Busog na busog na ako pero hindi ko pwedeng palampasin yung best seller ng Kapepè, ang KIC o Kapepè in can. Nasa lata ito at maaring inumin ng malamig o mainit. Since malamig naman ito, sinubukan ko na itong inumin agad parang bongga na!
"A-Ang minty..."
"Ay shocks bakit ang pait!!!!"
Nakakaloka yung lasa! May pagkaminty flavor ito at mas malala, may after taste na something na mapait! Basta ganoin.
Paano naging best seller yung ganoong klaseng lasa?
Imaginin mo kayang kumain ng vfresh na bubblegum habang kumakain ng ampalaya. Ganoon na ganoon yung lasa!
Kung sabagay hindi naman lahat ng gusto ko, gusto rin ako.
Maaaring gusto ng lahat yung Kapepè na nasa lata, pero ako, hindi ko talaga kaya. Mas gugustuhin ko pang uminom ng matcha na frappe kaysa ubusin yung Kapepè in can na 'yan.
Kung anong ikinasarap ng frappè at cheesecakes nila, ayun naman ang ikinasama ng lasa ng best seller nila! Pwe!
BINABASA MO ANG
Sending yellow hearts, Mr. K
HumorBeing a food-is-life-kind of woman, Camille decided to order food as she was so stressed about her failure in the University of the Philippines College Admission Test, commonly known as UPCAT which is part of the admission requirements of the Univer...