The Sweet Kapepè

9 2 4
                                    

Hindi ko mapigilang mapangiti nang mabasa ko yung note na 'yon. Nakakagaan ng loob lalo na kapag paulit ulit kong binabasa. Napakacomforting, nakakawala ng stress at higit sa lahat parang natanggal yung bigat na nararamdaman ko simula nung napagalitan ako ni papa.

Kesyo nagtatrabaho raw ito sa ibang bansa para lang makapag-aral ako sa magandang eskwelahan pero heto ako, hindi raw nag-aaral ng maayos.

Kung nag-aral naman daw ako ng mabuti, makakapasa naman daw ako. E, ano ba naman kasing magagawa ng bobong tulad ko? Magrereview ng magrereview mula umaga hanggang madaling araw, tapos 'pag kagising nakalimutan na agad yung pinag-aralan.

Sila kaya ang maging bobo? Para malaman nila yung nararamdaman ko kapag sinisisi nila ako na hindi ako nag-aaral ng mabuti.

Tapos nandyan na naman yung mga kaibigan kong sasabihan ako ng "wala namang ginawa ang Diyos na taong bobo, beshy."

So? Sino pala gung gumawa sa akin?!

Simula nung usapan namin na 'yon, doon ko lang napatunayan na hindi lang pala ako yung bobo sa mundo. Kasi kung matalino sila, papakopyahin nila ako. Diba?

Pero seryoso. Masipag naman talaga ako mag-aral. Ang totoo niyan, nagpapaturo pa ako kung kani-kanino at kung weekends nag-seself study ako. Kaya lang naman mataas yung grades ko ay dahil sa mga projects. Masyado ko kasing ginagalingan kapag may project kami dahil alam kong 'yon lang yung pambawi ko sa mga latak kong exams.

Dream university ko ang UP. Unfortunately, bumagsak ako sa admission test. Hindi ko na tuloy makakasama yung mga kaibigan kong nakapasa sa exam. Okay lang naman sa akin 'yon, e. But the thing is, halos isumpa na ako ng mga magulang ko nung nalaman nilang bumagsak ako sa admission test na 'yon.

Hindi ba dapat yung mga magulang natin yung magpapalakas ng loob natin? Pero bakit parang mas lalo yata akong nadodown?

Lately, hinahanap ko yung mga motivating words nila pero halos hindi na nila ako binibigyang pansin. Si papa noon, 5 times a week kung tumawag sa amin para lang kumustahin kami ni mama. Ngayon, isang beses na lang at kung minsan nga hindi pa nakakatawag.

Kaya ang laki laki na pasasalamat ko sa simpleng note na 'to. Ito yung matagal ko ng hinahanap. Yung makakapagpagaan ng loob ko. Yung makakatulong sa akin para hindi madown.

Binuksan ko yung paperbag at kinuha na yung inorder kong 4 slices na blueberry cheesecake kasama yung isang Choco Mousse Frappe na grande. May libre itong Kapepé in can na best seller nila dahil pasok sa promo nila yung P699.00 worth na binili ko. Tiba tiba na 'to!

Inilagay ko sa platito yung isang slice ng BB cheesecake para kay mama. Kahit naman gaano ako kainis sa kaniya, nanay ko pa rin siya at wala akong karapatang magalit sa kaniya. Kung minsan, tinitiis ko na lang. Hindi ko rin namang maiwasan sumagot sa kaniya kapag sumosobra na siya.

"Ugh. A-Ang saraaap." Ito na lamang ang nasambit ko sa kinakain ko ngayon.

Sakto lang ang tamis ng gawa ng Kapepè kaya naman hindi ako mabilis nagsawa.

Ganoon din ang frappe nila na humahagod talaga sa lalamunan ang pinagsamang lamig at tamis kapag nilulunok.

Isa lang ang masasabi ko...

Ang sarap ng Kapepè!

Sending yellow hearts, Mr. KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon