong tinitignan ni Natasha sa harapan, habang kumakain ako ng tinapay at ng sausage ng tahimik. Pero ang pinagkakaiba ngayon sa akin,

Ay yung nakangiti, habang kumakain.

At ayun ang rason kung bakit kanina pa ako tinitignan ni Natasha. 'Di siguro siya sanay. Kasi, madalas na walang-gana o parang naiinis yung itsura ko. Kaya siguro itong bagong facial expression ko ay parang, kabago-bago sa kanya.

"Kuya seryoso," Pabuntong-hinga ni Natasha habang tinitignan niya akong kumain, "natatakot na ako sayo ha? Pwede bang tanggalin mo yang ngiti mo sa labi mo? Nakaka-disturb."

"Edi wag mong tignan." Nakangiti ko paring sabi, habang kumakain, "Simpleng bagay, di mo magawa." Umiling ako, nakangiti parin at kumuha pa ng maraming sausage sa lamesang punung-puno ng mga pagkaing nilagay ng mga maids sa lamesa. Problema niya? Masaya ako eh. Masama bang ngumiti? Free country naman ito eh.

"Pa'no ko naman yun gagawin?" inis na tanong niya. "Eh nakaupo ba naman tayo dito. Harap-harapan pa."

Aba, nainis pa yung loko. I never thought I'd see the day.

"Edi maghanap ka ng mauupuan mo." Hinawakan ko yung mug at idinampi ito sa labi ko at uminom ng kape. Nilapag ko ulit ito sa tabi ng plato ko at sinabi, "Ang dami-daming upuan diyan, dito ka pa umupo."

Umirap siya sa akin at niligpit yung mga notebooks niya sa lamesa, sabay tumayo. Binagsak niya ang mga kamay niya sa lamesa, kaya naman napatingin Ako sa kanya, isang kilay ay nakataas. Lumapit siya sa akin, habang Ako ay tinitignan Lang ang ginagawa niya.

"O Baka naman may isang bagay dyan kaya nakangiti ka ngayon." Pagmamayabang niyang sabi, "am I right or am I right?"

"You're not right."

"Naman!" Padabog niyang ungol at umupo sa upuan niya, sabay kinross yung mga kamay niya, "ano ba yan, kuya? Ganyanan na Lang ba tayo? Puro sarkastiko ang mga sinasabi? Pa'no kayo magkakasundo ng fiancé m-?" Bigla niyang tinakip yung bunganga niya ng isang kamay niya. Bigla naman lumaki yung mga mata ko.

"Ano? Fiancé? May fiancé Ako?"

Umiling siya ng mabilis, yung isang kamay niya ay nakatakip parin sa bunganga niya, kaya naman agad akong hindi naniwala.

"Natasha," pagbabala na sabi ko, "may fiancé ako?"

Tumango siya ng mabagal at biglang humuni, nang bigla akong tumayo ng mabilis, kaya naman napatingin sila Nine at Natallie sa ginawa ko.

"Uy Xander," lumapit sila Nine sa akin. Nang mapansin niya yung inis na itsura ko, nagtanong siya ng mabagal, "Ok ka lang?"

"Ano nangyari?" Tanong naman ni Natallie at sumulyap sa kapatid kong gulat na gulat sa mga nangyayari. Nang mapansin niya ito, bigla naman siya ngayong nagulat, "NATASHA, SINABI MO?"

"I didn't mean it!" she demanded, "It's just a slip of a tongue!"

Nagbuntong-hinga si Nine, "'tong buhay na 'to."

Hindi ko sila pinansin at agad pumunta sa office ng mga magulang ko. Note po, sarcasm yan, tsk.

Naglakad ako sa mahahabang hallways, habang pinagmamasdan ang tapestries sa pader. At hindi ko rin maiwasan kundi magguni-guni. Bakit ba nila kailangan gawin 'to? Alam naman nila na, ayaw ko ng arrange marriage eh. At isa pa, hindi na'ko bata para tignan nila palagi. Katulad nung kahapon....

Bigla naman akong napahinto sa paglalakad nang maisip yun. Nga naman, diba? Galit ako sa kanila. Sobra. Pero ano nga ba ang dapat kong gawin, para matigil ko 'tong arrange marriage na'to? Kailangan ko ng pekeng relasyon para matigil ito. Kasi hindi talaga nila titigilan yung arrange marriage kahit anong laban ko. Nasa kanila yung lakas para matigil ito o patuluyin ito. Ano nga ba..?

"Charlotte.."

Napangiti ako at tumalikod sa dapat kong puntahan. Bumaba ako sa hagdanan na inakyatan ko at dumiretso agad ako sa kwarto ko, nakangiti parin.

Si Charlotte na lang ang tanging pag-asa ko. At kailangan ko rin gumawa ng rules para sundan niya ito.

Nang makarating na Ako sa pamilyar na hallways na papunta sa kwarto ko, nakasalubong ko si Natasha - with an amused expression on her face. Binigyan ko siya ng nakakaasar na Tingin.

"Ba't ka nandito?" Pag-igik ko at aakmang bubuksan sana yung pintuan ko, nang sinabi niya sa akin ang mga salitang nagpainit ng dugo ko.

"Kuya, joke joke Lang yung kanina." Nakangiti niyang amin, at mukha siyang nagpipigil ng tawa, "biniro ka namin ni kuya Nine at ni ate Natallie." Ngumiti siya, sabay nag-peace sign sa'kin. "All-in-all, biniro ka ng - THE GREAT TRIOS!"

Bigla ko naman siyang binigyan ng nanlilisik na mata at umatungal, "Ano?! Biro Lang yun?!" Aba, ayos sila ha! May nalalaman pang, 'The Great Trios'!

"Oo."

"Anak ng-!" Hindi ko tinapos yung sasabihin ko at napahilamos na lang Ako ng mukha sa sobrang inis, habang pinapakalma ang sarili ko.

"Sorry na." Sabi niya, habang pinaglalaruan yung buhok niyang naktirintas sa tabi niya.

Tinignan ko siya at sumingasing, "sa itsura mo pa Lang, Halatang hindi totoo yung sorry mo."

"Sorry na kasi." Pagtatawad niya at niyuko yung ulo niya, kaya naman, bigla Akong nagbuntong-hinga at ginulo yung buhok ko.

"Oo na, oo na." Naiinis na sabi ko, "pinapatawad na kita. Basta wag mo ulit Gagawin yun, kundi Baka Hindi na Kita mapatawad ng di Oras."

Lumiwanag naman bigla yung itsura niya, "Yay! Thank you kuya!" Sabay yakap sa'kin, sa sobrang kinaiinisan ko.

"Hoy! Wag mo nga Akong yakapin!" Pagsisigaw ko, habang sinusubukang tanggalin ang mga braso niya sa bewang ko, "Natasha!"

"Oo na." Pagbibitaw niya at umatras, "ang choosy ha?"

Umirap Ako sa kanya at binuksan yung kwarto ko ng onti, para makasiguradong Hindi makita ni Natasha si Charlotte sa kwarto ko, bago sumulyap sa kanya. "O ano? Wala ka na bang sasabihin?"

"Gawin mo homeworks ko." Agad niyang sabi.

"Layas."

"Che! Ang sama mo talaga sa'kin kuya!" Padabog niyang sabi.

"Ako pa."

"Hay, ewan!" Tumalikod siya sa akin at aakmang aalis na, nang bigla siyang tumalikod ulit at binehlatan ako. Inirapan ko na Lang siya at pumasok na kaagad sa kwarto ko, at siya naman ay aakmang aalis na.

Matapos na nga 'tong araw na 'to.

..~*~..

Me: I have nothing to say. Just, happy reading! :)

Enchanted *Editting* (will make it into Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon