Mang Inasahan

18 3 4
                                    

Halos maihagis ko yung selpon ko dahil sa gigil! Paano ba naman, parang nananadya yung tadhana na mamatay ako sa gutom.

Isang numero na lang ng isang sikat na fast food ang kabisado ko kaya taimtim akong nanalangin na sana, SANA mapunan na ng Mang Inasahan yung hinihingi ng sikmura ko.

After kong magdasal, tinype ko yung number sa phone ko... And clicked the green button for a call.

#71111
Calling...

Please... Lord. Ang sakit na po ng tiyan ko. Sumisigaw na po yung mga bulate sa sikmura ko ng "Pecho!" at "Extra Rice, Kamil!" pero wala akong magawa. Awang awa na ako sa kani--

"Good day! This is Jayce of Mang Inasahan, what would you like to order?" Grabe energy ni Kuya sa pagsagot ng tawag ko kaya lumakas yung loob ko na ito na nga yata yung matagal tagal ko ng inaasam...

"I would like to get 2pcs of pecho and four extra rice. And... Uh. Halo halo please." Binabanggit ko pa lang yun pecho, pero parang nabubuhayan na yung loob kong kumain.

"Would you like everything on your halo halo, ma'am?" Tanong nito.

"I would like everything on it, thank you." sagot ko. Medyo tinatamad na ako magsalita dahil pagod na pagod na ako pero ang dami pa ring tanong nitong kausap ko.

"Do you want any--"

"Ayoko na! Please? Pagod na pagod na ako sa kasasagot ng tanong mo! Bukod sa pagod, gutom na rin ako kaya please. Parang awa mo na, kung ayaw mong makulam, gawin mo na yung order ko." Pagmamakaawa ko rito.

"Uhm... M-Ma'am. L-Last question... C-Can I get you anything to drink?" Bakas ang kaba sa boses niya kaya di ko mapigilang matawa.

"Sure, medium-sized Iced tea please." Kinalmahan ko ang pagkakasagot ko rito dahil mukhang nagulat siya sa reaksyon ko kanina.

"Is that everything, ma'am?"

"Akala ko ba last question na 'yon?! Anyway, that'll be all. Thanks."

"Y-You're welcome, ma'am. All in all, P1,859.00"

"Thank y-- WAIT. WHAAAT?! UMABOT NG DALAWANG LIBO?!" Jusmiyo, marimar. "SAAN BA GAWA YANG BIGAS NIYO?!" Napasigaw ako ng bongga. Besh, Dalawang pecho tsaka apat na kanin inabot ng halos dalawang libo? Hindi ko kinaya si Mang Inasahan.

Umasa ako na siya na pala yung magpupunan sa mga pagkukulang ko.

Umasa ako na ito na yung the right one para sa akin.

Umasa ako, besh.

'Di hamak na mas mahal yung oorderin ko kaysa nitso na bibilhin ko kapag namatay ako sa gutom.

Ang ending, itinigil ko na yung pagtawag.

Siguro nga, magtitiis na lang ako ng gutom. Kung marunong lang talaga ako magluto, kakabugin ko na yang Mang Inasahan na 'yan, e! Bahala na kung may maamoy yung mga kapit bahay na masangsang sa bahay namin kapag nabulok yung bangkay ko rito. Ang importante, mamumulto ko na rin yung mga crew sa mga fast food chains na tinawagan ko.

Sending yellow hearts, Mr. KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon