Christalie Zayra
Maaga ako nagising at hindi ko rin alam kung bakit. Ang weird nga ng pakiramdam ko eh.
Nagsimula na akong mag-ayos, prinepare ko narin yung susuotin ko bago dumiretso sa comfort room para maligo. After kong maligo ay ginawa ko naman yung iba ko pang morning routine. I headed to the kitchen para magluto ng agahan dahil i'm sure na tulog parin si Winter hanggang ngayon. It's still early dahil exact 6:20 pa lang ng umaga. 8:00 ang start ng class namin today.
I decided to make a heavy meal for breakfast. Bacon, Eggs and Rice. Napapansin ko rin kasi na halos hindi na kami nakakakain ng kanin ni Winter and it's bad for our health. Naalala ko pa nung bata ako, hindi ako nakakain ng kanin ng isang araw puro lang ako mga snacks dahil busy ako sa paglalaro kaya ayun napalo ako ni auntie.
I prepared the ingredients at nagsimula nang magluto. Mabilis lang naman ito matapos since papainitin mo lang yung unting mantika tapos ay iprito na ang bacon at eggs. Inuna ko talaga saing yung rice kasi iyon yung pinakamatagal. Sakto namang pagkaluto ng rice ay tapos na rin yung ulam.
Inihanda ko yung hapag-kainan pagkatapos ay dumiretso sa kwarto ni Winter para gisingin siya. I was about to open the door pero kusa itong bumukas at iniluwa si Winter na ayos na ayos. Excitement is written in her face. Kumikinang pa yung mga mata niya eh.
"Good Morning Chriza!" hyper na bati niya.
"Ahh...ehh...good morning?" bati ko pabalik not knowing what to do.
"Gigisingin pa sana kita kaya lang pagkita ko ayos na ayos ka na. Kumain ka nalang, nagluto narin ako eh. Antayin nalang kita sa living room." sabi ko at masaya naman siyang tumungo sa dining area.
Iling akong naglakad patungo sa living room. I seated on the couch at binuksan ang librong patungkol sa iba't ibang klase ng spells. About this book, regalo 'to sa akin ni auntie. She said na pag-aralan ko raw ito para daw pag sakaling may makalaban ako na mahirap talunin ay may isa pa akong panglaban. The advantages right? But sadly, limited lang ang nakasulat sa libro and that's the disadvantage.
Someone
"Kumusta naman ang pinapagawa ko sa inyo Icah at El? May process na ba?" tanong ko sa kadarating lang na dalawang tauhan ko.
"Wala naman pong pagbabago master. Pero sa palagay ko ay malapit na natin makita ang prinsesa ng Delight Fantasy." sabi ni Icah.
"Sa royalties naman po ay wala rin pagbabago. Pero sa palagay ko rin gaya nga ng sinabi ni Icah ay malapit na natin makita ang prinsesa ng Enchanted." dagdag ni El.
Anong klaseng balita ang sinasabi nila sa akin? Sinong niloloko nila?
MGA WALANG KWENTANG IMPORMASYON!
"Siguraduhin niyo lang! Kung hindi ay alam niyo na ang mangyayari! Huwag niyong pinapainit ang ulo ko sa walang kwentang impormasyong nakuha niyo." galit at nangigigil na saad ko sa kanila.
Ayaw ko sa lahat ang pinag-aantay ako. Nakakainip. Gusto ko ng maghari dito sa buong Delight. Sisiguraduhin kong titingalain ako ng lahat. Magiging makapangyarihan ako't katatakutan ng lahat.
"O-opo master." utal na sabi nila.
MGA WALANG KWENTA! Kailangan ng isa pang plano.
Napangisi naman ako sa naisip ko. Tinignan ko silang dalawa at saka nagsalita.
"Patayin niyo ang isa sa kanila hangga't maari. Kailangan masira ang pagkakaibigan nila dahil doon!" utos ko. Nagulat naman sila sa aking sinabi pero ipinagwalang bahala ko iyon. Alam kong susunod parin sila sa akin dahil kung hindi, buhay ang kapalit.
YOU ARE READING
DELIGHT FANTASY
FantasiPrinces, Princesses, Magicals, Creatures, Chosens, Elements and many more that doesn't seem to exist but do really exist. In the world of fantasy, A prince and a princess is born Not to spread darkness But to save the people and its home They are n...
