Okay lang ba ang changes sa story? I'm sorry sa biglaang pag-unpublish at pagbabago. Sana support niyo parin po kahit ganito hehe.
Thank you po sa patuloy na nagbabasa. Thank you so much. Lovelots.
Baka may typos na naman po^_^
~ Jui
Christalie Zayra
Hingal na hingal at walang hinto ang mga paa namin sa pagtakbo patungong battle field. Kasalanan kasi 'to ng alarm clock na iyon.
Malapit na kami sa entrance ng biglang...
*bbbooooggggssshhhh*
Hehehe, wala lang nadapa lang naman ako. Luckily, walang mga tao ang nakakita. I mean si Winter lang ang nakakita kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Kay-aga aga mapapahiya na naman ako.
Agad naman akong tumayo, pinagpagan ko ang suot ko bago kami tumakbo ulit papasok ng battle field. Halos lahat ng estudyante ay andito na dala siguro ng excitement kaya inagahan nila ang pagpunta.
"Good morning, delight students! Are you guys ready?!"
Maririnig ang boses ni HM sa speaker at lahat naman ng mga students ay naghiyawan sa tuwa. Oo nga pala hiwalay ang upuan ng bawat section. Napapagitnaan ako ni Winter at Yuki, ganito kasi arrangement ng section namin:
Winter|Ako|Yuki|Jessica|Mikey|Seo|Charity
Lahat kami ay nakatingin sa auto board sa taas na magsasabi kung sino ang maglalaban. Andoon rin makikita ang score at ang magiging section nila. Kung malilipat ba sila o hindi.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong field, halos lahat ng mga estudyante ay ready na makipaglaban samantalang ako lang ata ang kinakabahan dahil hindi naman ako nasanay na lumaban.
Nagkaroon naman ng countdown bago magsimula. Napadako ang aking tingin sa auto board para makita kung sino ang unang sasabak sa laban. Makikita mo rito ang pangalan ng tao at kung ano ang mahika nila.
WINTER Vs. CANDICE
(Ice manip.) (Summoner)
Tiningnan ko naman si Winter at nakita ko sa mga mata niya na determinado siyang lumaban. Mahalaga siguro sa kaniya na malipat ng section, kahit ako rin naman. Lagi nalang kami minamaliit ng kapwa namin estudyante.
I hope na manalo si Winter, hindi ko man nakita kung paano siya mag-training pero sigurado ako na makakaya niya iyan. She's a strong independent girl.
Winter Yena
Nung hindi pa nagsisimula ang levelling ay todo tingin na talaga ako sa auto board. Hindi ko alam kung dala ba 'to ng excitement kaya hindi ko maalis-alis ang tingin.
Mga ilang segundo pagkatapos ng countdown ay nag-flash ang mga mukha at pangalan ng unang lalaban.
WINTER Vs. CANDICE
(Ice manip.) (Summoner)
Hala, ako na pala ang unang sasabak sa laban. Ba't ang bilis naman? Bigla tuloy akong kinabahan pero kailangan kong isantabi ang aking kaba dahil isang beses sa isang taon lang ginaganap ang levelling. Sa paraang ito, malilipat ako ng section at hindi na mamaliitin ng ibang mga estudyante. Buti nalang dahil sa kabila ng kaba ay andito parin ang pagiging determinado ko. Hindi ko hahayaang masayang ang training ko. Para 'to sa pamilya ko lalo na kina ate, I need to find them dahil alam kong andito parin sila.
Naglakad ako papunta sa field ganun rin ang ginawa ni Candice. I know her, dahil isa siya sa mga taong minamaliit kami dahil sa section namin. Sa totoo lang, gusto kong ipamukha sa kaniya na hindi niya dapat minamaliit ang gaya namin. Nagiging masama na ata ako, hayss.
YOU ARE READING
DELIGHT FANTASY
FantasyPrinces, Princesses, Magicals, Creatures, Chosens, Elements and many more that doesn't seem to exist but do really exist. In the world of fantasy, A prince and a princess is born Not to spread darkness But to save the people and its home They are n...
