Chapter 1

12 3 0
                                    

"Sino sa inyo ang gustong yumaman?" the curly speaker said.

Halos sampung beses na akong umirap at feeling ko ay iikot na ng 360° ang eye balls ko.

My friend told me that this seminar will be all about business. Monkey business pala.

Sa pangalan palang ng company ay hindi ka na talaga magtitiwala. Nakakaloka.

"Bakla, ano 'to? Akala ko business ventures 'to?" Sabi ko habang kinakalabit si bakla. Titig na titig siya sa isang tagapagsalita sa harap. Parang alam ko na kung bakit 'to nagyayaya dito.

"Shhhh ka lang diyan,  bakla!" Aniya na talaga namang nakapagpairap sakin ng malala.

I have decided na mag-CR nalang muna. Gustong gusto ko na umuwi or mag-gala nalang sa mall.

"CR lang ako, bakla!" Sabi ko at derecho ng tumayo. At ayun si bakla. Walang pakialam dahil siguradong hinuhubaran na niya sa isip niya ang nagsasalita sa harap na ni hindi ko maalala ang pangalan.

Hindi na ako babalik sa loob. Itetext ko nalang si bakla na uuna na ako. Maiintindihan niya naman ako or baka wala talaga siyang pakialam dahil haharot pa siya roon after.

Iginala ko ang mata sa loob ng mall na madaming tao. Nag-window shopping lang ako dahil wala naman akong pera pang shopping. I grew up in a small family in a small town in the south.

Hindi mayaman. Average lang. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Nagkakautang typical Filipino family if you would say.

Kakagraduate ko lang ng college pero ilang buwan na akong tambay. Kaya nga ako sumama kay bakla kasi sabi niya pagkakakitaan daw.

Gumala muna ako sa loob ng Mall bago ko napagpasyahang umuwi nalang tutal ay parang wala naman akong mapapala dito.

Agad na umihip ang mainit na hangin sa mukha ko pagkalabas ko sa Mall. Madami ding tao sa labas ng Mall ang iba ay naghihintay ng masasakyan, ang iba naman ay papasok palang ng mall.

"Miss, applicant ka ba?" Ani ng isang lalaking lumapit sa akin. Tinignan ko muna siya mula hanggang paa bago sumagot. Mukha naman siyang matino at mabait. Naka-Suit pa nga siya actually. Ang init pa niyan ah.

Tumango ako bilang sagot.

"Perfect! I'm Jason from MGC Manpowers Inc. And fortunately we are currently in need of 20 person for the position of office staff. Here! My calling card para may contact ka sa akin."Aniya at iniabot sa akin ang kanyang calling card na kulay itim. I am not yet convinced but when he gave me a calling card maybe he really is real.

"Tara, sama ka sakin sa office namin. Dito lang din sa loob ng mall."Sabi niya ng nakangiti. Tumango ako sumunod na ako sa kanya.

Pagkarating namin sa office nila ay ako nalang pinapasok niya sa loob. Pagkapasok ko sa loob ay madaming lamesa at iba pang sa tingin ko ay aplikante din.

May nag-assist sa aking babae na maikli ang buhok na mukhang napakasungit. I'm feeling a bit uncomfortable about this. Pero hinayaan ko lang. I sat in front of a woman na may plastic na ngiti.

"Good Morning! I am Risa from MGC Manpowers Inc. nag-apply ka hindi ba. Congratulations! Dahil hiring kami ngayon. Paki-fill up ang form. Habang nag-fifill up ka ay explain ko na din sayo ang salary mo at kung saan ka magta-trabaho." Tuloy tuloy niyang salita na halos hindi ko na maintindihan dahil busy din ako kaka-fill up.

"Sasahod ka ng 20,000 a month with incentives. isa pang good news. Dahil ang babayaran mo lang ay ang medical fee na 350 pesos at all good ka na. Tatawagan ka nalang namin for the schedule of your medical then right after medical pwede ka na magreport sa papasukan mo." Aniya. Sobrang bilis niya magsalita na halos wala akong naintindihan.

Natapos ko nadin ang pag fill up sa papel an ibinigay niya. Pagkatapos ay ibinigay ko na sa kanya ang papel. Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay na para bang may hinihingi.

"Ano po iyon?"tanong ko na nagpakunot ng noo niya.

"Hindi ka ba nakikinig? Ang sabi ko babayaran mo na ngayon yung medical fee na 350 pesos para mai-schedule ka na. After nun within next week start ka na sa trabaho." Aniya sa napakataray na tono.

Agad kong ibinigay sa kanya ang 350 pesos na hiningi niya. May iniabot ulit siya aking pipirmahan ko raw at agad naman akong pumirma.

"Pumunta ka dun sa dulo ibigay mo ito at bibigyan ka nila ng ID." Aniya at agad akong pinatayo dahil may susunod pa raw siyang iinterviewhin.

Tumayo ako at pumunta na sa sinasabi niyang pagkukuhaan ng ID. Ibinigay sa akin ay ID na may control number sa taas at ang pangalan ng agency nila.

Binigyan din ako ng kontrata daw sa papasukan ko "Apollo Group of Companies".

Pagkatapos ay agad akong pinalabas. Parang wala ako sa sarili ko the whole time. I am spacing out until someone call me on my phone.

"Nak, anong oras ka uuwi?" Si nanay tumawag. Para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig ko sa boses niya para akong nanghihina. Ngayon lang nagsink in sa akin lahat ng nangyare. I think I was hypnotized or something like that. I think I can't speak when I was there all I could do is nod.

I was about to cry but I didn't. Maririnig ako ni Nanay and she would freak out.

"Pauwi na po! Bye na nay! Andito na yung jeep!"I said and hang up the call. Tears began falling in my cheeks. Kinakabahan ako pakiramdam ko ay naharas ako ng wala akong kaalam-alam.

Nagpahinga ako sandali bago tuluyang umuwe. I was still shocked but I managed to stand and go home. Natatakot na tuloy akong makipagusap sa kahit kanino. I feel like I was being hypnotized again.

Once upon a fairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon