Chapter 69

1K 28 1
                                    

L O R R A I N E's    POV



Sinundan agad ako ng mga loko pababa..hinawakan ako ni Ethan sa braso dahilan para mapahinto ako sa paglalakad..



" teka lang raine,,pakinggan muna natin ang paliwanag ni nathan bago tayo mag conclude ng kahit ano" -Ethan



Inalis ko ang pagkakahawak ni Ethan sa braso ko..



" Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko? Aalis ng condo unit ni Nathan at hahayaang mapunta si nathan sa desperadang babae na yun?"



" ha?" -Ethan




" Alam niyo na ayaw na ayaw kong tinatarantado ako ng patalikod at yun ang ginawa sakin ni helle..mukhang hindi niya ata naintindihan ang babalang sinabi ko sa kanya, at dahil sa ginawa niya ngayon.., ipapakita ko sa kanya kung gaano kademonyo ang babaeng kinalaban niya..masyado na niyang nasagad ang pasensya ko"



" anong binabalak mo?" -Ethan



" Sa akin nalang yun, kumain na kayo.,nagluto ako ng sopas.."



Lumabas muna ako ng unit ni Nathan para matawagan si JL..



" isend mo sa email ko ang CCTV footage simula kahapon ng gabi... gusto kong makita ang pangyayari simula sa labas ng unit hanggang sa Kwarto ni Nathan..pakibilisan"



Pagkapatay ko ng tawag, pumasok na ulit ako sa loob..nasa sala ang mga loko habang may bitbit na kanya kanyang mangkok na may lamang sopas na niluto ko -_-



Pinanuod ko sa phone ko ang footage na sinend ni JL,.nakinuod narin ang mga loko at ng matapos namin ang footage kanya kanyang silang reaksyon..



" nagawa talaga ni helle yun?" -Josh



" nababaliw na ata si helle -_-" -Kyle



Napanuod lang naman namin ang kadesperadahan na ginawa ni helle...si justin ang nagbukas ng pinto ng unit ni nathan, at dahil lasing na ata ang loko ng mga oras na yun wala na siyang nagawa ng  pumasok si helle at umakyat sa kwarto ni Nathan na natutulog na ng mga oras na yun...at ang bruha walang alinlangan na naghubad ng damit bago nilapitan si nathan na natutulog na at walang pagdadalawang isip na hinubaran din at basta basta nalang itinapon kung saan saan ang damit ni Nathan..



Pagtapos niyang mahubaran si nathan humiga na siya sa tabi nito at yumakap...tangina nag iinit ang ulo ko sa napanuod ko..




Tumayo ako at pumuntang kusina,iniwan ko muna sila dun sa sala.. para kumuha ng sopas, aakyat na sana ako ng magsalita nanaman si josh -_-



" ibubuhos mo ba kay helle yang sopas na dala mo?" -Josh



" gusto mo bang ibuhos ko sa kanya to?"




" ayuko..babae parin naman si helle" -Josh



" wag kang mag-alala, para kay Nathan ang sopas na to, pero kapag na demonyo bigla ang utak ko baka nga mabuhos ko sa kanya ang mainit na sopas na to.."



Tinalikuran ko na sila at umakyat na sa kwarto ni Nathan..inilapag ko muna ang sopas na dala ko sa bedside table..bago ako kumuha ng libro na pwede kong basahin habang hinihintay ko silang dalawa na magising...



Prente akong nakaupo sa sofa na nandito sa kwarto ni Nathan habang tahimik na nagbabasa ng magising na si helle..



" Masarap ba matulog sa tabi ng boyfriend ko?"



Ngumiti naman siya sakin bago dahan dahang umupo habang binabalot ng kumot ang hubad niyang katawan..



" Anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba nakikita? Hindi ka talaga mahal ni Nathan dahil kung mahal ka niya wala sanang nangyari sa amin kagabi"



" may nangyari ba talaga?"



Pang asar na tanong ko sa kanya,.sasagot na sana siya ng biglang magising naman si Nathan..hawak hawak pa ng loko ang ulo niya,pero agad napaupo ng makita si helle sa tabi niya...




" BAKIT ANDITO KA?" -Nathan



Hindi ata ako nakita ng loko -_- ..



" Nathan...may nangyari sa atin kagabi, walaka bang maalala?" -helle




" tangina! Wala akong maalala!" -Nathan



Gusto kong matawa dahil sa frustration na nakikita ko sa mukha ni Nathan..



" anong maaalala mo eh wala naman talagang nangyari sa inyo kagabi -_-"



" RAINE?!" -Nathan


Gulat na gulat ang gagu ng makita ako na nakaupo sa sofa -_-


" ako nga, bakit parang gulat na gulat ka?"



" sh!t..magpapaliwanag ako,h------" -Nathan




" wala akong pakialam sa paliwanag mo dahil hindi ko kailangan ng paliwanag mo ngayon.."



" pero raine-------" -Nathan



" magbihis na kayong dalawa, pagkatapos bumaba kayo..sa baba natin pag usapan ang nangyari sa inyo.."


Lumabas na ako ng kwarto ni Nathan at bumababa, naabutan ko pa ang mga loko na parang tangang kinakabahan..


" gising na yung dalawa, hintayin nalang natin na makababa,.ipapakita ko sa inyo kung paano ako magalit kapag tinatarantado ako ng patalikod para naman kung magbabalak kayong tarantaduhin ako e magdadalawang isip muna kayo.."


****************















The Badass Queen Vs. The Badass KingWhere stories live. Discover now