L O R R A I N E's POV
Nandito kami ngayon nila kaye at chloe sa garden ng school nakahiga sa damuhan unan unan yung mga bag namin dahil pare pareho kaming puyat kagabi dahil hindi nila ako tinigilan sa pangungulit -_-
Kagabi pa nila ako pinipilit na magkwento pa tungkol samin ni Nathan eh wala na akong makwento dahil hindi naman ganun karami ang nangyari samin bago naging kami ni wala ngang ligawan na nangyari sa pagitan namin eh -_- bigla bigla nalang naging kami -_-
Tulog yung dalawa sa tabi ko.,samantalang ako ito dilat na dilat ang mata kahit na inaantok ako,. Hindi kasi mawala sa isip ko yung mga nangyari, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na may boyfriend na ako at yung pinakakinaiinisang tao ko pa..
At lalong hindi ako makapaniwala na inlove ako! Juskolored! Hindi ko talaga inasahan na mangyayari to..
Sa sobrang dami kong iniisip hindi ko namalayan na nakatulog nalang ako...
.
.
.
.
.
.Naalipungatan ako ng maramdaman kong may paulit ulit na humahalik halik sa labi ko...hindi ko na kailangang dumilat para malaman kung sino ang gumagawa nun..amoy palang niya alam ko ng si Nathan to -_-
" hey baby..wake up, it's already 5 pm"
Napadilat naman ako agad ng marinig na hapon na pala! Wala akong napasukan kahit isa manlang sa mga subjects ko!
" Nasan sila Kaye at chloe?"
Tanong ko ng maalala kong kasama ko nga palang natulog ang dalawang yun -_-
" umuwi na, iniwan ka nila sakin., let's go?"
" saan?"
" let's have dinner"
" dinner? 5 palang ah?"
" syempre pupunta pa tayong mall -_- tara na baka magbago pa isip ko eh"
Waw naman talaga -_-
" matatakot naba ako kapag nagbago ang isip mo?"
Sarcastic na sabi ko sa kanya
" Oo, kasi pag nagbago ang isip ko baka ikaw ang gawin kong dinner ngayong gabi"
Ngumisi pa ang loko -_-
" Canival ka pala? Hindi mo agad sinabi na kumakain ka pala ng tao"
Pang asar na sagot ko sa kanya, akala niya madadala niya ako sa panghaharot niya
" hindi na talaga ako nagulat na pilosopo ang napili kong girlfriend"
Napapailing niyang sagot na ikinatawa ko lang..
.
.
.
.
.
.Nandito kami ngayon sa SM fairview, ito kasi yung pinaka malapit na mall samin kaya dito nalang kami nagpunta..
6 pm palang kaya pumunta muna kaming Tom's World dahil napagtripan niya atang maglaro -_- isip bata amp!
Nagpapalit siya ng halagang 500 pesos na token na hindi ko alam kung magagamit niya ba lahat yun ngayong gabi -_-
Ang siraulo kong boyfriend hinatak ako papunta dun sa pwesto kung saan pwede kang maglaro ng basketball..
" bet game tayo, kapag mas mataas yung score ko kesa sayo kakantahan mo ako dun"
Tinuro niya yung area kung saan ka pwedeng kumanta,.yung may parang stage na maliit..,
" eh pano pag ako ang nanalo?"
Sakay ko sa kalokohan niya -_-
" edi kakantahan kita sa harap nilang lahat"
Pwede rin,.na excite tuloy akong maglaro
" game! Gusto ko dun ka kakanta sa may mini stage"
" kung matatalo ako"
Mayabang na sabi niya sakin...baka nakakalimutan niya na magaling akong maglaro ng basketball..
Alam kong nangako ako sa sarili ko na hindi na ako maglalaro ng basketball hanggat hindi bumabalik si Rave pero gusto kong marinig kumanta si Nathan kaya hindi naman siguro masamang baliin ko muna yung pangako ko ngayon..
Nagsimula na kami sa laro namin,..
After 30 minute...
sinuntok ko siya sa balikat ng manalo nanaman ako
" Mr. De Revamonte the stage is all yours"
" isa pa!"
Reklamo niya ng makitang mas mataas nanaman yung score ko kesa sa kanya
" aba! Naka ilang round na tayo at kahit isang beses hindi ka pa nanalo sakin-_-"
Tinulak tulak ko siya palapit sa stage..dahil bukod sa pinalibutan na kami kanina dun habang naglalaro kami gusto ko ng marinig siyang kumanta...
" gusto ko dalawang kanta yung kakantahin mo"
" wala sa usapan yun"
Reklamo niya habang naka nguso pa.,ang kyuut hahahaha..
" wala rin sa usapan na aabot ng 30 minutes ang laro -_- tsaka mahiya ka nga sakin ilang beses ka kayang natalo"
Hindi ko na siya hinintay makasagot agad ko siyang tinulak paakyat ng mini stage..agad naman siyang pumili ng kantang kakantahin niya...
Napailing nalang ako ng kumindat pa ang loko habang kinukuha yung mike,..at dahil gwapo si Nathan ayun! Ang daming babae na nanunuod sa kanya -_-
Hindi pa nga nagsisimulang kumanta ang loko nagsimula ng kiligin yung mga nanunuod -_- dinaig pa nila ako na girlfriend ni Nathan...
***********
YOU ARE READING
The Badass Queen Vs. The Badass King
Teen FictionDate Started : February 21, 2018 Date Finished : - May 6, 2020