Chapter 3

4 2 0
                                    

Isang buwan na siguro ng pumunta ako sa Apollo Group of Companies at hanggang ngayon ay wala pa din akong trabaho.

Lahat naman ng may hiring ay pinupuntahan ko. Lahat naman ay nagsisimula sa pinakamababa. Kahit anong trabaho na ang dumating ay kuhain ko na.

"Wala ka bang raket diyan?" Sabi ko kay Junnie. Si bakla.

"Meron kaso kaya mo kaya iyon?" Aniya at nginitian ako ng nakakaloko.

"Ano ibebenta mo na ba ko?" Sabi ko kaya natawa siya ng malakas.

"Gaga! Waitress sa bar na pinagtatrabahuhan ko. Wag ka mag-alala. Di yon basta bar kaya safe dun. high end yun, bakla no!" Aniya. Alam ko kung saan siya nagtatrabaho. Isang bar sa makati.

"Magkano naman ang bayad?" Sabi ko habang iniisip na kung magkano ang magagastos ko sa pamasahe dahil medyo malayo sa amin. Baka malugi lang din ako sa pamasahe ay huwag nalang.

"700 yon kada gabi. Malay mo may tip ka pang makuha. Ang tip mo ay sayo lang, hindi centralized." Aniya. Nabuhayan ako sa sinabi niya. Kahit mamasahe ako ng 200 kada gabi ay ayos lang. dahil may maiiuwi pa akong limang daan.

"Kailan ako pwede mag-start?" tanong ko dahil gusto ko na agad pumasok.

"Mamaya! Sabay ka na sakin. May uniform doon, kaya wag ka na mag-abala ng damit mo." Sabi ni bakla. Ala-sais ng gabi ang alis namin. Darating daw kami doon ng mga ala-siete ng gabi at doon palang daw mag-sisimulang dumating ang mga tao.

Nakapag-paalam na din ako kila nanay. Tiwala naman sila dahil nandoon din si Junnie. Bartender siya doon. Matagal na din siyang nagtatrabaho doon. At hindi din alam sa trabaho niya na bakla siya.

"Bakla, paalala ko lang ha! Hindi nila pwedeng malaman na bakla ako doon sa aking work! Alam mo naman." Paalala niya sa akin habang nakataas ang kilay.

Natawa na lamang ako, at napailing. Inirapan naman niya ako at natawa kaming pareho.

Nang makarating kami ay sa back door kami dumaan. May nakita kaming guard sa likod bago ka makarating sa pinto.

"Uy, Junnie. Sino yan?"Ani ng guard na matipuno at may itsura.

"Ah kaibigan ko,pre. Ipapasok ko, waitress."Ani Junnie at humawak sa matitigas na balikat nung guard. Pinisil niya ito ng bahagya. Muntik na akong humagalpak ng tawa.

Inubo ko nalang ang dapat ay tawa na lalabas at parang nagising sa katotohanan si Junnie. Inalis niya ang kanyang kamay sa balikat noong matipunong guard at agad na kaming pumasok sa loob.

May pinto siyang pinasukan at agad naman akong sumunod doon. Nakita ko doon ang isang matandang bakla na sa tingin ko ay mga nasa early 40s na.

"Mother Pene, ipapasok ko sana tong friend ko. Waitress. Okay lang ba?"Ani Junnie. Nagulat ako dahil bigla siyang naging boses bakla, like the usual Junnie na kausap ko. Pero iba siya kanina sa harap nung guard.

"Sige, walang problema. Anong pangalan mo, Hija?" Ani naman ni Mother Pene kung tawagin ni Junnie.

"Robin Margot po." Sabi ko at hiyang hiya akong makatingin sa kanya. He's not the type of gay na cross dresser. He's like Junnie. They're gays by the heart not by the looks.

"Tsaka, girl! Alam ni Mother Pene na jokla akes. Alam ko nagulat ka eh."Ani Junnie at nasagot naman lahat ng tanong na kanina ko pa pinagtataka.

Napabuntong hininga ako at napatawa silang dalawa.

"Magbihis na kayo! Hija call me Mother Pene, okay?"Ani Mother Pene. Tumango ako at ngumiti.

Nagpaalam na kami ni Junnie at umalis.

Once upon a fairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon