Parang hinihila ko na ang mga araw para lang mag-lunes na kaagad. Hindi na ako mapakali. Inayos ko na rin lahat ng mga posibleng damit na magagamit ko. Isang corporate company ang papasukan kaya dapat lang maayos ang lahat ng damit ko. Sa naipon ko bilang waitress ay nakabili naman ako ng ibang maayos na damit.
Sabado na at nakabili na ako ng mga gagamitin ko. Bumili ako ng dalawang sapatos sa divisoria. Isang itim na stilettos at kulay beige na flats. May iba rin naman akong damit na pwede kong magamit. Bumili din ako ng isang isa white body con dress na may floral prints sa laylayan. Bumili din ako ng isang pencil cut skirt na may kapares na coat na nabili ko lang ng four hundred fifty sa divisoria.
"Anak, baka malusaw iyang mga damit mo kakatitig mo. Tara na at kumain." Sabi ni Tatay at agad naman akong natawa. Rinig ko din ang pagtawa nilang lahat sa labas.
Umiling na lamang ako at lumabas na para sabay sabay na kaming maghapunan. Masaya ako na simple lang ang pamilya namin. Sinusoportahan nila akong lahat sa mga pangarap ko at alam nilang lahat kung gaano ako naghintay sa opportunity na ito.
"Masaya kami para sayo, nak! Alam ko kung gaano mo kagusto ang trabaho na iyon." Sabi ni tatay. Umiinit ang puso ko na malaman na may sumusuporta sa akin sa mga desisyon ko.
Ngumiti ako bilang tugon. Nagkatuwaan kami habang kumakain at inaasar ang kapatid ko dahil sa susunod na taon ay nasa kolehiyo na din siya. Pagkatapos kumaen ay nagligpit na ako ng pinagkainan at si Kaia, kapatid ko.
Mas nauna pa akong nagising sa aking alarm clock. Someone has texted me, telling that ahe is from Apollo Group of Companies. They are expecting me 9am sharp today. Babyahe pa ako kaya inagahan ko talaga ng bangon.
Alas-siete ay dapat nakaalis na ako sa amin dahil ayaw ko namang maipit sa traffic at baka malate pa ako sa first day ko.
Lumabas ako ng kwarto ko na nakabihis at nakaayos na. Nagsuot lamang ako ng sandong puti panloob sa itim na coat at itim ding pencil cut skirt. The sando shows how big my boobs are. Hindi ito sobrang laki at hindi rin naman flat chested. Katamtaman lang na bagay lang sa aking tangkad.
Ang buhok kong inayos ko sa isang bun, nagsuot din ako ng maliit na white pearl earings para bagayan ang suot ko. Isinuot ko din ang binili kong high heels shoes. Siguro ay nasa 2 inches ang taas ng heels nito. Kaya ko naman dalhin kaya ayos lang. But I secured a spare flats in my bag baka lang kasi masira ito kaagad. Galing divisoria lang ito kaya baka masira agad.
Mabuti ng sigurado. Sumimsim ako sa kapeng tinimpla ko at pinanood ang balita sa TV.
Naghahanda na din silang lahat sa pag-alis. Si Nanay ay magluluto na sa karenderia nila ni Tita, si Tatay naman ay kakatapos lang maligo, papasok na rin. Si Kaia naman ay nakain na ng almusal.
Nagpaalam na akong aalis dahil baka magsimula na ang traffic.
Pumara kaagad ako ng tricycle para maihatid ako sa labasan. Ang iba ay pupungas pungas pa halatang kagigising lang. Talagang maaga pa. Kahit na doon ako maghintay sa company ng matagal ay ayos lang. Basta huwag lang akong malate.
Bumaba ako galing jeep, alas-otso na. Mabuti nalang talaga ay inagahan ko ng alis dahil lumalala na ang traffic nung papunta na ako.
Lalakarin ko pa papasok ang mismong company pero ayos lang dahil hindi naman ganoon kalayo. Inayos ko ang suot kong palda na nalukot dahil sa pagkakaupo ko sa jeep.
Huling punta ko dito ay hindi ko masyadong napansin ang paligid. Before reaching the main building you are going to pass a huge garden with lots of bench. Parang ginawa talaga siyang park. Maybe they designed it for the employees to enjoy their breaktime outside the company. Madami din puno ang nakatayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/21033594-288-k902894.jpg)