L O R R A I N E's POV
" anong nangyari sa check up mo kahapon? May sakit ka daw ba?"
Nag aalalang tanong ni kaye...Nandito kami sa garden ng school., hindi kami pumasok sa klase namin,
" ok naman daw ako, wala naman daw complication sa puso ko, binigyan lang nila ako ng vitamins -_-"
" buti naman kung ganon, nag alala kaya kami sayo,," -chloe
" ok lang ako, hindi ako mamamatay sa simpleng pagkirot at paninikip lang ng dibdib.."
" sabi nga namin -_-" -kaye
" nag cutting narin lang tayo, bakit hindi nalang tayo gumawa ng banner para kay kuya alex? Bukas na yung tournament nila ah" -chloe
" at sa susunod na buwan naman ang tournament natin sa volleyball -_-"
Pagod pagod nanaman kami ninto kaka training., pinabayaan ko na rin yung Captain namin na si Bea, baka mawalan kami ng captain kung macocoma lang siya sa balak ko sa kanya dati..
" tsaka na natin isipin yung tournament natin,." -kaye
At dahil meron pa kaming dalawang oras bago mag lunch, kumuha kami ng mga pwedeng gamitin sa paggawa ng banner sa mga locker namin at bumalik sa garden,
Silang dalawa lang ang nagtulungan sa paggawa ng banner, taga abot lang ako ng mga kailangan nilang gamitin,,.silang dalawa lang naman kasi ang nagpapaka fangirl sa mga player na yun -_-
" hindi mo manlang ba susuportahan si kuya alex?" -chloe
" manunuod ako ng laro nila bukas, sapat na sigurong suporta yun -_- hindi ko na kailangang magsisisigaw dun, marami ng gagawa nun panigurado"
Sasakit lang ang lalamunan ko kung makikipag sabayan ako sa mga fangirls nila kuya sa pagsigaw,.
" parang hindi ka nagpaka fangirl kay rave dati nung high school tayo ah! Lagi ka pa ngang may gawang malaking banner para sa kanya" -chloe
" at mahahalata mong todo effort ka talaga sa paggawa nun" -kaye
Inirapan ko nalang sila dahil halata namang inaasar nila ako,.pero totoo naman yun.,tsaka idol ko talaga si rave pagdating sa basketball,aba siya kaya nagturo sakin maglaro nun.,,
Saktong lunch ng matapos sila sa banner na ginagawa nila kaya pumunta na kaming cafe para kumain dala dala yung mga materials na ginamit namin este nila lang pala...
Kaming dalawa ni chloe ang dumeritso sa counter para bumili ng pagkain naming tatlo, si kaye ay dumeritso na sa mesang lagi naming inuukupa dala dala yung bag at gamit na dala namin..
Nakapila kaming dalawa ni chloe ng makita naming pumasok sa loob ang buong team ng basketball, kasama si helle..
Nauunang maglakad si kuya habang nakapamulsa..,ano nanaman kayang trip niya at naka shades nanaman siya ngayon? At seryoso lang siyang naglalakad..
" ganda ng entrance nila ah, naagaw nila yung mga paningin ng mga estudyante"
Mahinang sabi ni chloe na nasa gilid ko,.pareho nalang kaming napailing
Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang mga pagkakakapit ni helle sa braso ng kulugong si Nathan.. -_-
" akala ko talaga may gusto sayo si Nathan kasi kung halikan ka niya at tawaging baby nung nakaraang linggo--------"
" inaasar niya lang ako nun,"
Putol ko sa kung ano pa mang sasabihin ni chloe..iniwas ko na ang tingin ko sa grupo nila kuya at umorder nalang ng makakain namin..
Tahimik kaming kumakain ng biglang may maglapag ng ice cream sa harap ko.,tinignan ko kung sinong naglagay..nawalan ng emosyon ang mga mata ko ng makita ko kung sino -_-
" enjoy your food"
Tumalikod na ang kulugong si nathan, hindi manlang hinintay kung tatanggapin ko ba o hindi yung ice cream na binigay niya -_-
*BLAG*
tinabi ko paalis sa harapan ko yung ice cream kaya lang mukha napalakas ata yung pagtabig ko dahil nahulog at nabasag yung basong kinalalagyan ng ice cream..
Gulat naman akong tinignan ni chloe at kaye,,nagkibit balikat lang ako sa kanilang dalawa..
" hindi ako kumakain ng ice cream"
Sinabi ko yun ng makitang nilingon ako ng kulugong si Nathan..tumayo ako at dere-deritsong lumabas ng cafe kahit na hindi pa ako tapos kumain,bigla akong nawalan ng gana..
*********
YOU ARE READING
The Badass Queen Vs. The Badass King
Teen FictionDate Started : February 21, 2018 Date Finished : - May 6, 2020