📖 Epilogo

2.2K 93 13
                                    

Ang pangalawang anibersaryo ng Steel Trading Company na ginanap sa isang sosyal, pamuso at kilalang six star hotel sa lungsod ng maynila, kung saan pumasok si Cyra bilang sekratarya ng head ng employment.

Masaya ang lahat at talagang nag-uumapaw ang mga alak at nakahaing masasarap na pagkain. At ang lahat ay nakagayak ng kanilang pinakamagarang pormal nilang kasuotan at naghihintay sa huli at grand prize na bubunutin ng mismong may-ari ng kumpanya na si ginoong Olbaid.

Nakangiti't nag-aabang na ang dalagang si Cyra habang umiinom ng red wine sa hawak na kupita. Agaw pansin ang kanyang mapanghalinang pulang dress na may malaking hiwa sa hita at kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan at laki ng hinaharap. Ito ang unang pagkakataong magsuot siya ng ganoon, sapagkat madalas ay nakacorporal suit siya tuwing papasok sa opisina.

Maya-maya pa'y lumapit na sa mikropono ang lalaking host at masiglang bumati sa lahat,
"Let's give a round of applause para sa pinakamamahal nating presidente na si mr. Olbaid!"

At malakas na palakpakan at hiyawan ang tinugon ng mga empleyado, ilang pulitiko at kilalang negosyante.

Matikas at nakangiting lumabas ang ginoo suot ang kanyang kombinasyong kulay puti at itim na formal suit. Nasa singkwenta pataas na ang edad niya ngunit 'di mo kakakitaan ng bahid ng pagtanda. Mula sa backstage ay naglakad siya katabi ng emcee kung saan naroon ang roleta.

"Ready na ba kayo?!" sigaw niya.

At buong galak na tumugon naman ang mga tao. Lahat sila'y nasasabik sa huling premyong ibibigay. Pinaikot muna niya ang roleta saka binuksan. Kumuha siya ng isang pirasong papel at tiningnan ang pangalan na nandoon.

"Ang maswerteng nanalo para sa isang bakasyon en grande for two with cash prize! Sa paraisong tinatawag na isla Pula ay si!"

Walang halos kumurap at lahat ay pigil sa paghinga. Ang iba'y nananalangin na sila ang makuha. Sapagkat alam nila kung gaano kaganda ang isla na maituturing na paraiso sa modernong panahon, bukod pa roon may kasama pa itong cash prize.

Ngumiti muna ang ginoo bago idineklara ang nanalo.

"Cyra Amer!"

Napangisi naman ang dalaga bago tumayo't naglakad sa harapan ng entablado. Sa loob-loob niya'y kay tagal niyang hinintay ang pagkakataong ito na umayon lahat sa kanyang plano. Sa wakas ay malalaman na niya ang nangyari sa kanyang nakakabatang kapatid.

Pista de PulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon