📖 6: Pagtakas

2K 74 7
                                    

Sa pagtakbo ni Cyrus ay dinala siya ng mga paa kung nasaan ang iba pang bihag na bisita. Maingat siyang nagkubli sa makapal na halamanan at sinigurong walang malilikhang ingay na makaaagaw ng atensyon.

Madilim na ang kapaligiran at liwanag ng mga nakasinding kandila ang kanya lang nasisilayan. Halos tumindig din ang mga balahibo niya ng marinig ang boses ng mga nagdarasal na sumasabay sa lamig ng gabi.

Mas lumapit pa si Cyrus para mas makita ang nangyayari. Napatakip siya ng bibig, pigil hininga at pilit kinakalma ang sarili ng makita sina Teya at Layla na nakatali sa puno ng nakahubo't hubad at walang malay. Hindi niya mawari ang sitwasyon. Wala siyang maisip na dapat gawin.

Hanggang sa napapitlag siya ng may biglang humawak sa kanyang balikat dahilan para halos malaglag ang puso niya at kamuntikan pang mapasigaw, buti na lang ay natakpan agad ni Anita ang bibig niya.

"Hindi ligtas dito..." umalingat muna ang babae bago tinuloy ang sinasabi ng pabulong. "Sumama ka sa'kin dali."

Hindi na nagtanong o nagdalawang-isip pa ang binata at sumunod agad siya sa babae. Wala siyang pagpipilian kung 'di ipagkatiwala ang buhay niya sa itinuturing na baliw ng mga tao sa isla.

Hindi masabi ni Cyrus kung nasaang parte na sila ng isla dahil sa dilim at sukal ng lugar. Tagaktak na ang pawis at panay putik na ang binti't paa niya'y tuloy pa rin sila sa paglalakad ng matulin hanggang sa mapahinto si Anita.

"Nandito na tayo."

Itinuro niya sa 'di kalayuan ang isang kubo. Gawa ito sa pinagtagpi-tagping pawid at tinaling kawayan. Inanyayahan si Cyrus na tumuloy sa loob at agad silang sinalubong ng alaga niyang aso. Binuksan ng dalaga ang gasera at naupo sa papag na sahig.

"Ligtas ka pa rito hanggang ngayong gabi lang. Bukas ng madaling araw ay kailangan mo ng umalis," malumanay na wika ni Anita.

"Ano bang nangyayari? bakit nila ginagawa yon?" nagtatakang tanong ni Cyrus.

"Para sa ritwal ng islang ito," malamig na tugon ng dalaga.

Kinuha niya ang pitsel at nagsalin ng tubig sa baso saka iniabot sa binata. Kinuha naman niya ito't nagpasalamat. Pagkaubos niya ng tubig ay nagpasalin siya ulit. Nilagok niya iyon ng mabilis. Sunod siyang inalok ng kapirasong tinapay na pinaunlakan naman niya agad. Dahil sa gulo ng isipan at 'di maipaliwanag na nangyayari'y hindi na niya naramdaman ang uhaw at gutom.

"Ano bang klaseng ritwal iyon?" tanong ni Cyrus.

"Isang pag-aalay para sa panginoon nilang si... Satanas. At tuwing nalalapit na ang kapistahan ay nag-iimbita sila ng mga taga-labas para maging alay."

"Para saan? hanggang ngayon ba naniniwala pa rin sila sa ganoong kabaliwan."

"Hindi mo sila masisisi, parte na iyon ng kultura at paniniwala ng mga tao rito sa isla. Naniniwala sila na pagpapalain sila kapag nasagawa nila ang ritwal," paliwanag ni Anita.

"Mga baliw ang mga tao rito. Nasabi mong nag-iimbita sila ibig sabihin ba noon ay kasabwat din nila ang mga kumpanyang pinapasukan namin? bakit kami? anong basehan nila?" aligagang tanong ni Cyrus.

"Maaaring kasabwat o nagkataon lang. Walang makakapagsabi. Lahat ay gagawin nila para sa tinuturing nilang pagpapala," malumanay na tugon ni Anita.

Panandaliang katahimikan ang pumagitna sa kanila kasabay ng paglakas ng tunog ng mga insekto sa labas ng kubo.

"Magpahinga ka na, bukas ng madaling araw sasamahan kita sa dalampasigan. May mga bangka roon na ginagamit sa pangingisda gamitin mo iyon sa pagtakas," wika ni Anita sabay abot ng kumot kay Cyrus.

Inabot ng binata ang lumang kumot at humiga na lang.

"Hindi pa pala ako nagpapakilala, ako nga pala si Cyrus."

"Ako naman si Anita, marahil nasabi nila na baliw ako."

"Oo, pero sa tingin ko sila talaga ang totoong baliw," wika ng binata.

"Salamat nga pala sa pagtulong," dagdag ni Cyrus.

"Walang anu man," tugon ni Anita. Nahiga na rin siya katabi ang alaga niyang aso.

"Ano pa lang kaugnayan mo rito sa isla? ba't 'di ka nila ginagawan ng masama?"

"Dahil taga rito ako sa isla. Kung ako sa'yo huwag ka ng magtanong at magpahinga na lang. Kailangan mo 'yon."

Ipinikit na lang ni Cyrus ang mga mata. Mabilis siyang nahulog sa mundo ng panaginip dulot ng matinding pagod.

Madaling araw ng makaramdam at makarinig si Anita ng mga yabag at tunog ng mga nababaling sanga. Naalerto rin ang kanyang alagang aso dahilan para tumahol ito. Mabilis na ginising ng dalaga si Cyrus na bumangon naman agad.

"Umalis na tayo, nandito na sila," sabay bukas ni Anita ng pinto at tumakbo ng kasunod ang binata.

Kahit aantok-antok pa'y pinaglabanan iyon ng binata. Ilang metro rin ang tinakbo nila ng marinig ang tunog ng mahinang hampas ng mga alon. Nagtago muna sila sa mga nagtataasang halamanan at sinigurong walang tao sa paligid. Nang masigurong ligtas na'y dali-dali nilang tinulak ang isang bangka sa pangpang hanggang sa lumutang iyon sa tubig.

"Sumakay ka na!" pagmamadali senyas ni Anita.

"Paano ka?! sumama ka na!" tugon ni Cyrus.

"Dito lang ako, mas ligtas ako rito."

Hindi na lang nakipagtalo pa ang binata at mabilis na lang na sumampa sa bangka. Sa pagsampa niya ay siya namang pagdating ng ilang taong-bayan na bakas sa mga mukha ang galit. Kaya naman mas binilisan ni Cyrus ang kilos para subukang mapaandar ang de makinang motor ng bangka. Manginig-nginig pa siya habang pilit pinagana ito. Napadasal na lang siya na tama ang kanyang ginagawa.

Sa pagbuhay ng makina at pag-usad nito'y nakalapit ang isang lalaki buti na lang ay nasampahan siya ni Anita dahilan para matumba sila sa tubig. Sa pag-arangkada ng bangka'y mabilis itong nakalayo sa pangpang. Pinagmamasdan na lang ni Cyrus ang mga taong-bayan na nakatingin sa kanya.

Nanlalabo man ang suot na salamin nakita niyang lumapit si father Natas sa dalaga at sinampal ito ng ilang ulit. Hindi na lang ito tiningnan ng binata kahit pa sa loob-loob niya'y nag-uumapaw ang galit at itinuon na lang ang atensyon sa pagmamaniubra sa bangka.

Walang ideya si Cyrus kung gaano na siya katagal sa laot. Masyado na siyang tuliro para makapag-isip ng mabuti. Ubos na rin ang gasolina ng bangka. Sinubukan niyang magsagwan ngunit panay tubig pa rin ang kanyang natatanaw.

Nanghihina na siya gawa ng init ng panahon dagdag pa ang pagod, uhaw at gutom na kanyang nararamdaman. Sa 'di inaasahang pagkakataon ay biglang sumagi sa isip niya ang kanyang smart phone sa bulsa. Nabuhayan ang binata ng loob kaya dali-dali niya itong kinuha.

Abot tainga ang ngiti niya ng makitang may signal ito. Kaya naman agad siyang nagtext sa kapatid at pumasok ang mensahe nito. Todo ang pagpapasalamat niya at napaiyak na lang. Hanggang sa makaramdam siya ng pagkahilo at unti-unting nanlalabo ang paningin niya. Pilit pa niyang nilalabanan ito hanggang sa matumba siya't mawalan ng ulirat.

Sa paggising niya'y nakahiga na si Cyrus sa isang kama. Inilibot niya ang paningin sa masikip na kwartong iyon, walang gaanong gamit ang naroon bukod sa isang bedside table at maliit na cabinet. Pagbangon niya't pagsilip sa maliit na binatana doon niya lang napag-alaman na nasa loob siya ng isang yate. Lumabas siya rito at nakita ang isang ginang at dalawang batang masayang kumakain.

"Gising na po yong lalaki papa!" sigaw ng dalawang batang babae.

"Ayos ka lang ba iho? anong nangyari sa'yo?" usisa ng ginang.

Mistulang nabingi si Cyrus at nablangko ang utak. At para siyang nalulunod sa kumunoy habang papalapit sila sa pangpang ng isla. Daig pa niya ang nagdediliryo habang tinatanaw ito.

Pista de PulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon