CHAPTER 9: Transferees

3.6K 82 4
                                    

Christalie Zayra

Maaga ako nagising at nag-ayos dahil gusto ko munang lumabas para makalanghap ng sariwang hangin. I looked at the alarm clock beside me, exact 6:00am na.

Nagluto ako ng bacon at toasted bread w/ nutella para may makain si Winter paggising niya. Nag-iwan rin ako ng note kung sakaling hanapin niya ako, ito ang nakasulat sa note.

Rise and Shine, Winter!

    Sorry kung hindi na kita ginising, maaga kasi akong lumabas and I know na masyadong masarap ang tulog mo baka gawin mo pa akong yelo eh. Kung sakaling maghanap ka ng pagkain ay may niluto ako na bacon & toasted bread w/ nutella for breakfast mo.

Eat well ^_^

~CZP

Dinikit ko iyon sa noo niya, HAHAHA joke lang. Dinikit ko iyon sa loob ng pinto niya para pag sakaling lumabas siya ay makikita niya agad.

Pumunta ako secret place ko, well hindi ko naman masasabi na secret talaga siya. Wala lang talagang mga tao ang napupunta at napapadaan dito. Umupo ako sa damuhan at pumikit habang dinadama ang ihip ng hangin. Maya-maya lang ay na-bored ako kaya nagsimula kong kausapin ang mga halaman para nga akong baliw dito kasi 'di naman sila nagsasalita.

Lumapit ako sa isang helera ng mga lantang gumamela. Mukhang matagal na itong hindi naaalagaan at nadidiligan kaya siguro nalanta.

"Kawawa naman kayo, hindi ba kayo inaalagaan?" tanong ko sa kanila. Kung may kapangyarihan lang sana ako na makakapagpabalik ng buhay ng mga halaman ay sana ginawa ko na.

Hinawakan ko ang mga nalantang gumamela at bigla nalang silang bumabalik sa dati nilang kulay... parang fresh flowers ulit? What the-- bakit ang dami kong natututunan? Ba't parang ang dami kong kapangyarihan? Ako ba talaga 'to? I'm mysterious kahit ako hindi ko na talaga kilala ang sarili ko.

I'm confused. For now, kailangan ko muna itago ang nangyaring ito. No one should know dahil paniguradong pauulanin na naman nila ako ng tanong. Gusto ko ako muna ang makaalam.

Na-alarma ako nung may tumunog galing sa bush sa likuran ko kaya hinanda ko ang isang kamao ko pang self defense at nagpalabas ng fire ball sa kabilang kamay. Oo, alam ko na kung paano gamitin ang fire element ko. Hindi ako nag-train na gamitin ito pero ang alam ko, someone's controlling me and it's hard to explain.

Bago ko maibato patungo sa pinanggalingan ng tunog ang inihanda kong fire ball ay may biglang nagsalita.

"Easy lang." saad ng boses na nanggagaling sa....bush? Kailan pa nagsasalita ang bush?

Lumabas galing sa bush ang isang pamilyar na lalaki. Sino nga siya? Gen? Gree? Gray? Ahh oo! Si Gray Dylan Choi yung shadow manipulator ng Blue Royals.

I vanished the fire balls that I made nung nakita kong siya lang pala. Kinabahan naman ako dahil akala ko may kalaban pero bakit nga ba magkakaroon ng kalaban eh safe place naman ang academy? Wow, hindi ako nag-iisip.

"M-may kailangan ka ba?" utal na tanong ko kasi parang first time ko lang ata siyang nakausap, masyado kasi siyang tahimik na tao.

"Who are you?" he asked habang nakatingin ng seryoso sa mga mata ko. Ano pinagsasabi nito? Hindi niya ba ako kilala? Sige na nga magpapakilala na.

"Christalie Zayra Park, a wind user." nakangiting pagpapakilala ko.

"Are you really a wind user?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. Don't tell me nakita niya na binuhay ko yung mga nalantang halaman? Naku! Huwag muna ngayon. It's hard to explain.

DELIGHT FANTASYWhere stories live. Discover now