|North District|
(Barter District)Suot ko ngayon ang aking cloak. Ang aking Black Mask ay ibinigay ko na kay Frieda. Masyado kasing bulgar ang level niya, baka bigla siyang iPK. Lalo na't tapos na ang penalty ng No Mercy Guild.
Kaming dalawa lamang ngayon ang magkasama. Si Lay ay hinatid lamang namin sa Training Hall para pagaralan muli niya ang pakikipaglaban. Nang sa ganon ay magkaroon siya ng level. Walang level ang Guardian na tulad ni Lay. Ayon sa trainor doon, sa pamamagitan ng kanyang pagsasanay sa mismong hall, maaunlock ang kanyang level at skill.
Ayon pa sa trainor, kailangang opisyal ang unang training ni Lay. At pagtapos noon, pwede na siyang magsanay sa labas.
Ang isang araw na training ay nagkakahalaga ng 100, 000 golds. Depende na kay Lay kung hanggang anong level ang maabot niya.
"Valk, kain muna tayo. Gutom na ako..." Reklamo ni Frieda.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Isa sa dahilan kung bakit ayaw ko ng kaparty ay buhay ko pa minsan. Kaya nga lagi akong solo play.
Binuksan ko ang inventory ko at inilabas ang Food Pack. Iniabot ko ito sa kanya.
"Oh, yan na lang ang kainin mo."
"Sige pwede na yan."
Malugod niyang tinggap ang Food Pack. Kanya itong binuksan habang naglalakad kami palabas ng North District.
Napatigil ako bigla nang may nakita akong isang gusali.
Service Building
"Frieda alam mo ba yan?"
Tumingin siya sa kabuuan ng gusali. "Oo, diyan naghahire ang mga players ng mga NPC na pwedeng tumulong. Halimbawa sa Farming, Mining, at kung anu-ano pa. Isang NPC dati ang katulong ni ate sa shop nung beta test. Pero kinuha din nong nirelease ang alpha version."
Hmm...
"Tara sa loob."
Nauna aking pumasok sa loob ng gusali. Tulad ng sinabi ni Frieda, may mga players nga sa loob. May mga kausao silang mga NPC sa front desk at mukhang doon sila naghahanap base sa hinihinging tulong.
Hinanap ko ang sign na nakasulat na Blacksmith. At yun! Tamang-tama, walang nakapila.
Lamapit kami ni Frieda sa front desk. Medyo may kamahalan pala ang serbisyo ng NPC kung arawan ang trabaho. 500, 000 golds ang bayad sa isang araw. Kaya 1 diamond na lamang ang binayad ko for 1 month. Di ko alam ang conversation nito to gold pero tiyak akong malaki ito.
"Bukas na bukas po, pupunta na agad ang Blacksmith." Sabi ng NPC.
May sariling pera ang NPC. Pwede nila itong makuha sa pagbebenta ng items o pagtatatrabaho. Pero kung babalakin mong nakawan ang NPC, nagaaksaya ka lang ng pagod. Hindi mo mananakawan ang nga NPC. Kasi ang perang kinikita nila, ay sa game mismo napupunta. Sa Sycamore Tree! Hahaha!
"Bakit ka kumontrata ng Blacksmith para kay ate?" Tanong sa akin ni Frieda.
"Para makalibre sa shop nyo!"
"Eh? Dapat bumili ka na lang ng shop. Sa main road sa South District para dayuhin ng players."
"Eh? Di mo agad sinabi."
"Aba! Malay ko ga! 1 diamond din yong bakenteng pwesto doon."
"Di mo agad sinabi eh"
|Deserted Wasteland|
"Frieda last hit!" Sigaw ko sa kasama ko.
"Sinketsu second form."
Ipinagkabit ni Frieda ang parehong dulo ng handle ng kanyang kambal na katana. Mistulang sibat ang itsura nito pero may curved.
BINABASA MO ANG
✓ Exyvius Fantasy Online Vol. 1: The Phantom Cheater #RPGCertified
Science Fiction»Highest Rank Achieved« #8 in Science Fiction (June 22, 2018) Si Valk Sycamore ay isang normal na teenager. Naiwan siyang magisa sa kanilang bahay dahil sa pagbabakasyon ng kanyang magulang. Dahil dito, niregaluhan niya ng kanyang magulang ng Dimens...