Ibinalik ko yung kapirasong papel sa bag ko at nagpatuloy na lang sa pagkain. Tingin ng tingin si mama sa akin at tila nagtataka sa mala-aso kong ngiti.
"Ma..."
"Yes, anak?"
"Thank you." Tipid na sagot ko rito.
"For what?"
"U-Uhm... Nevermind. L-Let's just eat..."
Ang totoo niyan, gusto kong magpasalamat sa kaniya sa pinapakita niya ngayon. Two weeks din akong nakaramdam ng coldness kay mama at namiss ko talagang makipagkulitan sa kaniya.
Close na close kami ni mama at kami yung tipo ng mag-ina na magbestfriends din. Nakakalungkot lang na naging cold siya sa akin dahil sa taas na rin siguro ng expectations niya sa akin na makakapasa ako sa admission test ng dream school ko. Namiss ko talaga siya pero hindi ko magawang magdrama sa kaniya ngayon. I don't want to ruin the ambiance.
"You know what, pupunta yung kumare ko sa bahay mamaya. Baka kausapin ka about studies mo so don't worry if you want to mention na nagtake ka ng UPCAT. Hahanap naman ako ng University na pwedeng tumanggap sa'yo. And besides, baka tulungan ka rin niya since administrator siya ng WAFU." Tinutukoy ni mama yung WAF University sa Manila.
"O-Okay. Ano pong sabi ni papa? Bakit daw pala hindi na siya nakakatawag?" Tanong ko rito habang patuloy na ngumunguya.
"Hindi ko rin alam anak, e. But one thing is for sure. He works for us because he loves us." Napangiti naman ako sa sinabi ni mama. Yung ngiti niya ngayon, parang inlove na inlove pa rin kay papa.
"You're so cute when you're blushing, ma. Feeling teenager?" Asar ko kay mama kaya inikot ikot niya yung mata niya gsya ng madalas kong ginagawa.
Nakaramdam ako ng something sa puson ko kaya nag-cr ako. Feeling ko naiihi ako or what. I checked my underware but I found not a single speck on it so nagretouch na lang ako.
Pagkalabas ko ng cr, nakita ko si mama na sinesenyasan si Mang Mark sa labas na pumasok para saluhan kami kumain pero tumanggi ito. Kanina pa namin ito kinukulit pero ayaw niya talaga.
Ang ikinagulat ko, ng pabalik na si mama sa table namin, may humablot ng bag ko at tumakbo palabas ng cafè kaya wala akong magawa kundi sumigaw habang tumatakbo sa direksyon ng magnanakaw.
"Magnanakaaaaaw! Tulong! Habulin niyo!!!"
Nakakailang liko na kami ng kalye at hindi ko na maalala pabalik kaya tinigil ko na ang pagtakbo. Halos maubusan na akong lakas kaya inisip ko na lang na hayaan na ito kahit nandoon lahat ng mahahalagang gamit ko. Naabutan ako nila mama na naglalakad lakad sa gitna ng kalye.
May ilang tumulong sa akin sa paghuli ng magnanakaw na yun pero ang babagal naman tumakbo. Parang gusto ko tuloy sisihin si mama dahil iniwan yung mga gamit sa table. May ilang part din na gusto ko sisihin si Mang Mark dahil nagpakipot pa sa amin kaya umalis si mama ng table para yayain siya. Nakakagigil!
Sumakay na ako ng sasakyan at kinalabog ang pinto nito dahil sa badtrip. Nakatingin lang kami ni mama sa labas ng bintana at hindi na rin nila magawang magsalita dahil kung tutuusin, alam nilang may kasalanan din sila sa nangyari.
"Mark sandali! Itigil mo yung kotse!" Sigaw ni mama kaya sinunod agad ito ni Mang Mark.
Lumabas ito ng kotse at hinila ako palabas. Nagulat kami pareho sa nakita.
Yung bag ko!
Thanks God dahil wala naman nawala sa mga gamit ko! Yung phone and yung wallet kumpleto pa rin yung laman na kahit piso hindi man lang nabawasan!
"Ang shunga naman ng magnanakaw! Bakit niya naiwan 'to dito sa daan?" Sabi ko.
"Alam mo wag ka na magtanong tanong dyan. Kung ako sa'yo magpasalamat ka na lang at nakita pa natin 'yang bag mo. Bonus na lang na kumpleto pa 'yan ano." saad ni mama at inalalayan pa akong sumakay na sa kotse.
Magdamag akong nag-iisip ng mga nangyari habang nasa byahe samantalang si mama naman ay nakikipagkwentuhan kay Mang Mark na parehong natungga ng Kapepè in can.
"Hinding hindi na ako babalik sa cafè na 'yon ever again. I swear!" I mumbled.
BINABASA MO ANG
Sending yellow hearts, Mr. K
HumorBeing a food-is-life-kind of woman, Camille decided to order food as she was so stressed about her failure in the University of the Philippines College Admission Test, commonly known as UPCAT which is part of the admission requirements of the Univer...