Will you marry me?

12 1 0
                                    

Naglalakad ako papunta sa inyo ng makita kita sa daan na may kausap na lalaki. Mali-- Hindi lang kayo naguusap. Naghaharutan pa.

Pigil ang galit na nagpatuloy akong naglakad. Sa sobrang sweet ninyo hindi niyo man lang naramdaman na dumaan ako sa gilid niyo.

Pagdating sa bahay mo ay hinanda ko na ang niluto kong pagkain na dahilan ng pagkapaso paso ng mga daliri ko.

Sinabit ko sa dingding ang isang banner na pinagpuyatan ko pa kagabi para lalong mapaganda.

At nilabas ko sa aking bulsa ang isang kahon na naglalaman ng isang bagay na pinagipunan ko pa para lang maibili sayo.

Tumingin ako sa relo ko na mumurahin at binili ko lamang sa bangketa. Limang minuto na lang ay parating ka na.

Bumukas ang pinto at doon lumabas ang babaeng matagal ko ng pinapangarap- Matagal na akong niloloko.

Lumapit ka sa akin at ngumiti.

"Happy Anniversary Babe" sabi ko at nilabas ang isang matalim na bagay sa likod ko saka kita sinaksak sa dibdib ng madiin.

Gulat na tumingin ka sakin habang umaagos ang dugo sa dibdib mo.

"B-babe.."

"I love you Babe. Will you marry me?" sabi ko at nilabas ang isang kahon at pinakita sayo. Pero bago ka pa makasagot ay bumagsak ka na sa harapan ko.

My Works Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon