L O R R A I N E'S POV
Naka nga-nga kaming tatlo nila chloe dahil sa larong napapanuod namin...
" hindi na ata laro yan" komento ni chloe na hindi na ata naalis ang tingin sa mga naglalaro sa baba
" nakakatakot talaga pag nagagalit si kuya alex" sinabi mo pa -_- matagal makalimot ng atraso si kuya
" binabalya niya ng binabalya si Justin, " komento ulit ni chloe na halatang nag aalala para sa t@rantadow niyang ex -_-
" buti nga binabalya lang ni kuya eh, kung ako yan di na makakatayo yan" kung si kuya matagal makalimot ng atraso..ako hinding hindi makakalimot hanggat hindi ako nakakaganti lalo na kapag pamilya ko ang inaagrabiyado,,
" hindi paba sapat yung mga ginawa niyo sa kanya?" Tinignan ko ng masama si chloe..jusko naman nagiging tanga ba talaga kapag nagmamahal?
" iniyakan mo siya diba? Kaya dapat iyakan karin niya, kung gano karami ang iniyak mo dapat triple yung ibabayad niyang luha,..pag nagawa niya yun kakalimutan ko na atraso niya sayo"
Walang emosyon ko yung sinabi kay chloe para sumiksik sa utak niya seryoso ako sa sinasabi ko..
" tama nayan, nakakatakot kang tignan raine pag ganyan kaseryoso yang mukha mo.. bumaba tayo dun at awatin mo si kuya alex dahil baka mabalian na talaga yang Justin nayan" sabi ni kaye habang hinahatak kami ni chloe patayo
Nagpatianod nalang ako kay kaye pababa, dahil mukhang nagkaka initan na talaga sa court.
" kuya! Tama na yan!" Sigaw ni chloe ng matumba nanaman si Justin dahil tinulak ni kuya
" NANANADYA KANA E!" tinulak ni Justin si kuya sa balikat
" SINASADYA KO TALAGA G@GO!!" hinawakan naman ni kuya yung damit ni Justin
Nagkakagulo na, kanya kanyang hawak na yung mga teammate nila,
Lumapit na ako bago pa magkasuntukan,
" tama na yan kuya," hinatak ko yung ibaba ng jersey shirt niya
"Teka lang...Babasagin ko lang mukha ninto" jusko naman! Parang gusto ko tuloy i-cheer si kuya habang binabasag yung mukha ni Justin the G@go 😂 kaso pag tingin ko kay chloe langhiya paiyak nanaman si gaga -_-
" tama na kuya... sa susunod mo nalang basagin mukha niyan, yung hindi makikita ni chloe" bulong ko sa likod niya dahil baka marinig ni Justin at baka lumaki pa ang ulo eh kasalanan ko pa -_-
" ang galing mo naman umawat -_-" napa igtad ako bigla dahil sa pesteng bumulong sa tenga ko...nilingon ko ang walanghiya at kita mo nga naman peste pala talaga yung bumulong sakin
" thank you" narinig niya pa yun? Hina hina labg ng bulong ko...may lahing tsismoso ata to
Hindi parin bumibitaw sa isa't isa si kuya at justin..ito namang mga ugok na to naturingang mga lalaki hindi mapaghiwalay yung dalawa -_- tss...
Pumunta ako sa gitna ni kuya at justin tsaka tinabig ng malakas yung kamay nilang dalawa...edi ayan nabitawan rin nila ang isa't isa...
Agad kong hinila si kuya paalis dun, habang yung dalawa kinuha yung mga gamit namin pati yung kay kuya...
" Chloe, bakit hindi mo sabihin sa kanila yung totoo? na nagmakaawa kalang maging girlfriend ko kaya naging tayo"
Napapikit nalang ako sa inis!! Shanggala naman bakit nagsalita pa tong pesteng justin nato?!!
Napahinto ako sa paghatak kay kuya ng bigla niyang tanggalin sa pagkakahawak ko yung kamay niya...
" anong sinabi mo?" Nasabi ko na ba na nakakatakot si kuya pag galit??? Pero mas nakakatakot siya pag alam mong galit siya pero ganyan kahinahon yung mukha niya???
" isang buwan ko siyang magiging girlfriend..,ayun ang usapan namin,buti nga umabot pa ng 3 buwan "
Sa sitwasyon namin ngayon..isa lang talaga masasabi ko....
Patay na talaga >_<
**************
To be continued
YOU ARE READING
The Badass Queen Vs. The Badass King
أدب المراهقينDate Started : February 21, 2018 Date Finished : - May 6, 2020