Alas otso 'y medya ng gabi lahat ng bakasyunista ay nasa pantry na't naghihintay ng order nilang pagkain ng biglang magsalita si manang Elle na pumukaw ng kanilang atensyon.
"Maganda gabi sa inyo mga anak, kapistahan nga pala ng isla Pula sa susunod na araw at nais ko sana kayong imbitahan upang makisaya at maging parte rin nito."
Ngiti naman ang rumehistro sa mga mukha ng mga bakasyunista. At dahil doon ay napagpasiyahan ng mga kalalakihang bisita na uminom at magkasiyahan bilang katuwaan. Kaya naman ay umorder sila ng isang basyon ng beer, inihaw na baboy at sisig para sa pulutan.
At puwesto sila sa labas kung saan may lamesa at upuan. Marami silang napagkwentuhan at talagang inabot sila ng hating-gabi. Sa pagpatak ng alas dose'y napatigil sila sa kasiyahan ng makarinig ng mga boses na tila nagdadasal kasabay ng pagkakita nila ng mga liwanag ng kandila sa dilim.
"Anong mayroon?" kunot noong tanong ni Teya.
"Isa yang nakagawiang prusisyon para sa paghahanda ng ritwal ng kapistahan," bigkas ni manang Elle sabay ngiti.
"Ang creepy naman... pasok na tayo sa loob hon," mahinang bulong ni Celine sabay kapit nito sa braso ng asawang si Dean. Maganda at maamo ang mukha ni Celine siya yong tipong artistahin at agaw-tingin habang kabaligtaran naman niya ang asawa. Maitim ito't medyo napapanot na ang buhok.
"Sige hon, malamig na rin baka sipunin ka pa," tugon ng asawa at sabay silang tumayong mag-asawa at nagpaalam na rin sa mga kainuman. At ng akmang paalis na sila para pumasok sa loob ay nagsalita naman ang matanda,
"Mabuti pa nga sigurong magsipasok na kayo mga anak. Malalim na ang gabi. Hindi tamang nasa labas pa kayo." Pagkatapos ay naglakad na ito't sumama rin sa prusisyon.
At dahil sa pagkaudlot ng kanilang masayang kwentuhan at inuman dahil sa prusisyon ay minabuti na lang ng iba na sumunod at magsipasukan sa kanikanilang kwarto. Hindi naman mapakali si Celine na panay ang silip sa uwang ng bintana ng kanilang kwarto.
"Ano bang kinakabahala mo?" tanong ni Dean sabay yakap sa likuran ng asawa.
Humarap muna si Celine sa asawa saka nagwika,
"Ang weird lang kasi... ewan ko ba, bigla akong kinilabutan.""Masyado ka lang nag-iisip. Nandito tayo para mag-enjoy di ba?" sabay halik sa noo ng katipan.
"Siguro nga, basta make sure na nakakandado ang door ha," saad ni Celine.
At pinagsaluhan nila ang unang gabi sa isla Pula ng may kasiyahan at pagmamahal.
***
Naalimpungatan si Layla sa tunog na kanyang narinig. Bumangon siya't sumilip agad sa bintana. Wala siyang maaninagan kung 'di kadiliman. Bago magpasiyang lumabas ay napatingin muna ito sa salamin ng dresser, sinuklay ang hanggang balikat niyang buhok at tinali ng pony tail. Napansin niya ang pagdami ng tigyawat sa mukha gawa ng ilang araw na pagpupuyat.
Tumayo na siya't nagpasiyang bumaba para tingnan ang reception area. Pagbaba'y walang tao roon at napansin na bukas ang main door. Napatingin siya sa lumang orasan sa dingding, alas dos 'y medya ng madaling araw.
Isasara na sana niya ang pinto dahil sa pagpasok ng malakas at malamig na hangin ng makarinig siya ng sunod-sunod na mga sigaw at hiyawan.Dahil doon ay tumambol ng malakas ang kanyang dibdib bagay na nagbigay sa kanya ng panginginig. Pinilit niyang hindi mag-isip ng nakakatakot at napalunok na lang. Nagsign of the cross muna siya bago naglakad palabas at sundan ang pinanggalingan ng ingay.
At sa dalampasigan siya dinala ng mga paa. Napansin niya ang ilaw na binibigay ng mga kandila na hawak-hawak ng mga taong naroon. Nagtago siya sa likod ng puno upang 'di makatawag pansin. At sa paglibot ng paningin ay una niyang nakita ang isang lalaking walang saplot at nakatali sa puno.
Nanlaki ang mga mata niya't napatakip agad ng bibig. Kasabay noon ay kitang-kita niya kung paaano ito sinaksak ng matandang lalaki sa tagiliran. Naduwal at tumindig din ang kanyang balahibo ng mag-umpisang magdasal ang mga kasama nito.
Paalis na sana siya ng biglang may humablot ng kanyang buhok. Napasigaw siya sa sakit ng pagkakahila na parang mapupunit ang kanyang anit sa lakas. Isang patalim ang nakita niyang hawak ng estranghero sa dilim at uundayan na siya ng saksak.
At nagising si Layla sa kanyang masamang panaginip. Kahit bukas ang aircon ay pinagpapawisan siya ng todo. Napahabol din siya ng hininga at pilit iwinawaksi ang napaniginipan.
Sinampal-sampal pa niya ang magkabilang pisngi para masigurong gising na siya. Kinuha niya ang kanyang tumbler ng tubig na nakapatong sa bedside table at lumagok ng tubig. Naubos niya ang laman nito sa labis na pagkatuyo ng lalamunan.
Hindi pa nakuntento ang dalaga nang buksan naman niya ang kanyang itim na bag pack at kinuha ang isang kahang sigarilyo at lighter. Pumasok siya sa loob ng banyo at sinindihan ang isang stick at humithit. Pagkaubos ay bumaba siya sa pantry at doon ay nakita niya si Cyrus.
"Hi, Good morning," bungad na bati ng dalaga.
"Good morning din. Mukhang hindi maganda ang gising natin," nagtatakang tugon ng binata.
"Halata ba?" sabay upo sa katapat na silya.
"Medyo."
"Ang sama kasi ng pananginip ko e!"
"Para mawala yang badvibes mo magbike na lang tayo mamaya. May mga bike sa likod na pinapahiram nila," wika ni Cyrus.
"Game on!"
Matapos mag-almusal ay diretso agad sa likuran ang dalawa. Pinayagan naman silang humiram ngunit hanggang hapon lang at dapat na nila iyon isauli. Una nilang pinuntahan ang parke, doon ay maraming batang naglalaro at magiliw pa sila nitong kinawayan. Sunod ay ang malawak na sakahan at pataniman ng gulay. Kahit tirik ang araw ay balewala sa kanila makapag-enjoy lang.
Napuntahan din nila ang sementeryo kung saan ang simbahan ay nakalagak sa gitna nito. Nagtungo rin sila sa munisipyo, may katabi iyong eskwelahan, maliit na ospital, palengke at ilang maliit na mga tindahan. Tumingin-tingin muna sila ng mga paninda bago bumalik sa accomodation para mananghalian.
Malapit na sila ng biglang tumawid ang isang babae mula sa kung saan. Nabangga siya ni Cyrus dahilan para matumba sila pareho. Mistulang hindi iyon ininda ng babaeng nabangga at mabilis lang itong tumayo at humarap sa kanila.
"Okay ka lang miss?"
Wala nakuhang sagot si Cyrus. Kahit ekspresyon ng mukha'y wala. Saka niya napagtantong siya rin yong babaeng kumalabit sa kanya kahapon na bigla na lang tumakbo.
"Umalis na kayo habang may oras pa!" may pagbabantang bigkas nito sabay lakad palayo na parang walang nangyari.
Nagkatingingan naman sila Layla at Cyrus. Kitang-kita ang anyo ng pagtataka sa kanilang mukha.
"Ang weird naman nun!" may halong pagtatakang wika ni Layla.
"Kahapon pa yon eh" tugon ni Cyrus.
"Baliw ata yon na pagala-gala."
"Siguro nga."
BINABASA MO ANG
Pista de Pula
HorrorIsang masayang bakasyon ang inaasahan ni Cyrus mula ng napanalunan niya ang premyong makatungtong sa tinaguriang paraisong isla sa modernong panahon, ngunit sa kabila ng ganda't halina ng nasabing isla ay masasangkot siya kapistahang doon lamang gin...