A L E X POV
isang buwan na ang lumipas pero wala paring nagbabago..hindi parin nagigising si raine mula ng mangyari ang trahedya na yun...
Naubos na namin lahat ng miyembro ng organisasyong gumawa ninto sa kapatid ko pero hindi namin magawang mag diwang...
Salitan kami sa pagbabantay sa kanya dito sa ospital..kami nila kaye,chloe at ethan ang bantay niya ngayon...pina uwi muna namin si Nathan at Rave dahil hindi na sila natutulog kakabantay sa kapatid ko..
" ilang araw nalang pasko na pero hindi parin gumigising si raine.." -chloe
" namimiss ko na siya.." -kaye
Kailan kaya titigil ang dalawang to kakaiyak?..grabe na yung pamumugto ng mga mata nila -_- simula ng ideclare ng doctor na nasa state ng coma anh kapatid ko wala na atang araw na hindi umiyak ang dalawang ito..
Isang buwan na kaming hindi pumapasok sa skwelahan dahil sa pagbabantay kay raine, si mama at papa naman bumalik na ng ibang bansa kahit na ayaw nilang iwan si raine sa ganitong kalagayan pero wala silang magawa dahil hindi nila pwedeng pabayaan ang mga head quarters namin sa ibang bansa...
Bandang hapon ng bumalik si Nathan dito sa ospital..
" Natulog ka ba talaga?"
Tanong ko sa kanya habang tinitignan ang mala panda na niyang mata -_-
" sa tingin mo makakatulog ako sa guilt na nararamdaman ko?!" -Nathan
" ilang beses ba namin dapat sabihin sayo na hindi mo kasalanan ang nangyari sa kanya?"
Hanggang ngayon sinisisi parin pala niya ang sarili niya..
" hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko alex! Ako ang dahilan kung bakit nandiyan si raine sa kamang yan at naka coma!" -Nathan
Hinila ko palabas ng kwarto ni raine si nathan dahil nandun si kaye at chloe na nakakarinig sa mga pinag uusapan namin
" ikaw nga ang dahilan pero hindi naman ikaw ang bumaril sa kanya! Hindi mo kasalanan na sinalo ni raine ang balang para sayo..naiintindihan mo ba?"
" alam kong hindi ka sasang-ayon sa gagawin ko pero ito lang ang naiisip kong paraan" -Nathan
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya..
" sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?! Hindi ko gusto yang binabalak mo Nathan"
" wala akong pakialam kung gustuhin mo o hindi ang naiisip ko alex! Panandalian lang naman tong plano ko.." -Nathan
" trust me.. to make your plan work you need to sacrifice your own hapiness"
Malungkot na sabi ko sa kanya, nagawa ko na dati ang planong naiisip niya at sigurado akong hindi madali ang gusto niyang mangyari...
" i don't fvcking care..." -Nathan
Despiradong tinalikuran ako ni nathan..napabuntong hininga nalang ako sa mga gusto niyang mangyari...
" can i join with your plan?" -Rave
Nilingon ko si Rave na mukhang kanina pa ata nakikinig sa usapan namin ni Nathan
" alam mo bang masama ang nakikinig sa usapan ng iba? -_-"
" tss..kakailanganin niyo rin naman ako sa planong naiisip ni Nathan," -Rave
" ano pa nga ba -_-"
Sumusukong sabi ko -_-
Sana lang hindi namin pare-parehong pagsisihan ang desisyon na ito pagdating ng panahon..
*********
YOU ARE READING
The Badass Queen Vs. The Badass King
Teen FictionDate Started : February 21, 2018 Date Finished : - May 6, 2020