Lorraine's point of view
Papunta na kaming parking lot para maka uwi, may kanya kanya kaming sundo, yung dalawa may driver, ako? Sasabay sa hot kong Kuya ^_^
*@parking Lot*
"Una na ako, naghihintay na si Kuya sakin" tinuro ko si Kuya gamit ang nguso ko, ang hot talaga ng Kuya ko, pero shhhh lang a! Lalaki nanaman ulo nyan eh -_-
"Wala talagang pangit sa lahi natin hahaha" may pag flip pa ng buhok si bruhang chloe...pero kung sa bagay wala naman talagang Hindi nabiyayaan samin,😂
"Sang ayon ako dyan" may pagtalon pa si mareng Kaye, jusko nabiyayaan din pala ako ng baliw na pinsan😂😐
"Hi Kuya!^_^ tirik na tirik ba ang araw? Naka shades tayo ah!"
"Ano nanaman bang trip mo? sipain si Justin, tapunan ng pagkain si Nathan at hagisan sila ng lamesa sa cafè -_- babae ka pa ba raine?"
"Kuya ah! Hindi ko naman tinapunan yung nathan na yun noh! hindi sadya yun,pero yung the rest yun na talaga yung sadya ^_^"
"Aish! Ano nanaman bang trip mong tomboy ka?"
"Ay kuya ha! Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako tomboy! Babae ako! Babaeng kilos lalaki hahaha! at ginawa ko lahat yun dahil may valid reason ako"
"Gaano ka-valid?"
"Papasa yung reason ko kahit sa NBI ^_^ tsaka pwede ba kuya wag mo ngang pasingkitin yang singkit mo nang mata, mukha ka ng nakapikit -_-"
"Bakit mo sinipa si justin? Kilala mo ba ang binagga mo? Kaibigan ni nathan yun"
"I know him kuya, justin the g@go is Chloe's ex boyfriend and if you're not aware he hurt our cousin by cheating and you knew that i hate guys who cheated to their partners because we have the same feelings"
"RAINE!!! Kailangan talaga magmura ka? "
"Ay kuya! Sayo ko natutunan ang pagmumura -_-"
"Sakin ba? hahaha! Pero anong sabi mo? Ex ni chloe si justin? Kailan pa? Bakit hindi ko alam?"
"Kasi wala ka namang pakiramdam sa paligid mo kuya-_-! manhid manhid mo kaya juice ko!"
"Samahan moko"
"Eh?"
"May practice kami ng basketball ngayon, kaya kita hinintay dito dahil isasama kita, wala si mama at papa sa bahay"
"Oks! Tara na, di mo naman agad sinabi sakin ^_^ "
Hindi ko ba nasabi sa inyo na si kuya ang Captain ng basketball dito sa university namin? Yes! Sya ang captain pero hindi sya ang MVP si Nathan ang MVP nila, kilala ko sya sa pangalan pero sa mukha hindi ko sya kilala dahil hindi naman ako nanonood ng basketball game nila kuya naririnig ko lang sa mga chismosa dito sa university na kung mag usap akala mo naka broadcast -_-
YOU ARE READING
The Badass Queen Vs. The Badass King
Teen FictionDate Started : February 21, 2018 Date Finished : - May 6, 2020