CHAPTER 10: 1st Mission

3.6K 90 3
                                    

Huwag niyo nalang po pansinin yung typos and wrong grammars hehe.

~ Jui


Winter Yena

Tahimik lamg kaming naglalakad patungo sa office ni HM. Pansin ko na hindi lang ako kundi pati ang mga kasama ko ay malalim ang iniisip. Sabagay sino ba namang hindi mapapaisip kung bakit kami bigla pinatawag. Ano nga kaya ang kailangan samin ni HM? May nagawa ba kami? Nalabag na rules?

Nung nakarating na kami sa harap ng office ni HM ay si Hailan na ang nagbukas ng pinto habang kami ay nakasunod lang sa kaniya. Sabay-sabay kaming nag-bow tanda ng paggalang namin.

"Good Morning to all of you." nakangiting bati ni HM.

Nakangiti siya. Ibig sabihin ay walang bad news na magaganap. Ibig sabihin wala kaming nagawang pagkakamali. Yes!

"What do you need this time Ate?" Hailan asked. Bored ang tono nang pagkakatanong ni Hailan--pero ano raw? Ate? Huh--

"Ate?!" sabay na sigaw namin ni Chriza habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa. Napa-chuckle naman si HM sa naging reaksiyon namin.

"Yeah, he's my younger brother." HM said. Hindi parin ako makapaniwala. Si HM na may kaingayan at si Hailan na tahimik ay magkapatid?!

"But he's surname is Bae and yours is Park. How come you two are siblings?" Chriza asked. Oo nga naman. Park si HM tas Bae kay Hailan. Pero wow napapa-english si Chriza ah.

"Oh about that, kailangan ko kasi i-change ang surname ko just to protect Hailan dahil hindi nila alam na may kapatid ako. Kaya ako ngayon ang target ng kalaban but I think hindi pa sila gumagawa ng move. Kaya naman nila ginagawa iyon ay gusto nila na sila ang magpatakbo ng academy na ito." sabi ni HM. Tumango naman kami, so that means hindi sila mga kalaban? Woosh, gumaan naman ang pakiramdm ko. Hindi na ako mapaparanoid kakaisip sa kanila.

"So bakit niyo po kami pinatawag?" Yanny asked.

"I just want to inform na magkakaroon kayo ng mission." HM said. Tila nanginang ang mga mata ko at lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi ni HM. Mission? Finally.

"Yes, mission!" masayang sigawan naming lahat. Of course matagal na namin 'tong inaantay. Sa wakas makakapagbanat ako ng buto.

"By the way Tita, ano pong mission namin?" Ashton asked. Oo nga 'no? Ba't di ko tinanong iyon? Masyado ata akong na-excite.

"Pupunta kayo sa Temple Of Kkum. Kailangan niyong mahanap ang Rings Of Dream. Kailangan kayo ang unang makahanap nun dahil isa iyon sa pinakamahalagang singsing." HM said.

"Diba dalawa ang Rings Of Dream?" Jaye asked. Rings Of Dream, isang singsing na pwedeng mag-change sa kahit anong armas at ito ang singsing na itinakda para sa Prinsipe at Prinsesa ng Enchanted.

"Oo, Jaye. Ang isang ring ay may highlight na pink at ang isa ay may highlight ng blue." HM said.

"Pero Ate, as far as I know ang prinsipe at ang prinsesa lang ang makakahawak ng singsing na iyon." Hailan said.  Oo nga, itinakda iyon sa prinsipe at prinsesa kaya sila lang ang pwedeng humawak nun.

"Don't worry isa sa inyo ang makakahawak ng bagay na iyon at alam kong alam ng iilan sa inyo kung sino ito." makahulugang sambit ni HM. "No more buts. Makakaalis na kayo."

Hindi naman kami naka-imik pa kaya sunod-sunod kaming lumabas ng office.

"This mission...I bet nakakapagod 'to." Yanny said.

"Shall we go at the convenience store?" Chriza asked. Wow napapa-english siya ah.

"Ano gagawin natin dun?" tanong ko.

DELIGHT FANTASYWhere stories live. Discover now