Chapter 8

3 0 0
                                        

Wala naman palang meeting na mangyayari. Just a tensed family reunion.

But of course, they talked about business.

Hindi na din ako nagsalita. Ayaw ko ng makigulo pa at hindi naman ako parte ng pamilya. Hindi ko nga alam bakit ba kasama pa ako sa meeting na ito.

Hindi rin masyadong nagsasalita si Marcus na hindi ko alam kung kaano-ano nila, marahil ay assistant din ng lolo ni Titus.

"By the way, Robin, this is Marcus, my apo, Titus' cousin." Ani ng matanda habang nakangiti at nakatingin sa akin.

Agad akong ngumiti kay Marcus at siya rin namang ginawa niya.

"And I'm Augustus Apollo..." ani ng matanda. I cannot believe that I am actually talking to this legend.

He's a very well known businessman during his young age! Even now he still appears on some business magazines discussing how successful he is.

"It is s-such an honor to meet you, Sir!" I said and I know I am blushing!

He chuckled when he saw me blushing and stutter.

Titus and Marcus resembles their lolo specially the body built. Halatang malaki rin ang katawan ng kanilang lolo nung kabataan pa nito.

Hindi rin naman nagtagal ang meeting nila. Talagang gusto lang ng lolo ni Titus na asikasuhin muna niya ang negosyo nila sa Palawan.

Hindi ko alam na mas nakakakaba pala kapag kaming dalawa nalang sa sasakyan. Biglang pumasok sa isip ko ang ginawa ko.

Ako lang naman ang nagdesisyon para sa kanya. Baka naman ako lang ang ipadala nito sa Palawan.

Sumulyap ako sa kanya mukha naman nsiyang hindi galit siguro ay hindi naman big deal sa kanya ang magpunta ng Palawan.

"Uhm, Sir, kung aalis na po kayo sa friday, I'll just keep you posted on your schedules through email." I said at ngumiti. Actually pinipilit konlang ngumiti. Kinakabahan ako. Kahit naka-airconnang sasakyan ay pinagpapawisan ako ng malamig.

Tumingin siya sa akin, ngunit ibinalik niya kaagad ang tingin sa kalsada.

"You'll come with me. You said to my lolo, you're gonna help, right?" He said with a smirk on his face.

Panindigan mo 'to Robin. For sure tinitest ka lang niyan and if ever baka pauwiin ka rin naman agad.

Tumango nalang ako at hindi na ulit nagsalit. Martes na ngayon at sa friday ay aalis na kami. Paano kaya ako magpapaalam sa mga magulang ko?

Mabilis natapos ang maghapon. May usapan kami ni Junnie na magkikita kami ngayong hapon dahil naka-off siya at nagyayang manood ng sine.

Pumayag na ako dahil sa biryernes ay 1month na ulit kami magkikita.

"Bakla!!! Palawan yon! Gora ka na!" Sigaw ni Junnie habang naglalakad kami papasok ng Mall.

Kulang malang ay marinig ng lahat ang kinukwento ko sa kanya sa lakas ng boses niya kada sisigaw dahil sa excitement.

"Isang buwan yon! Hindi ko makikita sila Mama at Papa!" Sabi ko at ngumuso. Hindi ba dapat tutulungan niya ako mag-isip ng dahilan para masabi ko sa boss ko at baka maisip na hindi na nga ako isama.

"Girl, isang buwan lang yon! Tsaka Palawan lang. Di ka pa tatawid bansa. Wag kang OA." Ani Junnie habang nakapila kami sa bilihan ng popcorn.

"Tsaka girl, ikaw ang nagdala niyan sa sarili mo. Panindigan mo!" Alam kong may point si Junnie.

Kinakabahan lang akong sumama sa boss ko ng isang buwan dahil kakakilala ko palang naman sa kanya.

"Fine!" I said in defeat at bumuntong hininga. Napapalakpak naman siya.

"You said resort hindi ba? Magdala ka ng swim wear. Wag mong sayangin ang dagat." Kitang kita ko kung paano nagkinang ang mga mata ni Junnie. Marami kasi siyang koleksyon noon at susuotin niya raw iyon kapag retokada na siya.

Sinasabihan kong mag-ipon na ng pera pangparetoko kesa bili ng bili ng damit na masusuot niya kapag retokada na siya.

At hinding hindi ako hihiram ng swim wear niya. Masyadong mahahalay ang mga iyon.

Nakuha niya rin siguro ang iniisip ko ng nakita niya akong nagkunot ng noo. Tumawa lang ang bruha.

Natapos namin ni Junnie ang movie ng matiwasay at hindi siya nakipag-away sa mga maiingay sa loob.

Nang makauwi ay nakaramdam kaagad ako ng pagod. Mabuti nalang ay kumain na kami ni Junnie bago umuwi kaya matutulog nalang ako.

Naintidihan naman nila mama at papa na hindi na muna ako sasabay sa pagkain.

When I saw my bed, I immediately throw myself to it.

I can't believe what I got myself into. Paano ko ba ito lalabasan? I can't resign. I can't complain. Dahil ako mismo ang nagdesisyon nito.

Minsan talaga parang gusto ko nalang sabunutan sarili ko.

Once upon a fairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon