Chapter Four

5.8K 224 20
                                    

Driver hindi ata yan ang katagang gagamitin ni Samina para e-describe ang lalaking nagmamaneho sa kanya ngayon. Kundi aparisyon ito ng isang Demigod. Lalo na't namumutok ang mga muscles nito sa braso dahil nakahulma sa katawan nito ang suot na itim na t-shirt. Hindi lang yan, mukha rin itong action star sa pelikula dahil sa mga armas na nakapulupot sa katawan nito.

Pero di niya maitatanggi na isa sa mga armas na yan ang sumagip sa buhay niya. Kaya nga hindi siya naniniwala na driver lamang niya ito.

Mga ilang minuto rin ang nakalipas at medyo nakalayo-layo na nga sila sa tinitirahan niyang apartment na ngayon ay abo na.

Her fear and lack of control made it tough to breathe. Hanggang sa mga oras na yon kasi hindi pa rin siya naka move-on sa nangyari sa kanya kani-kanina lang. At hindi lang yan, masakit din ang pagkakauntog sa ulo niya nang mabangga ang van na sinasakyan nila kasama yong mga kidnapper. She tried to think up a number to focus on, something big with a decimal point, pero waley eh, hindi talaga gumagana ang utak niya.

At ang matindi pa ay hindi niya alam kung sino ang pagkatiwalaan niya.

Maliban nalang sa sinabi ng kanyang instinct na magtiwala muna siya sa nagpakilala sa kanyang driver. Eh mukhang harmless din naman ito. Ang hindi lang niya maintindihan kung bakit kakaiba ang mga pangalang binanggit nito nang may kinakausap ito sa radyo. Tinawag pa nga siyang Daredevil sa babaeng nakausap nito. In fairness, hindi naman ito mukhang devil incarnate, kundi mukha itong guardian angel na walang pakpak.

Pinatumba kasi nito ang mga taong nagtangkang kumidnap sa kanya. Kaya sa tingin niya hindi masamang tao ito. Hindi lang talaga maiwasan na matakot siya rito dahil hindi rin naman niya ito kilala. Pero bahala na sa kanya si spiderman, pakikinggnan nalang muna niya ang sinasabi ng kanyang instinct na mapagkatiwalaan nga ito.

God, ikaw nalang ang bahala sakin kung nagkamali man ang instinct ko.

Napansin nalang niya na dumudugo ang leeg ng lalaki. Kaya nahintakutan siya bigla baka kung napano na ito.

"You're hurt." she blurted.

"Huh?"

"On your neck?"

Hinawakan naman nito ang dumudugong leeg. "I thought it felt itchy. What is this? Maybe a shattered glass." Tinanggal nga nito ang isang maliit na pirasong basag na salamin saka sinuri nito iyon, at pagkatapos itinapon ito sa bintana na parang wala lang nangyari.

Itchy lang, huh? Hindi kaya mahapdi ito at binalewala lang ng lalaki? O baka nag inject ito ng nubain kaya hindi ito nakakaramdam ng sakit? No wonder, kaya feeling nito hindi ito matatablan nang hamunin nito ang kidnapper. "Do you have a first aid kit in the car?"

He snorted, like he found her suggestion amusing. "It's nothing. Doesn't hurt at all. I'll deal with it later."

"Did the bank send you to fetch me?"

Bahagya itong napalingon sa direksyon niya, pero nakakatutok pa rin naman ang mga mata nito sa kalsada. "No. But my uncle Simon would like to have a word with you."

Kahit pa medyo may pagka kayumanggi ang balat nito, pero di pa rin matatanggi na isa nga itong Latino. Marami-rami na rin kasi siyang nakasalamuha na mga Latino nilang kliyente sa bangko. Kaya alam na alam niya ang features ng mga may dugong Latino. Pati rin ang tangos ng ilong nito ay nagpapatunay na isa nga itong Latino. Sa isang tingin nga niya rito mukha itong si Bernado Velasco na isang Brazilian actor.

Ngunit dapat na niyang itigil ang pagpapantasya niya sa lalaking nagmamaneho, dahil masasabi niyang nasa delikadong sitwasyon pa siya.

"Am I in trouble?" tanong niya sa lalaki.

Tough Hunks Series (7) Lander : The DefenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon