Oii~ I'm baaacckkk. Again sorry sa mga typos at wrong grammars baka madami eh.
~ Jui
Someone's P.O.V
"Kailangan na natin isagawa ang plano." pagbasag ko sa katahimikan na nananaig sa aming dalawa.
"Sige. Ikaw na pumili kung sino uunahin mo sa kanila." nakangising saad niya. "Let's start bago pa man masayang ang oras."
Naghiwalay kami ng landas para mahanap ang target namin. Mahilig siyang magbasa kaya baka nasa library siya? Pero labanan na kaya imposible na nagbabasa pa siya ng ganitong oras.
Sa clinic kaya? Hmm...possible dahil healer siya.
"Waah, long time no see. Na-miss kita ng sobra, hindi ko alam na ngayon ang balik mo." binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap. "Dito ka muna ha? Baka may mangailangan ng tulong natin."
"Ang tagal nating hindi nagkita." saad ko habang unti-unting nilalabas ang kutsilyo sa bulsa ko.
"Oo nga eh, nakakamiss ka."
"Seo...i'm sorry" lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.
"Huh? Aahhhh---" sigaw niya dahil sa sakit. Ginamitan ko naman siya ng bago kong natutunan na majika dahilan para mas lalo siyang nahirapan.
"W-why are you d-doing this?" nanghihinang tanong niya.
"I'm sorry, Seo." ipinikit ko ang mata ko bago pa tuluyang tumulo ang mga luha ko.
"Pinapatawad na kita,"
"Jessica" huling sabi niya kasunod ang pagpikit ng kaniyang mga mata.
Tila nablanko ang utak ko dahil sa huling katagang sinabi niya. Bakit...bakit niya ako pinapatawad? Bakit sa lahat ng sasabihin niya ay ang mga katagang iyon pa? Napakasama kong kaibigan. Sorry, Seo. I'm sorry.
Pagkarating ko ng rooftop ay doon ko na nailabas ang lahat ng luha ko. Hindi dapat ako umiiyak eh. Ako ang may kasalanan at ako ang may dahilan. Pwede naman akong pumili pero ito ang pinili ko. Hindi dapat ako nasasaktan ng ganito.
"Catch you, traitor." agad akong napatingin sa likuran ko.
"G-gray" utal na tawag ko. N-nakita niya ba ang ginawa ko?
"Wala bang friends sa vocabulary mo? Ni hindi ka nagdalawang isip bago mo siya----" hindi ko na siya pinatapos at agad akong nagsalita.
"HINDI! H-hindi ko iyon sinasadya! Nagdalawang isip ako!" pagdepensa ko sa sarili ko.
"Pero sa pagdadalawang isip mo...ano ang pinili mo?" nakangisi niyang sabi.
"T-tama na, Gray." tinakpan ko ang dalawa kong tainga para hindi na marinig ang mga sasabihin niya.
"Hinahabol ka na ng konsensya mo...Jessica or should I say Icah." lintanya niya habang seryosong nakatitig sa mga mata ko. Gulat at kaba ang nararamdaman ko.
"I-ibig sabihin, kilala mo s-si El?" utal na tanong ko.
"Hmm...si Elaine Levine? Oo naman bakit hindi?" bored na lintanya niya.
"P-paano mo nalaman kung sino kami?"
"Nah, by observing, I guess? So, ano na gagawin mo?" tanong niya sabay ngisi.
"A-anong sinasabi mong ano na gagawin ko?" naguguluhan kong tanong but he just shrugged.
"Pwede ka namang tumalon diyan kung gugustuhin mo o kaya naman hayaan ang konsensya mo na guluhin ang isip at buhay mo." mahaba at seryosong lintanya niya.
YOU ARE READING
DELIGHT FANTASY
FantasyPrinces, Princesses, Magicals, Creatures, Chosens, Elements and many more that doesn't seem to exist but do really exist. In the world of fantasy, A prince and a princess is born Not to spread darkness But to save the people and its home They are n...
