Days passed very fast. Wala daw kaming pasok ng weekends. Puro calls lang ang natatanggap ko buong araw. Ang iba ay nagpapaschedule ng meeting with the CEO. Ang iba naman ay personal matter.
"Thank you for calling Apollo group of companies, this is Robin speaking, how may I direct this call?" I said in a happy tone.
Everyday that is my routine. Nakasanayan ko na rin.
"Uhm, can I talk to Titus?" She said and gigled a bit.
"May I know who's on the line please?" I said politely and immediately grab a pen and a piece of paper to write what she is about to say.
"This is Tiffany, Robin. I believed that we met already." She said in a matter of factly tone.
I almost whispered a curse dahil nagulat ako. Parang kaibigan niya lang ang kausap niya.
"I-I'm sorry, Ma'am! I'll transfer your call." I said and pressed the button to transfer it to the man across the room.
Before the call ended, I heard her chuckled and say thanks.
Her laugh is so sweet like a lullaby that is bringing you to sleep.
Sa buong linggo ko dito ay hindi naman kami masyadong naguusap ni Titus. He's just calling me when he needs something and when I am done I'll immediately go back to my office.
Binalik ko ang atensyon ko sa computer sa harapan ko. I am now writing a letter to send to one of his investors para makapagpaschedule ng meeting.
Tinignan ko ang oras, it is almost lunch. Ginugutom na din ako. Hindi ako pa nasahod kaya hindi ako pwedeng maging magastos. Nagbabaon ako ng para sa lunch ko araw-araw kaya hindi na ako nalabas pa para kumain.
Tumingin ako sa bintana at tumingin sa baba, nakita ko ang park na puno ng bench. Nakakahalina na ang lilim ng puno sa bawat bench. Hinintay ko na mag alas onse ng umaga bago ko inayos ang sarili at kinuha ang baunan kong dala. Dala ko din ang lagayan ko ng tubig.
Dumerecho muna ako sa kwartong nasa harapan lang ng sa akin para mag-paalam na bababa muna ako para kumain.
Bago pa ako makakatok ay lumabas na din siya. He's eyebrow immediately shot up.
Kaunting gulat ang nakita ko sa kanya pero nawala din kaagad.
"Order lunch, for two." After saying that he immediately go back to his room.
Umirap ako ng wala na siya. Hihintayin ko pa tuloy makarating ang order niya bago ako makababa.
I have one hour break and syempre gusto ko namang masulit iyon kahit sa paglilibot man lang sa baba. Araw-araw ay derecho agad ako dito sa office dahil hindi pa naman tamang oras ng pasok ko ay dagsa na ang calls and emails.
Agad akong umorder sa canteen ng building. He doesn't say to order at some restaurants near here. I assumed that the canteen here is the one he's talking about.
Nireceive ko sa elevator palang ang pagkain. May dala ang naghatid na trolley laman ang inorder ko. Dahil wala akong alam na kakainin niya ay sinabi ko nalang na kung ano sa tingin nila ang kakainin ng aming boss.
They gave him a two serving of pork steak with gravy and a mashed potato. They also gave him a salad with Caesar dressing. And an iced tea for the beverage.
Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok dala ang trolly na puno ng pagkain. Inayos ko ang lahat sa lamesa sa tapat ng sofa. When I'm satisfied, I immediately looked at him, nakita ko siyang nakatitig lang pala sa akin the whole time.
Nailang ako sa tingin niya. May mali ba sa akin? Madungis ba ako? May dumi ba sa mukha ko? Tingin ko naman ay wala? Kumunot ang noo ko, dahilan kung bakit nag-iwas siya ng tingin at tumayo.
"Magla-lunch na din po ako sa baba." Sabi ko at akmang aalis na.
"Eat with me. After this, we'll head somewhere." Aniya at itinuro ang pagkain. Seryoso ang kanyang tingin. Marahil ay importante ang pupuntahan namin. Para makasigurado siyang makakaalis kaagad kami at hindi na niya ako hihintayin ay dito na din niya ako papakainin.
Nahihiya akong umupo sa tapat niya. Inilabas ko din ang baon ko. Ayaw ko namang mapanis ito. Kakainin ko na din kung kaya.
"Sir, kuha po kayo. Ako po nagluto niyan. Baon ko sana." Sabi ko at inalok sa kanya ang baon ko. Nagluto lang ako ng adobong baboy.
Compared to the food that he ordered, ay walang wala ang adobo ko. But somehow he get some. Nangiti ako ng inamoy niya ito bago sinubo.
Magaling akong magluto at alam ko sa sarili ko yon. Pamana ata ng nanay ko iyon sa akin.
"Not bad." He said and then take another for a bite.
Ngumiti lamang ako at nagpatuloy na din sa pagkain. Tahimik kaming pareho at wala ng nagsalita hanggang sa natapos.
When I think he's finished I immediately take his plate and put it in the trolley. Same goes with mine. Itinawag ko na din sa canteen sa baba na kunin nalang dito sa taas. Inilagay ko sa gilid ng elevator ang trolley at nagiwan ng note saying thank you.
Bumalik ako sa office upang ayusin ang mukha ko. Pinasadahan ko ang itsura ko ng na satisfied ay lumabas na ako. Nandoon na siya at naghihintay, when he saw me his jaw clenched and turned his back to me.
Tinagilid ko ang ulo ko. May PMS ba ang isang to o talagang baliw ako para mag-isip na mabait siya?
Kanina lang ay parang okay kami ngayon ay parang wala siyang kasama.
Ang gulo mo, Titus Apollo!
