EDITED CHAPTER
❖Floral Paradise
[ 7:42 AM ]Para akong nasa paraiso ng mga bulaklak sa nakikita ko.
Haha. Malamang. Floral Paradise nga ang tawag eh. Tatawagin na 'tong Floral Paradise kung Holy Cow ang nandito?
Sobrang daming mga bulaklak, iba-iba ng kulay at laki. Kung anong pangit ng Shadow Forest, ay siya namang ganda ng Floral Paradise.
Sa tapat ng mga bulaklak ay isang magandang lake. Crystal na crystal ang kulay nito. Kitang-kita ko ang aking reflection na para lang akong nananalamin.
Nilapitan ko ang isa sa mga bulaklak. Masyadong kapansin-pansin ang bulaklak nito kesa sa iba. Katulad ng lake, mala-crystal ang kulay ng petals nito.
• • •
Crystal Flower
(Rare)
—a mysterious flower that grows once in a week.• • •
Hmm, mukhang malaki ang purpose nitong bulaklak. Once a week ang tubo? Syempre importante talaga 'to.
Pinitas ko ito at inilagay sa aking inventory.
Muli akong nag-uli sa Floral Paradise. Hanggang sa mamataan ko ang isang bunga. Ginto ang kulay nito Kaya talagang na-attract ako.
Nilapitan ko ang puno. Isa mansanas. Gintong mansanas.
• • •
Golden Apple
(Rare)
—fully restores health, mana, and status ailment.• • •
Matapos kong pitasin ito ay naghanap pa ako ng Maraming Golden Apple. Malaking tulong ito lalo na kung naubusan ako ng potion.
Sa aking paghahanap, nakasakulubong ako ng isang mob.
• • •
Vine Eater
Lvl: 10
Hp: 1,000/1,000Skill(s):
—Vine Whip
Possible Loot(s):
ʀᴀʀᴇ | Thorn• • •
Mas maganda sana kung nasa tabi ko si Lay. Mas maipapaliwanag niya sa akin ang detalye tungkol sa Vine Eater na ito.
Kesa sa libro lamang. Hayy...
Hinawakan ko ang libro at sinabing...
"In."
Isa to sa maraming command ng game. Buti na lang nagresearch ako ng maigi. Hindi kasi nakasulat lahat ng detalye sa Guide book. May mga secret features talagang nakatago.
Isa 'tong higanteng halaman na ang mga kamay at paa ay baging. Dalawa ang kamay na maraming tinik at ang paa naman nito ay apat. Ang kanyang ulo ay bulaklak. Sa bunganga niya ay puno ng matitilos na tinik.
"Vine Eater..."
Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa aking tagiliran. Si Lay, gising na ito pero pupungay-pungay pa ang mata.
"Malakas ang atake at mabilis kumilos. Ang kaninaan ay apoy."
Kaunti lamang ang ipinaliwanag niya dahil sa nakalagay na mismo sa Virtual screen ang detalye.
Nagfocus ako sa Vine Eater. Dahil sa ability ko na Spot, madali kong namataan ang kanyang weak spot. Ang bunganga niya.
"Taunt."
BINABASA MO ANG
✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 1: The Phantom Cheater #RPGCertified
Science Fiction»Highest Rank Achieved« #8 in Science Fiction (June 22, 2018) Si Valk Sycamore ay isang normal na teenager. Naiwan siyang magisa sa kanilang bahay dahil sa pagbabakasyon ng kanyang magulang. Dahil dito, niregaluhan niya ng kanyang magulang ng Dimens...