Des oras ng gabi ng umakyat ng burol ang mag-asawang Celine at Dean. Madilim man ang paligid ay 'di nila alintana gawa ng may nasisilayan pa rin sila dahil sa liwanag ng buwan at ilaw ng kanilang smart phone."Ano ba kasing gagawin natin dito hon?" nagtatakang tanong ni Celine.
Nagpalinga-linga naman si Dean sabay latad ng dala niyang sapin sa damuhan.
"Uy! para saan yan?"
"Mag-iistar gazing tayo," saad niya sabay higa. Sumunod naman ang katipan at humiga sa braso nito. Nagkatitigan muna ang dalawa bago halikan ni Dean sa noo si Celine hanggang bumaba iyon sa kanyang leeg.
"Anu ka ba baka may makakita sa'tin," saad ng babae habang pilit na pinipigilan ang kiliti.
"Wala yan, tulog na ang mga tao sa ganitong oras," tugon nito sabay hubad ng suot na t-shirt.
At sunod niyang hinubad ang suot na pantaas ni Celine pati ang panloob nito. At inumpisahan niyang supsupin ang dibdib ng asawa. Napaungol ang babae at sa gitna ng kanilang mainit na tagpo ay napaalingat siya sa 'di kalayuan at nakakita ng parang imahe ng tao.
"May tao hon!" sigaw niya sabay turo at tago sa likod ng asawa.
Naalerto naman si Dean at napatingin sa direksyon kung saan nakita ng asawa ang imahe. Kinuha nito ang smart phone sa bulsa ng short at pinindot ang icon ng flashlight. Tinutukan niya ng ilaw ang parteng iyon ngunit walang siyang taong nakita.
"Dali! umalis na tayo dito hon! Natatakot na ako," sabay hila sa braso ng asawa habang pilit na tinatakpan ang kanyang dibdib.
Patakbo na ang dalawa ng may biglang lumabas na mga lalaki mula sa dilim. Nagkukubli lang pala ang mga ito sa mga puno't halamanan at naghihintay ng pagkakataon.
"Anong kailangan niyo?!" galit na sigaw ni Dean.
Hanggang sa papalapit nang palapit ang mga lalaki sa kinatatayuan ng mag-asawa. Walang ekspresyong maaaninag sa kanilang mukha. Walang buhay. Mistula silang patay na wala sa tamang pag-iisip.
Agad na sinuntok ni Dean ang isang nakalapit at natumba iyon sa lupa. Ngunit tila hindi iyon ininda ng lalaki at bumangon lang na parang walang naramdaman, kahit na nagdurugo ang labi nito. Uundayan pa sana ni Dean ng isa pang suntok ang lalaki ng mahawakan na siya ng iba pang kasamahan nito.
Nagsisigaw naman si Celine at patakbo na sana ng mahawakan siya ng isang lalaki at takpan ang ilong niya ng basahan. Pilit pa niyang magpumiglas ngunit mabilis siyang nawalan ng malay.
"Mga hayop kayo! anong balak niyong gawin samin?!" sigaw ni Dean.
Mabilis na tinakpan ang ilong niya ng basahan at unti-unting siyang nawalan ng lakas at kalaunan ay nawalan ng ulirat.
***
Nagising si Celine at nanlaki ang mga mata niya ng mapansing nakatali't nakahiga siya sa isang kahoy na papag at walang saplot. Nakapalibot din sa kanya ang mga taong may hawak ng kandila at pabulong na may dinarasal. Sa 'di kalayuan ay naaninagan niya ang kanyang asawang si Dean na nakatali sa puno, gaya niya wala rin itong saplot.
Nagsisigaw siya ng buong lakas na 'di naman pinansin ng mga taong nakapalibot sa kanya. Nagising sa pagkakatulog si Dean ng marinig ang boses ng asawa at saka niya lang napagtanto ang nangyari. Huminto ang mga tao sa ginagawa at umatras ng malayo.
Lumapit ang isang matabang lalaki at may ibinuhos na matapang na likido sa katawan ni Celine, dahilan para mas lalong siyang magsisigaw at humingi ng tulong. Kahit si Dean ay panay din ang sigaw at pagmumura ngunit walang magawa sa mga sandaling iyon.
Lumapit ang isang ginang na may hawak ng kandila at napangisi muna bago inihagis ang hawak. Nagliyab ang katawan ni Celine at nangisay sa matinding pagpapahirap. Ang hiyaw nito'y mistulang musika sa kanilang tainga dahilan para sila'y magalak. Halos madurog naman ang puso ni Dean na harapan at aktuwal na pagsunog ng buhay sa kanyang asawa. Nagngangawa siya't sinisisi ang sarili sa sinapit na nakakakilabot na trahedya nila.
Pinanood nila kung papaano tinupok ng apoy ang babae. At masaya nila iyong pinagdiwang habang ang iba'y nakuha pang sumayaw. Sunod nilang binaling ang atensyon kay Dean at inalis siya sa pagkakatali sa puno. Patuloy siya sa pag-iyak at naging sunod-sunuran na lang habang hinihila ng lalaki. Sa isip-isip niya para saan pa ang manlaban kung patay na ang kanyang asawa, kaya hinayaan na lang nito na gawin ang gustuhin nila.
Dinala siya ng mga ito sa sementeryo, kung saan nakalagak ang simbahan at mayroong krus na nakatirik. Nagbigay pa ng basbas ang tumatayong pari na nakaitim na sutana saka nila isinagawa ang balak.
Pinahiga si Dean sa krus bagay na ikinataka ng lalaki. Sinubukan niyang magpumiglas ngunit balewala. Panay ang mura niya ng malakas ngunit lahat ay bingi. Sinimulan ng matabang lalaki ang paglapat ng kinakalawang na pako sa palad ni Dean at walang sabi-sabing pinukpok iyon gamit ang hawak na martilyo kasabay ng paglabas ng maraming dugo doon.
Umalingawngaw ang lakas ng kanyang hiyaw sa paligid. Sa gitna ng gabi'y mas nangibabaw ang boses niya sa tunog ng mga insekto at hayop sa kadiliman. Inulit pa ng lalaki ang pagpako sa kabilang kamay maging sa magkabilang paa at tuhod.
Naglalaway at habol hininga naman si Dean sa natanggap na parusa. Hindi rin mapatid ang pagtulo ng kanyang mga luha. Sa kanyang isipan panay ang hingi niya ng kapatawaran.
Binuhat at ipinasok ng mga lalaki ang krus na pinagpakuan kay Dean sa simbahan at isinabit iyon sa dingding ng altar ng nakabaligtad. At sa hudyat ng pari ay nagsimulang umupo ang lahat ng taong nakilahok at nakiisa sa selebrasyon. Nagdaos ng misa ang pari at sa huli ay isinagawa ang pangalawang seremonyas; Ang tinatawag nilang pag-aalay ng dugo.
Kumuha ng punyal ang pari at walang awang sinaksak ang leeg ni Dean. Sumirit mula sa sugat ang napakaraming dugo na tumalsik pa sa mukha ng pari. Habang nangingisay at unti-unting malagutan ng hininga ay masaya pa siyang pinagmamasdan ng matanda. Isinalok ng pari ang isang gintong kupita at hinayaang mapuno iyon ng sariwang dugo. Nang sapat na ang laman ay may binanggit siyang kataga at saka humarap sa mga tao at pabulong na may sinasambit na dasal. Pagkakuwa'y lahat ay nagpugay ng inumin iyon ng pari. At pumila ang mga tao at masayang nakiinom din sa kupita.
BINABASA MO ANG
Pista de Pula
HorrorIsang masayang bakasyon ang inaasahan ni Cyrus mula ng napanalunan niya ang premyong makatungtong sa tinaguriang paraisong isla sa modernong panahon, ngunit sa kabila ng ganda't halina ng nasabing isla ay masasangkot siya kapistahang doon lamang gin...