I want your Kapepè

9 2 0
                                    

Hindi pa naman ako nakakapunta sa main branch ng Kapepè kaya kinakabahan ako kasi baka magkandaligaw ligaw kami ni mama. Hindi naman pwedeng umorder kami ng Kapepè in can ng isa through delivery kasi nakakahiya. Kung tutuusin nga, nakuha ko lang 'yon dahil sa promo kemerut.

Nakarating kami ng Marikina. Gusto ko rin namang bumawi kay mama para hindi na siya magalit sa akin kaya plano ko talagang itreat siya sa main branch ng Kapepè. Ipinark na ni Mang Mark yung kotse at isinama na namin siya sa loob ng cafè.

Napakalaki ng main branch nila dahil may second floor. Halos lahat gawa sa wood: mapawalls, door, table and chairs. Nakalagay sa labas yung malaking logo ng Kapepè. They also have a mini library sa gilid na may mga internbooks na napakakapal. I wonder what does the second floor looks like?

Medyo marami ng tao nung pumasok kami ni mama and 'til now, I'm so surprised sa bumungad sa amin. All out ang ginawang ngiti nito habang inaassist yung mga customer. Nakayellow polo shirt siya na may nameplate pa sa gilid ng dibdib.

Kenneth De Castro
MANAGER

Alam kong mapurol yung utak ko pero this time, wala ng ibang ginawa yung utak ko kundi mag-isip.

K-Kenneth yung name niya? S-Siya ba yung nagsulat nung n-note?

Naaalala ko kasi sa note yung "sending yellow hearts, Mr. K" kaya napapaisip ako kung siya nga ba yung nakapagpagaan ng loob ko. Gusto ko sanang magpasalamat sa kaniya.

"Anak? Ilang Kapepè in can yung gusto mo?" Tanong ni mama.

"Ah-- Ayoko. Choco Mousse Frappe lang sa akin, ma. And btw, treat ko 'to so ako yung magba--"

"No way! Anak kita kaya ako yung magbabayad. Nakakahiya naman dito kay Mr. Pogi kung ikaw yung pababayarin ko 'no." Tutol ni mama.

Napangiwi tuloy yung manager! Ang lawak ng ngiti niya sa amin kaya naiilang ako. Pero sh*t, pamatay yung ngiti! Ang puti ng ngipin tapos pantay pantay pa!

Bakit pa kasi pumalit 'tong Kenneth na 'to sa cashier kanina? Hindi ko tuloy maorder yung  gusto kong iorder. Baka sabihin niya ang takaw takaw ko kapag umorder ako ng tatlong cheesecake.

Balak ko pa nga sana itry yung Tiramisu at yung Custard Tart nila kaso 'wag na. Leche! Syempre magpapaturn on ako. Hehe!

"Uhm... I want your Kapepè in can." Sabi ni mama.

"I want yours too..." saad ni Kenneth.

"ANO?" Napasigaw kami ni mama sa sinabi nito kaya't napatingin halos lahat ng tao sa amin.

"Joke! Hahahaha! Ilan po ba ma'am? Yung largest can po namin is 320 mL while yung smallest po 110mL." Nakangiti pa rin ito habang nakikipag usap kay mama. Yung nakakailang? Sa akin siya nakatingin.

"6 large cans. Isang Choco Mousse Frappe and--" tumingin sa akin si mama, "you want tiramisu, anak?"

"Y-yup." Nahihiya kong sagot.

"And tatlong order ng tiramisu."

"Ma?! Hindi ko mauubos yung tatlo!" Napasigaw ako pero good thing napigilan ko naman ito kahit papaano.

"Really?! Diba ikaw lang naman yung nakaubos ng isang malaking box ng tiramisu sa bahay nung nakazxcsdfzlm--" Tinakpan ko yung bibig nito bago niya pa sabihin lahat ng nakakaturn off na tungkol sa akin sa harap nitong poging manager ng Kapepè.

"Is that all ma'am?"

"Y-Yes hehe" Ako na ang sumagot rito na may pilit na ngiti.

Bumalik na ito sa likod ng counter at saka ko kinausap si mama.

"You're so rude, mama! How come you keep on shouting bad things about me in front of that cute guuuy?!" Nakasimangot na ako habang nagdadabog kunwari.

"Really? Do you think that's a bad thing? But oh, wait-- So you like that guy pala, huh. I'll tell your dad that you have manliligaw already so he won't freak out kapag nalaman niyang may boyfriend ka na. Is that a good idea?"

"Definitely, NOT! That's not a good idea, ma. Baka lalo lang akong hindi padalahan ni papa ng allowance kapag sinabi mo 'yan." Napanguso pa ako at inikot ikot ang mata na parang bata.

"Wow kung makareact! So you're really thinking I'll tell such thing to your dad? C'mon, girl. Ofcourse I won't. Basta wag na wag kang maglilihim sa akin." Sabi nito habang humahanap ng pwesto para sa amin.

"Ano namang itatago ko sa'yo?"

"You know what I mean, Camille."

Nakaupo na kami ni mama sa bandang gilid habang hawak yung inorder niyang Kapepè in can. Nakalagay ito sa maliit na box kaya't presentable ito tignan samantalang kasalukuyan namang hinahatid nung manager yung the rest na inorder namin.

Nakakahiya dahil manager pa mismo yung magdadala ng food sa table namin. Anong silbi ng ibang crew members?

"T-Thanks." saad ko matapos niyang masettle lahat ng order namin.

Ngumiti ito, "No problem." At saka umalis na matapos may ilaglag na papel sa bag kong nakabukas lang.

Tinignan ko yung kapirasong papel na hinulog niya sa bag ko at napangiti sa nabasa.

Kenneth De Castro
09*********

Wait, teka-- Dumadamoves ba siya?!

Sending yellow hearts, Mr. KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon